Iritado si Helena sa lahat ng nangyayari. Ang biglaang pagsulpot ni Harley, ang babaeng nangmamaliit sa kanya, at ang dami ng mga tao na nagmamasid sa kanya—lahat ay nagpaparamdam sa kanya ng labis na kahihiyan. "Bitiwan mo ako," utos niya habang nahihirapan siyang bumuo ng mga salitang iyon sa gitna ng paghahatak sa kanya ni Harley. Parang wala siyang narinig nang hinatak siya nito papasok sa loob ng bahay. Nakita ni Helena na sinundan sila ng tingin ni Roble habang naka-upo siya sa sofa. Huminto lamang si Harley nang may humarang na babae sa kanilang daraanan. "Lance, sino 'yang kasama mo?" tanong ng babae habang pinagmamasdan siya ng may pang-iinsulto. Itinago ni Helena ang naputol na takong sa likod niya at inayos ang kanyang postura, pero kitang-kita pa rin ang sira niyang pumps.

