Donna NAPANGIWI ako ng idampi ko ang cold compress sa aking pisngi. Masakit ang sampal Barbara. Mukhang binuhos nya sa sampal na yun ang lahat ng sama ng loob nya sa akin. Sa kabila nun ay hindi ako nakaramdam ng sobrang galit sa kanya. Siguro dahil guilty ako. Naiintindihan ko naman ang galit nya. Mabait sa akin si Barbara pero ano ang ginanti ko inagaw ko si Reed sa kanya. Totoo naman ang sinabi nya na plastic ako. Habang sya ay mabait ang pakitungo sa akin noon, ako naman ay selos na selos at inis na inis sa kanya. Ako man ang nasa posisyon nya siguradong ganun din ang magiging reaksyon ko. Pero di ako makapapayag sa balak nyang gagawing pang aagaw pabalik kay Reed mula sa akin. Akin si Reed. Nakuha ko na sya. Di ko na sya ibabalik sa kanya. Bumuntong hininga ako at tumingin kay At

