Ngumuso si Helena at pinaglaruan ang kalahating baso ng juice na nasa harap niya. Mukhang may nasabi na naman siyang hindi maganda. Kinagat niya agad ang labi niya para pigilan ang sarili sa pagsasalita pa. Helena, masyado ka kasing maingay! Matatanggal ka nito! "Hey, you're not eating your food," sabi ni Harley sa matigas na Ingles. Bumagsak ang tingin ni Helena sa kanyang pinggan at nagsimulang kumain ulit, kahit maliliit na bahagi lang. Alam niyang kailangan niyang ubusin ang pagkain para walang maaksaya sa perang ginastos ni Harley. Kumain si Helena hanggang sa mabusog siya. May natira pang iilang bahagi ng steak at kanin, kaya't hiyang-hiya siya dahil pinapanood pa rin siya ni Harley. "Sorry," sabi ni Helena habang pinupunasan ng tissue ang kanyang bibig. Nagtaas ng isang kilay s

