Chapter 33

2273 Words

Donna MATAMAN akong nakatingin sa screen ng cellphone ko habang sunod sunod naman ang subo ko ng tsitsirya. Imbes na magmukmok sa kwarto dahil sa sama ng loob ay dito na lang ako sa porch tumambay. Masarap pa ang simoy ng hangin na umiihip sa akin. Baka sakali tangayin ang sama ng loob ko. Binabackground check ko ang university na papasukan ko sa college. Matagal na pala ang university na ito at kauna unahan dito sa buong probinsya. Marami ng nag aral na mga kilalang pulitiko dito at mga kilalang tao dito sa probinsya. Dito din nag aral si Reed at ang mga kaibigan nya pati si Barbara. "Mukhang balak mong mag aral sa Unibersidad De San Mateo ah." Natigilan ako sa pagnguya at sinulyapan si Barbara na bigla na lang sumulpot at nakatingin sa cellphone ko. Oo nga pala di ko pa pala natext

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD