Donna SA mga lumipas na mga araw ay naging busy si Reed dahil sa kabi kabilaang project ng kumpanya nila. Minsan out of town pa sya. Naiintindihan ko naman yun. Kaya kumuha sya ng driver at dalawang bodyguard para taga hatid ko at sundo sa school. Pero ang hindi lang minsan ok sa akin ay yung magkasama sila minsan ni Barbara para sa project. Nagseselos ako pero di ko pinapahalata kay Reed dahil ayokong mainis sya sa akin. Kapag matagal syang wala sa bahay ay pumupunta ako kay tatay. Gaya ngayong araw ng linggo. Hindi umuwi si Reed dahil nasa Cebu sya ngayon at sa miyerkules pa makakauwi. Pero tumawag naman sya kagabi at nagpaalam naman ako na pupunta kay tatay. "O anak tikman mo to." Inumang sa akin ni tatay ang sandok na may lamang sarsa ng kalderetang baka. Tinikman ko naman yun

