Donna PAGAKAGALING sa school ay halos di na kami maghiwalay ni Reed. Kahit saan sya magpunta sa parte ng bahay ay magkadikit kami. Sa library nga ay nakakandong pa ako sa kanya habang may ginagawa sya. Sinusulit na namin ang natitira nyang oras. Bukas ay babalik na naman sya sa Cebu at sa susunod na linggo na naman sya uuwi. Parang gusto ko ngang sumama sa kanya pero hindi naman pwede dahil pumapasok pa ako sa school. Nag promise naman sya na sa bakasyon ay dadalhin nya ako sa Cebu at ipapasyal. Na excite naman ako. Gusto ko ring pumunta sa Cebu. "Hmm.." Mahinang ungol ko sa pagitan ng halikan naman ni Reed. Nandito pa rin kami sa library at naglalambingan. Nakaupo sya sa couch habang nakakandong naman ako sa kanya paharap at yakap ko sya sa batok. Walang patid ang pagtatagisan ng m

