Chapter 43

3342 Words
SAMANTHA Pagkatapos ng tugtog hinatid ako ni Wayne sa table namin. Mapanuring mga titig at ngisi ng mga kaibigan ko ang sumalubong sa akin. Kompleto sila. Nakaupo lahat sa upuan sa may table namin, mga nakatayo naman sa tabi ng bawat kaibigan ko ang mga kaibigan ni Luigi. Lahat sila nakatingin din sa akin. Nakakaasiwa ang mga titig nila. Nanunuot sa buong kalamnan ko, na para bang may tinatago akong sekreto tungkol sa amin ni Wayne. Which is totoo naman talaga na meron. Bukod tangi lang si Luigi ang walang expression ang mukha at tahimik lang habang nkatingin saaming dalawa. Uupo na sana ako sa nag-iisang bakanteng upuan na nasa tabi ni Luigi ng biglang huminto ang spotlight sa table namin, literal saamin ni Wayne na hawak na ang kamay ko. Kaagad akong natigilan, niyuko ko ang mga kamay namin na magkahugpong saka ako nag-angat ng tingin sa kanya. Ganun na lamang ang gulat ko ng mabilis n'ya akong hinalikan sa aking pisngi sabay layas sa harapan ko kasama ng spotlight. Na para bang nakaplano na ang lahat. Nakatulalang nasundan ko na lamang siya ng tingin. Grabe 'yong hiyawan at tilian ng mga tao sa ginawa n'ya. Lalong-lalo na ang mga kaibigan ko at mga girlalu. Nakakabingi sa lakas ang ingay. Parang mga sinisilihan sa subrang kilig. Pati 'yong mga lamesa dinamay pa para makalikha lalo ng ingay. Ang dami nilang sinasabi pero wala akong naintindihan kahit isa. Para akong natuklaw ng ahas at naitulos sa aking kinatatayuan. Wala sa sariling napahawak pa ako sa pisngi kong hinalikan n'ya. Na para bang ngayon lang n'ya ako nahalikan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Grabe 'yong kalabog ng dibdib ko, parang sing lakas ng kalabog ng sound system, nakakabingi. Naguguluhan ako kung bakit n'ya ginawa 'yon sa harapan ng maraming tao. Gustong-gusto n'ya ba talaga ng atensyon or ano? Pero bakit dinadamay n'ya ako? Para saan? Para mapag-usapan kami? Ang gulo... "Sam...!" Napapitlag pa ako sa lakas ng boses na sumigaw malapit sa aking punong tainga. Marahas ko itong nilingon.. "Maupo ka na. Nagde-dreaming ka pa d'yan e. First time ma kiss sa pisngi Te?" ngising asong sabi ni Sheeva. "Huh?" nagtatakang sabi ko pa saka iginala ang aking paningin ng senyasan nila ako. Parang tangang kaagad akong napaupo ng makita kong nag-iisa na lang pala akong nakatayo. Pinagtitinginan din ako ng ibang mga estudyante habang nagbubulungan. Alam kung tumatawa sila kahit natatakpan ng kamay ang kanilang bibig dahil bahagyang umaalog pa ang mga balikat. Nasa stage na rin si Jade at nagsasalita. Tahimik na pinagtatawanan din ako ng kasama ko lahat sa table. Tiningnan ko sila ng masama isa-isa. Kaagad kong pinaghahampas ang braso ni Luigi ng halos umalog pa ang mga balikat nito kakatawa sa akin. Hanggang sa natawa na lang din ako para pagtakpan ang sarili kong katangahan. Bwesit talaga...! Pwede n'ya naman akong hatakin paupo dahil katabi ko s'ya sa upuan pero hinayaan n'ya lang din ako. Silang lahat....! Nakakahiya! "Okay guys, heto na ang pinakahihintay nating lahat! Our handsome guest are going to announce our Face of the Night so listen carefully! I would like to call our two special guest to come over here in front please?" Tumayo sina Wayne at Stacey at lumapit sa gitna. Inabot ni Jade kay Wayne ang sash at cash at kay Stacey naman ang isang bouquet. "Ladies and gentlemen, the first pair to recieve a sash and cash, and an eternal mixed flower bouquet, goes to....." pambibitin pa ni Jade. Ilang segundo ang lumipas at muli itong nagsalita. "Congratulations to Mr. Ram Jake Dela Fuentes and Caitlin Ayesha Calderon!" anunsyo ni Jade. Malakas na nagpalakpakan at naghiyawan kaming lahat. "Please come up and join me here in stage guys!" Nakangiting kaagad na tumayo ang kaibigan ko at si Jake. Magkahawak-kamay na umakyat silang dalawa sa stage. Now I understand kung bakit nanatili sila dito sa table namin imbes na bumalik doon sa kanila. Malamang expected ng sila mananalo. Napangiti ako sa aking naisip. Kaagad naman inabot at isinabit sa kanilang dalawa ang prizes saka nag-shake hands silang lahat na nasa stage. "Mr. Dela Fuentes is from Engineering Department while Ms. Calderon is from Educ. Department, and they are both graduating students. A very lovely couple!" dagdag pa ni Jade. Nagpasalamat ang dalawa at bumaba ng stage saka naglakad pabalik dito sa mesa namin. "I will now give the microphone to Mr. John Wayne Santiago to announce the Face of The Night winners." nakangiting sabi ni Jade saka nilapitan si Wayne. "Sir, you may now announce the winners." Nakangiting inabot n'ya ang mic dito at muling humarap sa amin. "Our Face of The Night winners are..." pambibitin pa ni Wayne habang nakatingin sa table namin. "Congratualations to Mr. Alexis Zayn Luigi Calderon and Misis--Ms. Samantha Faye Ramos." nakangiting sabi n'ya. Gulat na gulat at nanlalaki pa ang aking mga mata matapos ko marinig ang inanunsyo n'ya. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang pagbanggit n'ya ng Misis bago mabilis na pinalitan ng Miss sabay sunod ng pangalan ko. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba s'ya or ano. Pero sa nakikita kong ngisi sa mga labi n'ya pakiramdam ko sinadya n'ya. Pero bakit ako? Dapat sina Rose at Justin o kaya sa mga taga ibang Department, hindi dapat ako ang pinili nila! "Sam?" tawag sa akin ni Luigi. "Ha?" nagtaka pa akong nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa kanyang mukha at kamay na inaabot sa akin. Tinawanan n'ya ako. Kaagad din akong natauhan saka mabilis na inabot ang kamay ni Luigi ng tawagin muli ang pangalan naming dalawa at pinapapunta sa unahan. Naghihiyawan ang mga tao habang magkahawak kamay kaming naglakad papunta ng stage ni Luigi. Subrang ingay nila. Ang dami pa nilang sinasabi pero hindi ko sila pinansin. Para akong bingi na walang naririnig at wala sa sariling naglalakad. Siguro kung hindi lang ako hawak ni Luigi kanina pa ako nadapa sa makailang ulit kong pagkatisod at tapilok. Nanghihina ang mga tuhod ko sa subrang hiya na nararamdaman ko dahil sa atensyon na aking natatanggap. Hindi ako sanay. Mga pahamak sila. Sigurado akong sinadya nila ang lahat. Magkakasabwat sila at si Wayne ang mastermind. "Ang ganda at gwapo nilang dalawa, diba? Bagay na bagay, grabe! Ikaw pala 'yong girl na kinakantahan ni Luigi." salubong sa'min ni Jade. "I'm so happy na okey na kayong dalawa." sabi ni Jade. Nauwi sa pagngiwi ang ngiti ko sa aking mga labi matapos marinig ang huling sinabi ni Jade. Kaagad isinabit at inabot ni Wayne saaming dalawa ni Luigi ang prizes. "Congratulations." nakangiting sabi naman ni Stacey habang inaabot sa akin ang bouquet. "Thank you." walang expression na sabi ko sa kanya dahil kahit nakangiti s'ya, ang talim ng tingin n'ya sa akin. Ang plastik! "Bago isayaw ng dalawang special guest natin ang ating Face of The Night pair, which is Ms. Sullivan will be dancing with Luigi and Mr. Santiago will be dancing with Samantha. So, for now sasayaw muna ang apat nating winners. Jake and Caitlin, kindly join them on the dance floor." sabi ni Jade. Nagsigawan muli ang mga tao. Kaagad akong napangiti matapos kong marinig ang sinabi ni Jade. Nakakunot naman ang noong tinitigan ako ni Luigi. Animo'y nagtataka kung bakit ako ngiting-ngiti. Hindi ko s'ya pinansin. Bahala s'ya kung ano ang isipin n'ya. Wala naman na kaming pasok kaya hindi n'ya na ako makukulit pa after nitong event, graduation na namin kasi ang susunod. Pumunta kaming apat sa dance floor at sumayaw. Now Playing: Don't Know What To Say By Ric Segreto I have loved you only in my mind But I know that there will come a time You'll feel this feeling I have inside "May... something ba sainyo ni Mr. Santiago?" nakakunot-noong tanong agad sa akin ni Luigi. I chuckled. "Something? Ano bang something ang pinagsasasabi mo?" maang-maangan ko pa. "Iba kasi ang tinginan n'yong dalawa e." "Ha? Pa'no naman naging iba?" "Parang... in love kayong dalawa sa isa't isa." "In love?" I laughed. Ganun na ba kami ka-transparent na dalawa at pati 'yon nahalata ni Luigi? "Hindi ah." deny ko pa. Mariin n'ya akong tinitigan. "Misis din 'yong nabanggit n'ya kanina. Siya ba 'yong lalaking iniiyakan mo noon sa ilalim ng puno ng Molave?" Damn... ang lakas ng pandinig ng lalaking 'to...! "Bakit mo naman naisip na s'ya ang iniiyakan ko noon?" He chuckled. "Like I said kagaya noon, your eyes says it everything. Hindi mo naman kailangan itago sa akin Sam." Kaagad akong natahimik sa sinabi n'ya. Matagal ko s'yang tinitigan habang nakangising nakatitig din s'ya sa akin. I have loved you and I always will Call it crazy but I know someday you'll feel This feeling I have for you inside Hanggang sa hindi ko na matagalan pa ang mapanuring titig n'ya sa akin. Sumabay pa ang lyrics ng tugtog, parang akma pa sa kanya. Tumawa ako sabay iwas ng tingin. Hindi ako nagsalita or nag-comment ng kahit na ano sa sinabi n'ya. Don't know what to do Whenever you are near Don't know what to say My heart is floating in tears When you pass by, I could fly "Hindi ka na nakapagsalita, so meaning totoo?" Tiningnan ko s'ya sabay ngiti. 'Yong para bang nag-aasar na halos mawala ang mga mata ko sa subrang laki ng ngiti ko sa kanya. "Hindi." sabi ko. He laughed. Huminto ang kanta. Kaagad tumayo saka naglakad palapit sa amin sina Wayne at Stacey. Umalis na rin sina Jake at Cait sa dance floor, bumalik sa table namin. Now Playing: A Smile In Your Heart By Ariel Rivera Nagulantang ako ng guluhin ni Luigi ang buhok ko. Kaagad kong tinabig ang kamay n'yang nasa ibabaw ng ulo ko. Pinanlakihan ko s'ya ng aking mga mata. "Bwesit ka talaga kahit kailan!" He laughed again. Forever we'll be together No one can break us apart For our love will truly be A wonderful smile in your heart Sumulyap s'ya sa gilid namin saka muli akong binalingan. "I wish your happiness, Sam. Kapag pinaiyak ka pa n'yan, isumbong mo kaagad sa akin. Kaming bahala d'yan sa asawa mo." "W-What...?" "Can I have this dance?" sabi ni Wayne. Nagulat pa ako ng biglang nasa tabi ko na s'ya at nagsalita. Kaagad naman tumango si Luigi habang abot tainga ang ngiting nakatitig pa rin sa akin. Inabot n'ya ang kamay ko kay Wayne at kaagad binalingan si Stacey. You're a sweet tender lover We are so much in love I'm not afraid when you're far away Just give me a smile in your heart "Anong pinag-uusapan n'yo ni Calderon at nagtititigan pa kayong dalawa habang abot tainga ang ngiti?" asik sakin ni Wayne. Kaagad akong napabaling sa kanya. Hindi ko namalayan na nakasunod pa pala kay Luigi ang tingin ko. Pinupukol ko s'ya ng masamang tingin pero nakangisi pa rin sa akin. Sarap sapakin. Ang lakas mang-asar ng lalaking 'yon. Tapos ang galing pa manghula! Naguguluhan pa nga ako kung bakit nasabi ni Luigi na mag-asawa kaming dalawa ni Wayne tapos itong isa nagagalit na naman sa akin. Damn... maluluka na ako sa dalawang lalaking 'to! I'm always dreamin' of being in love But now I know that this is true Since you came into my life It's true love that I had found "P-Parang may alam na si Luigi na mag-asawa tayong dalawa." sabi ko. "E 'di mas maganda. Para alam n'yang akin ka." "Seryoso ako sa sinasabi ko." "Seryoso din naman ako sa sagot ko ah. Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata. "Hindi obvious na masyado kang possessive." "Of course I am possessive! Malalagot talaga ang Calderon na 'yan sa akin." "Bakit ba kasi naisipan mo pang mag-guest dito sa event namin? Umiinit lang naman ang ulo mo." "Para malaman mo kung ano ang buong pagkatao ko." "Anong tungkol sa pagkatao mo? Na magpinsan kayo ni Miguel at kayo ang may-ari nitong school? Tumango s'ya. "Nahihirapan akong mag-explain sayo dahil umaarangkada ka kaagad. Ang init pa ng ulo mo lagi sa akin. Minsan napapaisip ako na baka may laman na 'yan, nakabuo na tayo." Napatitig ako ng matagal sa naiinis n'yang mukha. Habang tumatagal gumagwapo s'ya lalo sa paningin ko. Kaya pala halos magsilabasan na ang mga ngala-ngala ng mga kababaihan kakatili sa kanya. Kakaiba ang kanyang karisma. You brighten my day Showing me my direction You're coming to me And giving me inspiration How can I ask for more From you, my dear? "Ano?" asik n'ya ng tumagal na ang titig ng nagniningning kong mga mata sa kanya. I chuckled. Now Playing: Everyday I love You By Boyzone "Nakuha mo pa talagang pagtawanan ako. Seryoso ako sa sinasabi ko. Wala pa ba 'yan?" sabi n'ya habang nginunguso ang tiyan ko. Malungkot na umiling ako. Kaagad naman s'yang napabuntong-hininga at mataman akong tinitigan. Minsan napapaisip ako na baka baog ako. Hindi ko alam pero natatakot ako na baka maging dahilan pa 'yon para iwan n'ya ako, ipagpalit n'ya ako sa iba lalo't iyon ang gustong-gusto n'ya. Ang magkaroon kaming dalawa ng anak. Ngunit wala e. Nakaka-frustrate pero wala akong magawa. Hindi ko na alam kung pa'no na para lang mabuntis n'ya ako. Pero noong mga nakalipas na buwan pumapalya na ang period ko. Akala ko meron na tapos magkakaroon ako bigla, nakakaiyak. Siguro dahil sa stress at pagod kaya ganun, hindi ko alam. 'Cause I believe that destiny Is out of our control (don't you know that I do) And you'll never live until you love With all your heart and soul It's a touch when I feel bad It's a smile when I get mad All the little things I am Everyday I love you "Ikaw ba ang may pakana ng lahat ng 'to?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango s'ya. "So malamang wala ring sakit ang mama mo. Sinadya mong palayasin ang Dad mo, magkasabwat kayo." Umiling s'ya. "May sakit talaga si Mom. Pinilit ko lang si Dad na pumunta para makilala mo. Hindi pa kita nadadala sa kanila para ipakilala e." Napatango-tango ako. "So, bakit mo naman ginawa 'yon? Maraming mas deserving maging winner kaysa sa akin." "E bakit ba, e sa ikaw ang gusto kong manalo." I rolled my eyes. "Hindi ka fair." "Kahit hindi naman ako ang maging guest siguradong ikaw pa rin mapipili dahil sa Luigi na 'yon. Masyado kayong sweet. Pinagtitilian pa kayo ng mga tao." I laughed. "Kaya ba ginawa mo ring guest si Stacey?" He nodded again. "Unbelievable ka talaga." Kaagad nagsalubong ang mga kilay n'ya sa sinabi ko. "Mas gusto mo pa yatang kasayaw ang Luigi na 'yon kaysa sa akin e. Tuwang-tuwa pa kayong dalawa lagi tapos ako ngayon ginagalit mo." "Ngayon ko lang na-realized na ang cute mo pala kapag nagagalit. Araw-arawin ko kayang gawin sayo, tingin mo?" nakatawa kong sabi sa kanya. He released a pissed groaned na ikinangiti ko lalo. "Ang lakas ng loob mong asarin ako ngayon dahil maraming matang nakatutok sa atin." "Seryoso ako sa sinasabi ko. Kailan ba ako nang-asar sayo?" "Mamaya ka lang sa akin." sabi n'ya sabay ngisi. Kaagad uminit ang aking mukha sa sinabi n'ya. Hindi ako nakaimik. If I asked would you say yes? Together we're the very best I know that I am truly blessed Everyday I love you And I'll give you my best Everyday I love you Now Playing: You Are The Reason By Calum Scott "Tara na. Pwede na yata tayong maupo." sabi ko ng matapos na ang tugtog at pinalitan na ng iba sabay tanggal ng aking braso na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mga balikat. "Wait lang." sabi n'ya sabay pigil sa akmang pagtanggal ko ng aking braso. "Mamaya na." "Ang sakit na kasi ng paa ko sa suot kong heels." Tumingin s'ya sa likuran ko. Lumingon din ako at sinundan ang tinitingnan n'ya, sa table namin saka binalingan s'ya. Salubong ang mga kilay na tiningnan n'ya ako. Napailing ako. "Alam mo naman na hindi ako sanay gumamit ng ganito diba. Nangangalay na ang mga binti ko. 'Wag ka ng magselos d'yan at uuwi na rin naman na tayo maya-maya." Frustrated na hinatid n'ya ako sa table namin. There goes my hands shaking And you are the reason My heart keeps bleeding I need you now And if I could turn back the clock I'd make sure the light defeated the dark I'd spend every hour, of every day Keeping you safe "Sir John... isayaw mo naman ako." nahihiyang sabi ni Creziel kay Wayne pagkalapit namin sa kanila sa table namin. "Sure." mabilis naman na sagot ni Wayne. "Oh my gosh...!" tumitiling sabi nito sabay abot sa nakalahad na kamay ni Wayne saka nagtungo ng dance floor. Gulat na gulat at takang-taka na nagkatinginan na lang kaming lahat na nasa table. Pati si Eldrich napakamot na lang din sa ulo habang sinusundan namin ng tingin ang kumikending pa naming kaibigan. Panay pa ang lingon nito habang nakalabas ang dila at nakairap sa amin. Animo'y nang-iingit. "Bruha talaga. Kanina pa 'yon ganun lagi, nang-iinggit. Hindi na nakapag-antay na ayahin. Siya na nagkusa." umiiling na sabi ni Bea. "Sus, kunwari ka pa. Isa ka nga din e, gusto mo din na isayaw ka." sabad naman ni Sheeva. "Syempre naman no. Ipokrita ako kung itatanggi ko pa, sinong aayaw makasayaw ang katulad n'ya? Ngayon nga lang 'yan nag-guest dito si Mr. Santiago." sabi n'ya sabay baling sa akin, dumukwang sa mesa. "Tsaka ikaw!" dinuro n'ya pa ako ng dalawang daliri n'ya sa aking noo. "May sekreto kayong malupit no? Aminin mo, iba ang mga tinginan n'yong dalawa tapos Sam lang ang tawag sayo. Samantalang sa amin apelyido. Ano close kayo?" Now Playing: Funky Town By Lipps Inc Kaagad kaming lahat nagkatinginan na nasa table matapos marinig ang pumalit na tugtog saka sabay-sabay na nagkatawanan maliban kay Bea. Sumimangot ito at hinatak ang naka-curl na buhok ni Sheeva na katabi n'ya. "Anong nakakatawa sa sinabi ko ha?!" inis na tiningnan n'ya kami isa-isa. "'Yong tugtog hindi ikaw, luko." sabi ni Sheeva sabay nguso sa dance floor. Nakasimangot na naglalakad si Criezel kasama si Wayne pabalik dito sa table namin. Won't you take me to Funkytown? Won't you take me to Funkytown? Won't you take me to Funkytown? Won't you take me to Funkytown? "Chance mo na My love. Ikaw naman magyaya." sabi ko kay Bea. "Oo nga. Yayain mo na agad. Umaayon ngayon sayo ang kapalaran." sigunda naman ni Rose. "Asarin mo din Beb si Zel." nakatawang sabad naman ni Cait. "Ngayon binubuyo n'yo ako dahil pangit ang tugtog. Ang sasama n'yo, pwerke mga pogi ang mga nakasayaw n'yo." himutok n'ya pa. "Bakit pogi naman ako ah." sabi ni Earl. Tiningnan n'ya itong masama. "Wala lang akong choice kaya pinagtiyagaan kita, 'wag kang mayabang d'yan." "Mamaya kayo rin pala ang magkatuluyan n'yan, para kayong aso't pusa." kantiyaw ko pa sa kanila. "Hmmmp, NEVER!" sabay pa nilang sabi sabay irap sa isa't isa na ikinatawa lalo naming lahat. "Nakaka-bad trip, okey na sana e, biglang pinalitan 'yong tugtog. Kainis." asar na asar n'yang himutok pagkalapit sa amin saka binalingan si Wayne. "Thank you Sir John sa pagsayaw sa akin. Best ever memories." kinikilig pang sabi ni Criezel kay Wayne. Nakangising nagtinginan naman kaming magkakaibigan. He smiled back at my friend and just nodded without saying anything. Patalikod na s'ya ng agapan ko ang braso n'ya. Nagulat pa s'ya sa ginawa ko at nagtatakang nilingon ako. Napangiti ako at tumingkayad. Binulungan ko s'ya sa kanyang tainga. Napatango-tango naman s'ya sa sinabi ko. Tiningnan n'ya ako sabay lapit kay Bea. "Can I dance with you, Bea?" nakangiting sabi ni Wayne sa kaibigan ko. Tiningnan lang nito si Wayne at ang kamay na inaabot sa kanya saka salubong ang mga kilay at nakangusong binalingan ako. Now Playing: Amazed By Lonestar "Ayyyy! Ang gwapo mo talaga! Syempre naman!" nagtitili sa kilig na hiyaw nito sabay yakap kay Wayne ng mapalitan ng love song ang tugtog. Nagtawanan kaming magkakaibigan samantala naiiling naman na nakangisi lang sina Luigi at mga kabarkada n'ya. Pinagtitinginan kami ng mga tao at nagbubulungan pa pero wala kaming pakialam sa kanila. Ang importante masaya kami, bahala sila sa buhay nila magtsismisan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD