Donna "SIGURADO ka na ba dyan anak?" "Opo tay, gusto ko pong i-surprise si Reed pag uwi nya. Sigurado akong matutuwa sya." Excited na sabi ko. Nandito na kami sa bahay ni tatay. In-excuse muna ako ngayon sa klase ng adviser ko at pinauwi muna para makapag pahinga. Pinakuha ko na lang kay Mang Karyo ang mga gamit ko sa school. Nagaalala pa nga sya kung bakit ako sinugod sa hospital. Sinabi ko na lang na may hindi ako magandang nakain kaya nagsuka ako. Just in case na tumawag sa kanya si Reed at magtanong sa akin ay yun ang sabihin nya. "Ikaw ang bahala anak." Tinapik ako ni tatay sa balikat. "Kayo po tay, ok lang po sa inyo na buntis na ako?" Nag aalalang tanong ko. Simula kasi ng malaman nya kanina na buntis ako naging tahimik sya. Alam ko namang nabigla sya. Ngumiti si tatay. "O

