Donna MABAGAL akong ngumunguya. Wala akong ganang kumain pero pinipilit ko dahil ayokong mag alala si Reed. "Baby are you ok?" Tumingin ako kay Reed na may hawak na tasa ng kape at humigop sya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo. "Are you sure? Parang ang tamlay mo ngayon. May sakit ka ba?" Tinaas nya ang kamay at dinampi ang palad sa noo at leeg ko. "Ayos lang ako Reed. Medyo inaantok lang." Sabi ko. Unti unting sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya. "I understand baby. Napagod kita kagabi." Ngumuso ako kasabay ng pagiinit ng mukha ko. "Ganun na nga, kaya heto medyo inaantok pa ako at kasalanan mo." Pinisil nya ang baba ko at dumukwang sabay halik sa pisngi ko. "Matulog ka na lang ulit sa kwarto later. Wala ka namang pasok ngayon." Ngumiti ako.

