"IBABA mo na ako," sabi ni Helena ngunit parang wala siyang narinig. Gamit ang kamay niyang nakahawak sa binti niya, binuksan ni Harley ang pintuan ng isang maliwanag na kwarto. Nagulat si Helena nang makita ang laman ng kwartong iyon. Puno ito ng mga kagamitan na madalas mong makikita sa isang gym. May treadmill sila sa bahay nila noon ng mama niya, kaya alam niyang mukhang gym ito sa parte ng bahay ni Harley. Lilang equipment ang nakalatag sa gilid. Binaba siya ni Harley sa ring ng boxing. Umamba siyang tatayo pero hindi niya nagawa dahil lumuhod si Harley at hinubad ang sira niyang pumps. Ngayong naliwanagan na ang pumps, nakita ni Helena na halos mag-fade na ang kulay nito. Wala na iyon sa magandang kondisyon. Hindi niya alam kung bakit pinipilit pa rin niyang isuot ito kahit na hind

