Donna SA mall ay halos bilhin ni Reed ang lahat ng mga damit na natipuhan nya para sa akin. Maliban lang sa mga damit na maiiksi at mababa ang neckline. Ayaw nya akong pagsuotin noon. Pero wala namang syang magagawa kapag naglambing na ako sa kanya. Sa bahay lang naman ako nagsusuot ng maiksi eh. Kapag lalabas ay mahaba habang damit ang suot ko. "Ang dami na nitong damit na binili mo Reed. Di ko naman lahat nasusuot eh. Yung mga nabili mo noong nakaraan naka tengga pa rin sa closet." Sabi ko paglabas namin ng store ng isang kilalang brand ng damit. Sampung paper bag ang bitbit nya. Ako naman ay sarili ko lang ang dala at sling bag habang nakakapit ako sa matigas na braso nya. Ayaw nya akong pagbitbitin. "Masusuot mo ang lahat ng yan baby kapag mag out of town tayo o kayo mag out of c

