Nang dumating ang ala-una, pakiramdam ni Helena ay pagod na pagod na siya. Hindi niya akalain na ganito kahirap ang trabahong ito. Kaya pala isang libo sa isang gabi, dahil mapapagod ka ng husto. Ang sakit-sakit na ng kanyang mga paa, at pakiramdam niya ay mapuputol na ang mga ito. Napabuntong-hininga si Helena pagkatapos niyang ibigay kay Ma'am ang kinita niya sa benta. Maligaya si Ma'am dahil marami silang nabenta, at masaya rin si Helena dahil malaki pa sa isang libo ang kita niya sa tip. Napagtanto niya na nakakayaman pala ang trabahong ito. "Ayos ka lang?" Tanong ni Bea na parang hindi napapagod. Siguro ay sanay na siya sa ganitong trabaho kaya hindi na nagugulat ang katawan niya. Tumango si Helena at humikab. "Ayos lang. Higit dalawang libo ang kita ko. Makakahanap na siguro ako n

