Reed "YES baby pauwi na ako. May pinapapirmahan lang ako kay Conrad." Kausap ko kay Donna sa kabilang linya. Sinilip ko ang oras sa suot na relo. Alas syete na pala. Di ko namalayan ang oras. "Nagugutom na kasi ako eh." Ngumisi ako. Nai-imagine ko ang nakausli nyang nguso. "Pauwi na ako baby. Pero kung gutom na gutom ka na talaga pwede namang mauna ka ng kumain." "Ayoko. Gusto ko sabay tayo. Hihintayin kita." Napakagat labi ako kasabay ng pagkislot ng puso ko sa tuwa. Ito ang gustong gusto ko talaga sa kanya. Sobrang lambing. "Ok, ok, hintayin mo ko. Mabilis lang akong makakauwi sa bahay." "Ok, ingat ka sa pagmamaneho." "Sure baby." Pinatay ko na ang cellphone ng wala na sya sa linya. Hinarap ko naman ang dalawa kong kaibigan. Tumambad sa akin ang mga nakakaloko nilang ngisi

