Chapter 6

1616 Words
PARANG mga ibong pinakawalan sa hawla sina Helena at Bea nang lumabas sila mula sa van. Mabilis na pumunta ang mga kasama nila sa kaliwang banda ng square, at hinila naman ni Bea si Helena sa kanan. "Bea, wala ka bang—" "Sir, bili po kayo ng wine?" Malambing na ngiti ni Bea sa isang matandang lalaki. Napalunok si Helena at napagtanto niyang kailangan niyang gayahin ang kaibigan. Nakatayo lang siya doon, natulala habang pinapanood si Bea. "Hi miss, nagbebenta ka ng wine?" May lalaking lumapit kay Helena. Medyo chinito siya at may kasamang ganon rin—kasing edad niya at mukhang mayaman. Tumango agad si Helena at ipinakita sa kanila ang mga bote ng alak. "Isang bote ng red wine." Ngumiti ang chinito sa kanya. Tumango agad si Helena at binigyan siya ng isang bote. Sinigurado niyang nakapagbayad ang lalaki. Susuklian niya na sana pero umiling ito. "Keep the change," malutong niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ni Helena. Ang kauna-unahan niyang tip! Sunod-sunod din ang pagbili ng mga kasama ng lalaki ng wine mula kay Helena. Marami siyang naibenta sa banda roon, at dalawa pa sa mga bumibili ang nagbigay ng tip. Hindi naman pala ganon ka-sama ang trabahong ito, naisip niya. Siguro ay masyado lang niyang iniisip na delikado ito dahil sa mga lasing at nambabastos na lalaki. Malaki ang ngiti ni Helena pagkapasok sa van pagkalipas ng tatlumpung minuto. Tahimik lang ang ibang babae, na para bang hindi nila kilala ang isa't isa. Naisipan tuloy ni Helena kung nagkakakilala ba ang mga ito. "Bea, wala ka bang friends sa kanila?" tanong niya nang mag-alas diyes na at nakailang bar na sila. Umiling si Bea. "Crab mentality," paliwanag nito. "Ayaw nilang magkaroon ng friends. Minsan..." Tinuro niya ang pinaka-mestiza at pinaka-matangkad sa kanilang grupo. "Ayan si Ylona. Kaibigan ko 'yan. Classmate kami noong high school. Tapos naging buddy kami. Palagi kaming magkasama pero isang gabi lang, mas marami akong naibenta kumpara sa kanya, nagalit agad sa akin." Tumango si Helena habang tinitingnan si Ylona, na nagreretouch ng make-up. Maganda si Bea, pero mas natural na maganda si Ylona. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, umismid si Ylona at binalingan siya ng tingin. Bumaling si Helena kay Bea na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin. "Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit, e, pareho lang naman iyon. Kahit pa lima lang ang naibenta mo buong gabi, isang libo pa rin naman ang ibibigay ni Ma'am. Ewan ko ba? May malaking topak 'yang si Ylona," sabi ni Bea habang umiling. Napatitig si Bea sa labas at kuminang ang kanyang mga mata nang makarating sila sa mas malaking square kung saan napakaraming bar. Kitang-kita ang mga artipisyal na coconut tree sa bawat gutter bilang palamuti sa buong square. Retouch agad ang ginawa ng iba, pati na rin si Bea. Dahil wala namang make-up si Helena, tumunganga lang siya. "Ito ang isa sa may pinakamahal na bar sa buong lugar. Madalas alas diyes o alas onse tayo dinadala ni Ma'am dito dahil sa mga oras na 'yan hindi pa ganoong lasing ang mga tao at nakakabili pa ng maayos," paliwanag ni Bea habang pinupulahan ulit ang kanyang labi. Tumango si Helena at nilagyan din siya ni Bea ng lipstick, sabay tampal sa pisngi. "Sigurado akong marami kang tip dito. Bago at maganda," kumindat si Bea sabay hila kay Helena palabas ng van. Pagkalabas nila ay napatunayan ni Helena na tama si Bea. Mayayaman nga ang mga tao doon. Kasabay nilang pumasok sa isang bar ang ilang artista, at may isang artistang bumili kay Helena, kaya't dumami agad ang tip niya. "Helena, doon ka, dito ako. Isang oras pa tayo dito. After five minutes, kita ulit tayo dito. Lipa tayo sa kabilang bar," sabi ni Bea. Tumango si Helena at nagtungo na sa kabilang banda ng bar. "Sir, wine po?" sabi niya sa isang lalaking naninigarilyo sa gilid. "Yup, isang red wine," sagot ng lalaki. Ngumiti si Helena. Tumigil siya sa mukha ng lalaki at sinuklian din ito ng ngiti. "What's your name?" tanong nito. "Helena," sagot ni Helena. Tumango ang lalaki. "Thank you, Helena. Ganito ba talaga ang trabaho mo?" tanong niya kahit na nahihirapan siyang dinggin ito dahil sa maingay na musika. Nagtaas ng kilay ang lalaki, at kitang-kita ni Helena ang mga tattoo sa kanyang braso. "First time ko pa po ito," paliwanag ni Helena. Tumango ang lalaki. "That's why. Madalas kasi mas aggressive ang mga lumalapit na girls sa akin," sabi nito habang ngumingiti. Pagkatapos ng limang minuto ay lumipat sila ni Bea sa kabilang bar na mas maraming tao at mukhang mas sosyal. Labing-limang minuto daw ang time limit, ani Bea. Mas naging agresibo si Helena para mas makabenta at mas dumami ang kanyang tip. Napapa-headbang siya sa lakas ng musika ng buong bar at sa ingay ng mga tao sa dancefloor. Nasiko pa nga siya nang dumaan siya sa gilid kaya pinili niyang dumaan sa mga table at sofa. Sa isang table ay may nakita siyang nagsa-smoke kaya nilapitan niya kaagad iyon. "Excuse me, sir. Wanna buy a bottle of wine?" Ginaya ni Helena ang sinabi ng isang kasama kanina. Nanlaki ang mga mata ni Helena nang makita kung kaninong table siya napunta. May apat na lalaki ang naroon at may tatlong babae. Pinasadahan ni Vince ng kanyang daliri ang kanyang mahabang buhok at tumingin kay Helena. "Helena?" Nanlaki ang mga mata ni Vince. "Good evening, Sir Vince," ngiti ni Helena sa kanya. Napatingin si Vince kay Roble at Harley. Si Roble ay nakatitig kay Helena habang hinahawakan ang kanyang labi, sinusuri siya. "Nagtatrabaho ka sa gabi? Dito?" tanong ni Vince. "Oo, e. Part-time," sagot ni Helena. "Do you smoke po?" tanong niya. "Isang bote ng red wine," sabi ni Vince sabay abot ng sobra pa sa halaga ng alak. Uminit ang pisngi ni Helena. Okay lang makatanggap ng tip sa ibang tao, pero ang makatanggap ng tip sa kakilala ay hindi niya maatim. Kumuha siya ng tamang sukli at ibinigay kay Vince. Agad niyang hinawi iyon. "Ipakilala mo naman ako sa kanya, Vince. Co-worker?" tanong ng isang lalaki sa kabilang sofa, ang pang-apat sa kanilang grupo. "Uhm, no. She works for Harley," paliwanag ni Vince. Napatingin ang lalaki kay Harley, na ngayon ay nag-iiwas ng tingin at kinakausap ang isang sikat na modelo. Nakaharap si Helena sa mesa kung saan nakaupo sina Harley, Roble, at David kasama ang mga babae nila. Kinagat niya ang kanyang labi, iniisip kung iyon ba ang kasama ni Harley sa opisina. Hindi niya magawang tingnan ng diretso si Harley at ang babaeng kasama nito. Masakit iyon para kay Helena, at naramdaman niyang parang mabibigatan siya sa kanyang damdamin kung titingnan pa niya ang dalawa. "Janitress, David," ani Roble habang abala ang kanyang kamay sa paghimod sa hita ng babaeng katabi niya. "Oh?" Napangiwi si David. "Too hot for a janitress. What's your name? Wala kasing nag-iintroduce. Well, you can't expect Harley to introduce his employees." "Helena po," ngiti ni Helena. "What a nice name, huh. Red wine, please?" Ngumiti si David. "I'm David." Naglahad si David ng kamay at kasama doon ang perang ipambibili niya ng alak. Tumango si Helena at tinanggap ang kanyang kamay. Hindi siya agad bumitiw. Tumitig pa siya at hinaplos nang mabuti ang kamay ni Helena. "David," masungit na sabi ng mestizang babae sa tabi ni David. "Sorry, Ynah," halakhak ni David, bumalik sa kanyang pag-upo, at hindi pa rin tinatantanan ng tingin si Helena. Sinuklian ni Helena si David, ngunit hindi niya tinanggap. Gusto na ni Helena umalis doon, pero ayaw niyang maging bastos. "Ikaw, Sir Roble?" tanong ni Helena. "Pass," ani Roble habang sinusubuan ng lemon ang babaeng katabi niya. Tumango si Helena at bumaling kay Harley. "Ikaw, Sir?" Kinagat niya ang kanyang labi. Suminghap si Harley at kumuha ng pera sa kanyang wallet nang hindi tinitingnan si Helena. "Red wine," malamig na sabi ni Harley. Mabilis na kinuha ni Helena ang in-order ni Harley. Sinulyapan niya ang morenang babaeng kasama ni Harley, at alam niyang isa itong sikat na modelo—madalas niyang makita sa TV at mga billboard. Ang umaalon na buhok ng babae ay kumukulot sa kanyang paglalaro, at ang pulang labi nito ay nakanguso, na parang naiinip dahil may ibang kinakausap si Harley kahit sandali lang. Iniabot ni Harley ang kanyang pera, at nakita ni Helena na kulay yellow ito—iba sa madalas niyang tinatanggap na kulay violet. Nangapa agad si Helena ng sukli. Sigurado siyang hindi ito "keep the change!" "Sukli po," sabi ni Helena sabay lahad ng pera sa harap ni Harley. "Keep the change," malamig na sabi ni Harley. May nagsasabi kay Helena na mali na tanggapin ang tip galing kay Harley, pero weird naman kung hindi, kaya tahimik niya iyong nilagay sa bag niya. "Thanks," sabi ni Helena. Tinapunan siya ni Harley ng tingin. Kumalabog ang puso ni Helena sa titig ni Harley. Ramdam niya ang malakas na t***k ng kanyang puso, at pakiramdam niya'y naririnig ni Harley ang kaba sa loob niya. "Alis na ako," sabi ni Helena sa kanilang lahat, pero hindi naalis ang tingin niya kay Harley. Nagtaas ng kilay si Harley sa titig ni Helena. "Harley..." tawag ng kanyang katabi. Hinawakan pa ng babae ang pisngi ni Harley para lang maiharap niya ulit si Harley sa kanya. Tumugon si Harley, kaya naglakad na si Helena palayo. Pero hindi niya maiwasang tumingin pabalik sa mesa nila. Kumalabog ang puso niya nang makita niyang nakatingin pa rin si Harley sa kanya, ang magandang kilay nito ay nakakunot. Nag-iwas agad ng tingin si Helena at mariing pumikit. Ano ba itong ginagawa niya? Dahan-dahan siyang tumingin ulit kay Harley at nakita niyang hindi pa rin ito bumibitaw sa titig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD