Chapter 42

3340 Words
SAMANTHA "Aside from our beautiful emcee, Ms. Jade and our personnel, thank you Mr. Alexis Zayn Luigi Calderon for making this event almost perfect. It's my first time to witness an event with a very touchy song number. I mean, our event tonight wrapped with a full packaged. All the feelings that people could ever feel in one event is all here tonight. Right here, right now and I'm very fascinated by your performances. You all nailed it!" malakas na nagpalakpakan ang lahat ng mga tao kasama s'ya. Nakahinga ako ng maluwag matapos ko marinig ang lahat ng sinabi nya. Akala ko... Haist.. "Thank you so much everyone! Good evening." sabi ni Wayne at kaagad bumaba ng stage. "So are you guys all ready?" sabi ni Jade. "Then bring now your partners to the dance floor and heat it up!" Now Playing: I Could Not Ask For More By Edwin McCain Ngayon pwede ng isayaw kahit na sinong gusto ng mga tao. Pwede na nilang yayain kung sino man ang matipuhan nilang girls or boys na sumayaw at pumunta ng dance floor. Pero pwede rin silang tumanggi kung ayaw nila sa nagyaya sa kanila. Choice nila 'yon, walang bawal. Tapos iikot na rin no'n ang dalawang spotlight para pumili ng dalawang partners. Kung sino ang matapatan or hintuan ng spotlight ay mananatili doon at iiwan sila ng lahat ng nasa dance floor. Automatic na 'yon at babalik na lang silang muli kapag natapos na ang kanta. Kaagad tumayo si Cait at Sheeva ng biglang sumulpot sa harapan ng mesa namin sina Jake at Ivan at yayain silang sumayaw. Awtomatikong nagsigawan ang mga estudyante. Mga sikat kasi sa buong campus e, kilalang-kilala at kinatatakutan. Kaya ganun na lang sila makatili. Animo'y nakakita ng mga artista. Nakangiting nagtinginan na lang kami nina Criezel at Bea ng si Justin naman ang sumulpot sa harapan ng mesa namin pagkatayo no'ng dalawa at niyaya si Rose sumayaw. "Ano na ang plano Criezel? Ayon si Torpedo o." sabi ni Bea habang nginunguso ang kaibigan ni Luigi na si Eldrich. Nakangiti ito habang nakatingin sa mesa namin. "Bwesit, ang torpe talaga." nakasimangot na sabi ni Criezel habang tinitingnan ito. I chuckled. "Lapitan mo na. Maunahan ka pa ng--" Marahas n'ya akong binalingan. "'Wag mo ng ituloy, nakakainis. Magmumukha akong desperada sa--" "Oh my geee.... papunta na s'ya dito Zel..!" patiling sabi ni Bea habang nakahawak ang dalawang kamay sa mukha nito. Kaagad naman kaming napabaling ni Criezel. Makahulugang tingin ang pinukol ko sa kanya ng makita kong abot tainga ang ngiti n'ya habang nakatingin kay Eldrich na naglalakad palapit sa mesa namin. Hindi pa nga s'ya niyayaya ni Eldrich pagkahinto nito sa harapan n'ya, kaagad na s'yang tumayo at hinatak ito papunta sa dance floor. Sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Bea sa ginawa n'ya. Nilingon n'ya pa kami at nilabas ang dila, animo'y nang-iinggit o nang-aasar. Lalo tuloy lumakas ang tawa naming dalawa. Hanggang sa unti-unting naglaho ang tawa ko ng makita kong naglalakad palapit ng table namin sina Luigi at kaibigan nitong si Earl. Grabe na ang tilian ng mga kababaihan, pati ng mga girlalu. Kaagad kong nilingon si Bea na ngayon ay parang natatae na sa kilig habang nakatingin sa kanila. Mabilis pa sa alas-kuwatrong kaagad itong tumayo ng yayain s'ya ni Earl sumayaw. "Sumama ka na kay Luigi, wala kang kasama d'yan sa table." pahabol pang sabi n'ya sa akin. Tinapik naman ni Earl ang balikat ni Luigi habang nakatingin sa akin at nginitian ako saka tumalikod kasama ang kaibigan ko. Nakangiting nasundan ko na lamang sila ng tingin. Bigla rin naglaho ang mga tilian. Pero ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatutok sa amin ni Luigi, lalo na sa akin. Kaagad din akong napatingin kay Luigi ng iharang n'ya ang kanyang nakangiting mukha sa tinitingnan ko. "Grabe, siya ba?" "Malamang, niyayaya s'yang sumayaw o." "Gosh, bumaba naman masyado 'yong taste ni Luigi." "O-M-G, pwede na rin s'yang magkagusto sa akin!" "Shugaa, ambisyosa na 'to." Hindi na maipinta pa ang mukha ni Luigi na nakatunghay sa akin habang pinapakinggan naming pareho ang usapan ng mga babaeng nakaupo 'di kalayuan sa table namin. Kaagad n'yang inabot ang kamay ko. "Can I dance with you?" I smiled and nodded. Tumayo ako at sumama sa kanya. "Ay, siya pala 'yong gurl? "Grabe, ang sexy n'ya besh!" "Tsaka ang simple n'ya lang. Hindi nakakasawa ang mukha kaysa kay talandi." "Bwesit ka Luigi, ang gwapo mo!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Luigi at kaagad napangiti matapos namin marinig ang mga sinabi ng mga girlalu. Now Playing: Fallin' By Janno Gibbs Dinala n'ya ako sa dance floor. Marami ng sumasayaw sa gitna kaya sa gilid lang kami. Iniligay n'ya ang mga kamay ko sa balikat n'ya at humawak naman s'ya sa baywang ko. "Oh my gosh, who's that girl?!" "Ang gwapo mo, Luigi!" "Ang ganda naman that girl!" "Grabe bagay na bagay sila!" "I love you Sam!" "Bwesit ka Luigi, bakit s'ya pa... Ako na lang sana!" "Ang sexy mo Sam!" Sigawan pa ng mga estudyante. Nakangiting nakatitig sa akin si Luigi habang iniirapan ko s'ya. "You look wonderful tonight, Sam." walang kurap-kurap na sabi n'ya sa akin. I rolled my eyes. "Alam mo ikaw, wala ka talagang pinapalampas na araw para makahatak ng attention ng iba. Dinadamay mo pa ako." He grinned. "You look even more beautiful when you get angry." Kaagad ko siyang kinurot sa kanyang tagiliran na ikinatawa n'ya. "Ang gwapo mo sana kaso nakakainis ka." He chuckled. Kaagad akong natigilan ng tumapat sa amin ang spotlight. Agad na umalis ang mga estudyanteng nasa gitna ng dance floor. Nagulat pa ako ng malingunan ko sina Jake at Cait na natapatan din ng isa pang spotlight. Nagpalipat-lipat ang gulat na gulat kong tingin sa kanilang tatlo habang abot tainga ang mga ngiti nila sa akin. Sh*t naman... may kinalaman ba sila dito? Imbes na tuwa at galak ang maramdaman ko, abot-abot na kaba at nerbiyos tuloy ang nangingibabaw sa puso ko. Lalo na ng malingunan ko pang nakaupo na sa upuan na nakalagay sa gilid sa itaas ng stage si Wayne at Stacey, mataman na nakatitig sa amin ni Luigi. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa gitna na kami ng dance floor ni Luigi, 'di kalayuan sa kinatatayuan ng kaibigan kong si Cait at partner n'yang si Jake. Hindi ko alam kung pa'no kami nakarating dito sa gitna. Kung hinatak n'ya ba ako or ano. Pakiramdam ko kasi naitulos ako kanina sa kinatatayuan ko e. Now playing: Falling In Love By Six Part Invention Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata. "May kinalaman ka na naman dito no?" bintang ko pa sa kanya. He just shrugged his shoulder while smiling at me. "'Yong dalawang guest natin ang namili no." Inirapan ko s'ya. Hindi ako kumbinsido sa sinasabi n'ya. Hanggang sa halos mahigit ko ang aking hininga ng biglang bumaba ang mukha n'ya sa akin. Akala ko hahalikan n'ya ako. Damn.. masasapak ko talaga s'ya! Nagbabantang pinanlakihan ko s'ya agad ng aking mga mata habang pigil ko ang mukha n'ya ng kaliwa kong kamay. Ngunit tinawanan n'ya lamang ako. "Luko ka Luigi, masasakal talaga kita dito sa harapan ng maraming tao!" He laughed. Halos umalog pa ang kanyang mga balikat sa sinabi ko habang nakatitig sa akin. Sinimangutan ko s'ya hanggang sa natawa na rin ako at pinalo s'ya sa kanyang balikat. "Ang sweet pala nila." "Gosh, nakakakilig sila." "Parang gusto ko ng ma-in love." Pareho pa kaming natigilan ni Luigi sa aming narinig. Kaagad namin silang nilingon saka muli kaming nagkatinginan at natawa. "See, may chemistry tayo e." I laughed. "Naku Luigi, umaariba ka na naman." "Grabe, bagay na bagay talaga sila." "Oo nga, bakit kaya binasted ni girl?" Narinig kong muli na sabi ng mga estudyante na ikinangiti lalo ni Luigi. Napailing na lang ako. Bahala sila sa gusto nilang sabihin. Hindi ko naman sila mapipigilan. At least kahit papano sumaya 'tong kasayaw ko na mukhang biyernes santo sa subrang lungkot kanina habang kumakanta. Nanlaki muli ang mga mata ko sa gulat ng huminto ulit sa aming dalawa ang spotlight. Kung ako gulat na gulat, kabaliktaran naman ni Luigi na halos mawala na ang mga mata n'ya sa laki ng ngiti n'ya habang nakatitig sa akin. "Subrang ganda mo, Sam." "Pwede ba tigilan mo ako Luigi." "Seryoso, hindi nakakasawang titigan ang mukha mo." "May sira na 'yang mata mo kaya ganun." sabay pa kaming natawa sa sinabi ko. Now Playing: Got To Believe In Magic By Side A Band "May I have this dance, Dre?" nakangiting sabi ni Jake habang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Nakakunot noo'ng tiningnan ko s'ya at si Cait na nasa tabi n'ya saka nilingon si Luigi. "Sure." walang pakundangang sabi ni Luigi sabay hawak sa kamay ko at inabot kay Jake. "Teka.. wait lang." sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Nagtataka namang tiningnan nila ako. "Hindi ba pwedeng... umupo muna?" They laughed. "'Mamaya na. Sayaw ka muna at may sasabihin ako kay Kuya." sabi ni Cait sabay kuha ng dalawa kong kamay at nilagay sa balikat ng boyfriend n'yang tumatawa saka hinatak sa braso si Luigi at dinala sa mesa namin. Nakatangang nasundan ko na lamang sila ng tingin at kaagad din napangiti ng makita kong inabot ni Luigi ang kamay sa kaibigan kong si Criezel na nagtitili sa kilig. Nagtilian lalo ang mga kababaihan ng yakapin ito ni Criezel at gumanti rin ito ng yakap sa kaibigan ko. Naiiling na binalingan ko si Jake na ngiting-ngiti rin habang nakatingin sa mga kaibigan namin. Binalingan n'ya ako at nagkatinginan kaming dalawa saka natawa. Kaagad din akong natigilan at unti-unting humina ang pagtawa ko ng makita kong kasayaw na ni Wayne si Stacey. Lumingon ako sa stage, hindi ko s'ya nakita doon kaya hindi ako namamalikmata lang. Tiningnan ko s'yang muli. Walang expression ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng lumingon din sa gawi ko si Stacey. "You okey, Sam?" sabi n'ya habang panay lingon sa likuran n'ya saka titingin sa akin. "Yes, of course. Bakit mo naman naitanong?" pilit na ngiti kong sabi sa kanya. "Bigla ka kasing natahimik." "Marami kasing nakatingin na estudyante dito sa atin e." He smiled. "Kasi ang ganda mo." I rolled my eyes. "Magkaibigan nga kayo ni Luigi." He laughed. "'Di nga, seryoso." lumingon s'ya muli sa likuran n'ya saka nakakunot noo'ng binalingan ako. "Mag... kakilala ba kayo ni Mr. Santiago? Ang sama ng tingin sa akin e." Nakangiting kaagad akong umiling. "No, of course not." ngunit pinanliitan n'ya lamang ako ng kanyang mga mata sa sinabi ko. "'Wag mo akong titigan ng ganyan baka kiligin ako, bigla magselos si Cait." He laughed. Nanlaki muli ang aking mga mata ng huminto sa amin ni Jake ang spotlight. Bakit ba kasi lagi na lang humihinto ang spotlight na 'to kung nasaan ako? May nag-uutos ba or ano? Naku talaga.... "Tara na nga, doon ka na kay Cait, nagtitilian na naman sila." sabi ko sabay hatak sa braso n'ya. Tawa ng tawa naman s'ya habang sumusunod sa akin. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa subrang hiya. Pahamak kasing spotlight na 'yon e. Pagdating namin sa table kaagad ko s'yang tinulak kay Cait na tawang-tawa sa akin. Inirapan ko sila. Mga luko-luko talaga, pinagkatuwaan ako. Hindi pa nga umiinit ang pang-upo ko sa upuan nasa harapan ko na naman si Luigi. Nagtataka pa akong lumingon sa dance floor at hinanap si Criezel na nakita kong ngiting-ngiti sa kasayaw niyang girlalu na pinapa-cute-an n'ya kanina. Panay pa ang hampas n'ya sa balikat nito. Hindi talaga pinalampas ng bruha... Now playing: The Way You Look At Me By Christian Bautista Napalingon ako sa paligid ng magtilian na naman ang mga kababaihan saka napabaling sa mga kaibigan ko. Pati kasi ang mga ito ay nagtitilian na rin e, mga nakatayo pa. Nakakunot-noong kaagad kong sinundan ang tinitingnan nila. Gano'n na lamang ang gulat ko ng makita kong naglalakad si Wayne papunta dito sa table namin. What the heck? Anong gagawin n'ya?! Huminto s'ya mismo sa harapan ko, katabi ni Luigi. Kinabahan pa ako ng makita kong matagal silang nagtitigan. Magkakilala ba sila? "May I have this dance please?" pormal n'yang tanong kay Luigi. Tiningnan muna ako ni Luigi bago muling binalingan si Wayne. "You can ask her if she want to dance with you, there's no problem with me." pormal n'ya ding sagot. Nakangiting binalingan naman ako ni Wayne. "Can I dance with you, Sam?" Animo'y may dumaan na anghel sa mesa namin at walang nakapagsalita matapos banggitin ni Wayne ang pangalan ko. Lahat sila nakatitig na sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Alangan na inabot ko ang kanyang nakalahad na kamay sa harapan ko saka tumayo at sumama sa kanya. "OMG... did you hear what I heard?" "Damn... magkakilala silang dalawa?" Narinig ko pang sabi ng aking mga kaibigan pagkatalikod namin. Malamang mahabang paliwanagan na naman ang mangyayari nito sa susunod na araw. Pagdating namin sa dance floor unti-unting naghawian ang mga estudyanteng sumasayaw at binigyan kaming space mismo sa gitna. Nagtataka pa akong napatingin sa kanila. Huminto kami doon. Nanlaki pa ang mga mata ko ng kaagad tumutok sa amin ang spotlight na naging dahilan para magtilian lalo ang mga kababaihan. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ng mukha ko. Subrang init na. Kanina pa ako pinagtitinginan at pinagtsitsismisan ng mga tao. Samantalang si Wayne abot tainga ang ngiti habang nakatitig sa akin at nilalagay ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang mga kamay na humawak sa aking baywang. "Oh my gosh, ang swerte ni girl." "Ang pogi pa rin ni Mr. Smith." "Bagay na bagay sila, kinikilig ako." "Mas bet ko pa rin si Ms. Stacey kaysa sa babaeng 'yan." "Ang boses mo, marinig ka." Kaagad nagsulubong ang mga kilay at napawi ang ngiti sa mga labi ni Wayne matapos marinig ang huling sinabi ng mga estudyante. Mabilis kong hinawakan ang mukha n'ya ng akmang liligunin n'ya ang mga ito. I sweetly smiled at him. "You're dashingly handsome tonight." sabi ko at muling binalik ang kamay ko sa balikat n'ya. Kaagad s'yang natigilan sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan ng biglang malakas na nagtilian muli ang mga kababaihan. Napakurap-kurap ako at sabay kaming napalingon sa partner na pumuwesto 'di kalayuan sa amin at hinituan ng spotlight. Sina Stacey at Luigi. Nagulat pa ako ng makita ko ang nanlilisik na mga mata ni Stacey habang nakatingin sa akin na kaagad din ngumiti. Napapitlag pa ako ng maramdaman ko ang kamay ni Wayne sa mukha ko at binaling sa kanya. "You look like a goddess tonight, babe. Don't mind them. Sa akin ka lang dapat tumingin." walang kakurap-kurap na sabi n'ya sa akin. Now Playing: Never Gonna Leave Your Side By Daniel Bedingfield I smiled. "Tonight? So, ngayon lang pala ako gumanda?" "Syempre hindi no." "Binobola mo lang ako e." nakairap kong sabi sa kanya. He laughed. "Hindi nga, seryoso. Habang tumatagal na tinititigan kita, lalo kang gumaganda. Hindi nakakasawa. Kaya nga ang daming nakatitig sayo e. Naiinis ako kanina pa. Gusto kong dukutin ang mga mata nila." "Wayne..." sabi ko sabay tapik sa balikat n'ya. "Ano?" "Wala... ang gwapo mo lalo." Natahimik s'ya bigla sa sinabi ko. Nanatili lang na nakatitig sa akin. I gotta have a reason to wake up in the morning You used to be the one that put a smile on my face There are no words that could describe how I miss you And I miss you everyday Yeah Habang tumatagal na magkahinang ang mga mata namin, pakiramdam ko unti-unti n'ya na akong hinihigop sa uri ng titig n'ya sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak n'ya. Blangko ang kanyang mukha pero ang titig n'ya iba. "Masisisi mo ba ako?" "Hindi naman nila ako maaagaw sayo dahil ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko." "Nagseselos pa rin ako." Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata. "Kaya isinayaw mo si Stacey?" He nodded. "Hindi ba dahil sa nagkabalikan kayo?" "Hell, no! Saan mo naman nasagap 'yan?" "Magkasama kayong dumating dito." "Mas lalong hindi. Magkasabay tayong dumating dito. Nakasunod ako sa kotse n'yo ni Damian. Hindi lang ako bumaba agad ng kotse ko. Kaso no'ng pumasok na ako kanina namalayan ko na lang na nasa likuran ko s'ya. Sumabay sa akin. "Well, maraming nakakakilala sainyo dito." "Never kaming nagkarelasyon ni Stacey." "Kahit noon? Ex-girlfriend kaya?" "No. Never. I told you, she's just a fling." "Fling." nakairap kong sabi sa kanya. "Hinding-hindi kita ipagpapalit kanino man, Sam. I swear." sabi n'ya sabay taas pa ng kanyang kanang kamay animo'y nanunumpa. "So, bakit pati si Monique isinayaw mo?" "Well, she's a very good dancer and her dance troupe." "Bakit hindi mo na lang sinabi na special guest ka kaya isinayaw mo s'ya? Pinuri mo pa talaga." I know I'm being immature but... so what? Alam n'yang binu-bully ako ni Monique kaya inis ako sa babaeng 'yon. Lalo na ng ngisian pa ako kanina ng babaeng 'yon habang kasayaw s'ya na para bang may alam ito tungkol sa'min ni Wayne. Napapaisip tuloy ako kung magkakampi na ba sila ni Stacey dahil galit na galit din sa akin ang isang 'yon. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Nagpapaniwala kasi sa mga tsismis. Kaagad akong natigilan sa aking naisip. Isa din pala akong nagpapaniwala sa mga naririnig ko. Tsismosa din ako..! He chuckled. "I wonder why everytime you get angry..." pambibitin n'ya pa. Hindi ko inaasahan ang biglang pagbaba ng kanyang mukha sa mukha ko. Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Halos maduling pa ako sa subrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pakiramdam ko biglang huminto ang paligid habang mataman akong nakatitig sa gwapo n'yang mukha. Nahimasmasan lang ako ng magtilian ang mga estudyante. Tinawanan n'ya lang ako ng hawakan ko ang pisngi n'ya para ilayo sa mukha ko. Hindi s'ya natinag. Bumaba pa ang tingin n'ya sa nakabukas kong mga labi, then look back in my eyes when I unconciously closed my lips. He smirked. "You even look more beautiful. Damn... kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong halikan ka dahil nasa public place tayo. Maraming audience." sabi n'ya at nakangising dahan-dahan na nilayo ang mukha sa akin. Kung kanina subrang init ng mukha ko ng matapat ang spotlight sa aming dalawa, ngayon parang dumoble pa ata. Pareho talaga sila ni Luigi, walang pinapalampas na oras na 'di makahatak ng attention ng ibang tao. Kaagad akong natigilan sa aking naisip. Hindi kaya...? "Sinadya mong gawin 'yon no? Ginaya mo 'yong ginawa ni Luigi?" akusa ko pa. He chuckled. Natahimik ako. So, I was right then.. They tell me that a man can lose his mind Living in the pain Recalling times gone by The crying in the rain You know I've wasted half the time And I'm on my knees again Till you come to me Yeah "I told you, I'm jealous." "Nagselos din naman ako sa kanila ah." "A-Anong sabi mo?" "Ikaw lang ba ang may karapatang magselos?" He grinned. "Ah... kaya pala ang sama ng tingin mo sa akin kanina." Kinunutan ko s'ya ng aking noo ng abot tainga na ang ngiti n'ya. "Hindi ah. Hindi nga ako tumingin sayo e." deny ko pa. "So, hindi mo ako makailang ulit na inirapan habang nakikipagtawanan ako kay Stacey at mga staff?" sabay tawa. "Mas lalong hindi. Namamalikmata ka lang." "Aminin mo na, wala namang ibang makakarinig e." "Ano naman ang aaminin ko?" "Kakasabi mo lang na nagseselos ka e." I rolled my eyes. "Sus, asa ka." Kaagad s'yang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko na ikinalingon muli nina Stacey at ng mga estudyante. Nagbulungan pa sila habang nakatingin sa akin. Pasimple kong binaba ang aking kamay sa tagiliran n'ya at kinurot doon para tumigil s'ya. Ngunit lalo lamang lumakas ang tawa n'ya. Animo'y sarili n'ya ang mundo at walang pakialam sa paligid n'ya. Natawa na rin ako kalaunan habang nakatitig sa maaliwalas at masaya n'yang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD