Donna "MAMA!" Nilingon ko ang anak ko na malayang tumatakbo sa garden. Napangiti ako ng makitang hinahabol nya ang paro parong lumilipad. Kay sarap sa tenga ng matinis nyang tawa. Nililipad ng hangin ang may kahabaan nyang buhok na itim na itim na katulad ng sa akin. Malabo ang kanyang mukha sa paningin ko dahil siguro sa sinag ng araw. "Mama!" Tawag pa ulit nya sa akin sa maliit na boses na sinundan pa nya ng matinis na tawa at tili. "Mag iingat ka baby." Nilapag ko ang cellphone sa coffee table at tumayo para lapitan na ang anak. Baka kasi madapa pa sya sa kakahabol sa paru paro na papalayo na. "Baby huwag mo ng sundan ang butterfly -- ay!" Napatili ako ng madapa ang anak ko. Tumakbo ako palapit sa kanya. Parang dinudurog ang puso ko ng marinig ang palahaw nya ng iyak. "Mama

