Donna MAKALIPAS ang isang buwan ay magaling na magaling na si tatay. Nakabalik na rin sya sa trabaho nya sa site. Umuusad pa rin ang kaso laban kay Mang Tero pero malapit na rin syang mahatulan. Gaya ng sabi ko noon ay namatay na rin ang tsismis sa akin. Nanawa rin sila. Ang buhay asawa ko naman ay parang normal na lang pero masaya at punong puno ng kilig. Lagi akong pinapasaya ni Reed lalo na sa gabi. Active kami ni Reed sa s*x. Lahat na yata ng posisyon ay nagawa na namin. Ayon kasi sa nabasa ko tungkol sa sexlife ng mag asawa, dapat daw panatilihing laging mainit at mag explore para hindi manawa sa isa't isa. Kaya lahat ng gusto ni Reed sa kama ay sinasabayan ko kaya ang ending lagi syang sweet sa akin. Lalong naging sweet pa nga. Swerte namang hindi ako nabubuntis dahil lagi syang

