Donna "BE ayos ka lang?" Untag sa akin ni Sally. Nagpapractice kami ngayon ng graduation march. Ilang araw na lang graduation na namin. Sabi ng adviser ko ayos lang daw na huwag na akong umattend ng practice kung hindi ko pa kaya. Pati si Reed ay yun din ang sabi. Kayang kaya ko na. Malakas ang katawan ko. Sila lang ang nag iisip na hindi ko pa kaya. Alam ko naman kung ano ang iniisip nila. Na nababaliw na ako. Hindi ako baliw. Hindi lang kasi nila naiintidihan ang nararamdaman ko. Palibhasa di naman sila ang nawalan ng anak. At isa pa naiirita na ako sa bahay. Bawat sulok ng bahay nagpapaalala sa akin ng masakit na pangyayaring yun. Parang ayoko na ngang umuwi doon. Pagpasok ko pa nga lang sa bahay ay mabigat na ang loob ko. "Ayos lang ako Sally medyo naiinitan lang at nangangawit n

