Chapter 41

3083 Words
SAMANTHA Makalipas ng limang songs, muling umakyat ng stage si Jade. "So guys, ready na ba kayo para makilala ang pangalawa nating special guest?" "Yessss!" "Can't waiiit!" Malakas na sigawan ng mga tao. Lalo na ng mga kalalakihan. "Our next special guest ay campus crush din noon dito sa school natin. She's the only daughter of one of the shareholder of this school. A beauty and brain super model in States! Nasa kanya na ang lahat na pinapangarap ng mga kababaihan. Nahuhulaan n'yo na ba kung sino?" "Ayyy, si Ms. Sullivan!" "Si Ms. Jane!" Sabay-sabay pang sigawan ng mga tao. Subrang ingay na ng mga kalalakihan. May panay pang sipol. Iwan kung sino, parang tanga. 'Yong mga girlalu na ang iingay kanina ngayon parang mga biyernes santo ang mukha. "Sige na nga hindi ko na kayo bibitinin pa at ata't na ata't na ang mga boys natin. Kanina pa sumisipol, hindi na tumitigil." nakatawang sabi n'ya sa mic na ikinatawa naming lahat. Lumakas pa lalo 'yong sipol. Mga pasaway talaga... Tumigil si Jade saglit at muling nagsalita. "Ladies and gentlemen, let me introduce to your our sexiest and gorgeous Super Model, Ms. Stacey Jane Sullivan!" Kaagad akong naitulos sa aking kinauupuan matapos kong marinig ang sinabi ni Jade. Kung naghihiyawan ang mga tao sa tuwa, ako naman nanlalaki ang mga matang sinusundan ng tingin si Stacey habang dahan-dahan na naglakad paakyat ng stage. "Sh*t... ang ganda pa rin!" "Oh my... sumexy pa lalo!" "Walang kupas, Stacey!" "Dyosa!" Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan ng ngumiti ito at kumaway habang nakatayo sa gitna ng stage. Kung kanina pabugso-bugso lang ang ginagawang sipol, ngayon parang hindi na humihinga ang sumisipol na 'yon. Parang sirena ng mobile, walang palya kakawang-wang. Tumigil lang ng magsalita na sa mic si Stacey ngunit pagkatapos nitong makapagsalita muling naghiyawan ang mga kalalakihan at sumipol. "Inimbitahan pa talaga ang talandi na 'yon." mabilis akong napalingon sa table ng mga girlalung naka-toxedo ng marinig ko ang inis na sinabi nila. "Oo nga, nakita ko pa 'yon kailan lang kasama ni Luigi." sabad naman no'n isa. "Diba dyowa no'n 'yong Doctor? Bakit kasama si Luigi?" "Iwan, may nasagap pa nga akong chicka na nagkabalikan daw sila ni Mr. yummilicious." "Yikes... pinagtutuhog n'ya na ang lahat!" Nagitla ako sa aking narinig. Kaagad akong napabaling sa kinaroroonan ni Wayne. Lalo akong tinubuan ng kaba ng makita kong magkatabi na sila sa upuan. Pakiramdam ko binuhusan ako ng pagkalamig-lamig na yelo ng makita kong kapwa pa silang nakangiti. Kaagad akong umiwas ng tingin ng lumingon s'ya sa gawi namin. "Ano boys, nakakahinga pa ba kayo sa kilig? Buhay pa ba 'yong sumisipol na parang hindi na humihinga ah." nakatawang sabi pa ni Jade na ikatawa lalo ng mga tao. Pero hindi kami kasali at ang table sa kabila. "Are you ready for the next hot number coming from our campus crush singer?" tanong ni Jade. "Yes na Yes!" Kaagad namatay muli ang ilaw at tanging sa ibabaw ng stage lang ang maliwanag. "Wooooh! Go, Luigi!" paulit-ulit na sigaw ng mga kababaihan sa pangalan ni Luigi. Kaagad akong napabaling sa stage ng marinig ko ang pangalan ni Luigi. Nanlalaki pa ang aking mga mata ng makita ko s'yang nakaupo sa mataas na bar stool hawak ang isang gitara. He cleared his throat. "Good evening everyone. The song I'm going to sing is dedicated to a very special girl who'm I loved so much. A girl who changed my life but..." pambibitin n'ya pang sabi habang nakatingin sa table namin. Nagtilian naman ang mga kababaihan. "T'ngna Luigi para sa akin ba 'yan?" sigaw pa ng isang girlalu sa kabilang table namin na ikinatawa naming lahat. Napangiti si Luigi at nagsimulang magtipa ng gitara. Hindi na nito dinugtungan pa ang kanyang sinabi. Biglang natahimik naman ang mga tao, seryosong nakatitig lahat sa stage. Umaasang magmamahal muli Ang buong akala ko'y siya na Kabiguan ang napala Paghilom ng puso'y hindi madali Ang malamang mahal mo'y walang pag-ibig sa'yo Kaagad akong nag-iwas ng tingin at tiningnan ang mga kaibigan ko. Lahat sila nakangising aso sa akin. Pinanliitan ko sila ng aking mga mata. "Kayo ah... may kinalaman ba kayo dito?" Mabilis pa sa alas kuwatrong tinikom nila ang kanilang mga bibig, sabay-sabay pang umiling at nagsitaasan ng kanang kamay, animo'y nanunumpa. Mga lukaret talaga, ang sarap pukpukin isa-isa...! "Oh my Luigi..! Ako na lang ang mahalin mo! Hindi ka mabibigo sa akin kailan man!" sigaw ng isang babae na ikinatawa ng lahat. "'No! ako piliin mo fafa Luigi, kakantahan kita gabi-gabi!" patiling sigaw naman ng girlalu. Malakas na nagtawanan muli ang mga tao. Nakita ko rin paglingon ko na ngumisi si Luigi na naging mitsa para magsipagtilian na naman ang mga kababaihan. Hindi ko akalain na ang galing n'ya palang kumanta at maggitara. Nanatiling nakatitig s'ya dito sa table namin habang kinakanta ang kantang "MAGMAHAL MULI BY SAM MILBY." Hanggang sa tayo'y matuto sa kabiguang natamo Kaya ako ay maghihintay sa tunay kong mahal Isipin ang bukas at kalimutan ang nakalipas Ang umasang magmahal muli siyang magagawa "Ang gwapo talaga!" kinikilig pang sabi no'ng babae sa katabi naming table. "Sinabi mo pa." "Sino bang tangang babaeng bumasted sa kanya?" "Sabi may nililigawan 'yan na taga Educ. Department. Iwan kung anong itsura. 'Di naman ako nagagawi doon." Natigilan ako sa aking mga naririnig. Pasimple ko silang nilingon. Nang hindi ko makilala ang mga mukha nila, tiningnan ko si Luigi. Subrang gwapo n'ya lalo sa suot n'yang coat. I sighed deeply when I saw sadness in his face while singing that song, but what can I do? Hindi ko naman kayang turuan ang puso ko. Malakas na palakpakan ang bumalot sa buong Stadium pagkatapos n'yang kumanta. Walang tilian na kahit anong maririnig, hindi kagaya kanina ng umakyat s'ya ng stage. Animo'y nakikidalamhati sila sa kabiguan ni Luigi. "One more!" biglang sigaw ni girlalu. "Isa pa! 'Yong dati mong kinakanta Luigi!" sigaw ng mga kababaihan. Tumatawang umakyat ng stage si Jade. "Thank you Luigi for that beautiful song. Let's give him another round of applause!" malakas nagpalakpakan ang mga tao. "Ano nagustuhan n'yo ba 'yong kinanta ni Luigi?" "Hindi!" "Oo!" Halo-halong sigawan ng mga kababaihan. "Oo o hindi? Ano ba talaga?" nakatawang sabi pa ni Jade sa mic. "Oo, dahil napakaganda ng pagkakakanta n'ya ng song. Hindi, dahil malungkot!" malakas na sigaw ni Girlalu. Nagulat pa kami at napatingin lahat sa kanya ng bigla s'yang tumayo sa ibabaw ng upuan at sumigaw. "Yes, tama!" "One more!" "Silang magbabarkada!" Sigawan pa nila. Parang nagkakagulo na sila para lang kumanta muli si Luigi. Kaagad pumunta ng backstage si Jade. Ilang minuto s'yang nawala at nakangiting muling bumalik at nagsalita sa mic. "Sorry guys pero walang hinandang song ang magbabarkada. But... good news, pinaunlakan tayong muli ni Luigi bago tayo mag-proceed sa last part ng ating event. Once again, lady's and gentlemen, as requested by students, let us all witness the next song number by Alexis Zayn Luigi Calderon ng Engineering Department!" Kaagad nagsigawan ang mga estudyante ng mamatay muli ang ilaw at tanging sa stage lamang ang tinatangalawan ng liwanag kung saan nakangiting nakatayo sa gitna si Luigi. Kaagad s'yang nagtipa ng kanyang gitara. When I think back on these times And the dreams we left behind I'll be glad 'cause I was blessed to get to have you in my life Nakatulalang napatitig ako kay Luigi habang kinakanta n'ya ang kantang "THERE YOU'LL BE BY FAITH HILL." Kung gaano kaganda ng boses n'ya ganun din katindi ng emosyon sa mukha n'ya habang kumakanta. Nakakabwesit dahil naiiyak ako sa kanta n'ya. Alam kong para sa akin 'yon kaya hindi ko mapigilan pa ang sarili kong mapaluha. In my heart, there'll always be a place for you for all my life I'll keep a part of you with me And everywhere I am, there you'll be Well, you showed me how it feels To feel the sky within my reach And I always will remember all the strength you gave to me Your love made me make it through Oh, I owe so much to you You were right there for me "T'ngna... nakakaiyak." sabi ng girlalu. "Sino kaya 'yong babaeng kinakantahan n'ya?" "Wala akong idea." "Sabi taga Educ. Department. Madalas pumunta do'n sina Ivan." "Educ.? Ang lakas naman ng loob no'ng girl para mambasted." "But sissy, brokenhearted si Papi." "Baka si Stacey nambasted?" "Baka nga, imposible naman kung taga Educ. lang kaya ganyan kinakanta n'ya. Magkasama pang dumating kanina 'yong guest natin e " 'Cause I always saw you in my light, my strength And I wanna thank you now for all the ways You were right there for me (You were right there for me) You were right there for me For always In my dreams, I'll always see you soar above the sky In my heart, there'll always be a place for you for all my life I'll keep a part of you with me And everywhere I am, there you'll be And everywhere I am, there you'll be There you'll be Malakas na palakpakan ng mga tao ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking mga mata ng muling bumukas ang ilaw matapos kumanta ni Luigi. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanta ni Luigi or sa mga naririnig kong kwentuhan ng mga girlalu. Ayaw kung isipin ang mga sinasabi nila pero hindi ko mapigilan. Parang tinutusok ang puso ko. "Bwesit ka Luigi, pinaiyak mo lang kami!" sigawan pa ng mga kababaihan na ikinatawa naming lahat. "Thank you so much Luigi sa nakakaiyak mong kanta. Ang galing-galing n'ya diba? Halos sa lahat na lang magaling s'ya, pinaghahakot n'ya na. Hindi ko akalain na pati pala sa pagpapaiyak lalo s'yang gumaling. So give him another round of applause!" nakatawang sabi ni Jade habang nagpupunas ng ilong. Malakas kaming nagpalakpakan lahat habang tumatawa. Kaagad din akong natigilan ng paglingon ko sa aking kanan ay madilim na mukha ni Wayne ang sumalubong sa akin. Sukat doon biglang linukuban ng kaba ang nasasaktan kong puso. Tumibok ng pagkabilis-bilis. Hindi ko na maintindihan pa kung ano na ba talaga ang nararamdaman ko. Halo-halo na. Kanina pa ba s'ya nakatingin? 'Langya, bakit ko ba nakalimutan na guest pala dito ang asawa ko! Kaagad akong nag-iwas ng tingin at binalingan ang mga kaibigan kong tahimik lang at sumisinghot-singhot pa. Napangisi ako sa aking nakita. Maya-maya pumailanlang ang malakas na tugtog. Now Playing: Havana By Camila Cabello Kaagad nagsipagpuntahan ang mga tao sa gitna ng dance floor kasama ang kanya-kanya nilang partner. Nakalimutan na ang pagdadrama ni Luigi. "Bwesit ka bruha! Hindi ko akalain na ang lakas pala ng tama sayo ni Luigi." sabi ni Sheeva. I chuckled. "Brokenhearted ang g*go. Kaya pala laging umuuwing lasing ng bahay. Muntik pa 'yon mabangga ng Van noong nakaraang linggo. Buti na lang kaagad s'yang nakaiwas. Pero nahagip pa rin 'yong dulo ng likod ng kotse n'ya kaya sira." sabi ni Cait. "Seryoso?" chorus pa naming tanong kay Cait. She nodded. "Sh*t, kawawa naman pala si fafa Luigi. Pakisabi sister in law Cait, pakasalan n'ya na ako. Hinding-hindi ko s'ya paiiyakin kahit kailan. Gagawin ko ang lahat para makalimutan n'ya si Sam." madamdamin pang sabi ni Criezel habang nasa tapat ng dibdib ang dalawang kamay. Malakas kaming napahagalpak ng tawa ng makailang ulit tinapik ni Cait sa pisngi si Criezel. "Hoy... gising! Nananaginip ka na naman. Babaero si Kuya kaya 'wag mo ng pangarapin 'yon. Iiyak ka lang do'n." nanlalaki pa ang mga matang sabi nito. Kaagad tinabig ni Criezel ang kamay nito na nasa pisngi n'ya sabay simangot. "Ito naman masyadong ano. Hindi ko s'ya type no! Nagmomoment lang ako." nakairap n'ya pang sabi. Kaagad hinatak ni Cait ang dulo ng buhok n'ya. Sabay-sabay kaming napahagalpak muli ng tawanan. Now Playing: Whitle By Flo Rida "Sino ba d'yan sa kanila?" "Ayon o, 'yong naka-royal blue na may white sa bandang dibdib na suot." "Siya? Are you serious?" Narinig kong usapan ng tatlong babae na lumipat ng table, dalawang table mula sa amin ang agwat. Harap-harapan nila akong tinititigan habang nakataas pa ang isang kilay. Kahit alam nilang naririnig ko sila, wala silang pakialam, nakipagtitigan pa sa akin ng tingin. Natigil lang sila ng marahas silang nilingon ni Cait at ng mga kaibigan ko. Gusto ko pang mapangisi sa naging itsura nila ngunit pinigilan ko ang sarili ko ng mapansin kong marami ng pares ng mga matang nakatingin na rin sa table namin, lalo na sa akin. Kaagad akong nagbaba ng tingin. Kaagad akong hinatak patayo ng mga kaibigan ko sa aking braso. "Sayaw tayo, ang daming bad vibes." nakairap na sabi nila. Natatawang napasunod naman ako sa kanila. Nakipagsiksikan pa kami sa mga tao at pumagitna sa kanila para daw 'di kami makita ng mga aswang at tiyanak na nang-uuyam na nakatitig sa akin. Tinawanan ko na lang ang sinabi nila. Nakadalawa lang ata kaming tugtog na sinayaw saka ako nagyayang maupo na. Buti na lang at wala na sila pagbalik namin sa aming mesa. Iba't iba ang masasayang tugtog na pumailanlang at mga love songs kaya tuwang-tuwa ang mga taong parang mga nakawala sa hawla at nagkaroon ng pagkakataon para maisayaw ang mga crush at love of their life nila. Pati 'yong mga girlalu nakasayaw din 'yong mga tinitilian nilang nga fafa kanina. Grabeee naluka ako! Pagkatapos ng limang tugtog muling umakyat ng stage si Jade at sinabing ia-announce before mag-end ng party kung sino ang napili ng special guest na Face of The Night. Pero bago 'yon nag-perform muli ang WSU Dance Troupe. Naghiyawan ang mga tao at muling nabuhay ang walang humpay na sumisipol. Iwan kung sino at hindi napapagod. Nagsasagutan pa sila sa pagsipol nila. "Grabe..! Ang gagaling talaga ng mga dancers natin. Hindi tayo tinitigilan pakabahin. Ano nabuhay muli ang nasaktang n'yong mga puso girls?" nakatawang sabi ni Jade. "Yes!" "More please!" "I'm sorry guys, but that's the last number. Mamaya ia-announce na namin kung sino ang Dancing and Singing King and Queen with cash prize. Then, the Face of The Night with sash and flowers. So maghanda, maghanda, maghanda at baka isa ka sa mapipili! May chance na kayong makasayaw si Sir Wayne at Ma'am Stacey! Pero bago 'yan, let us all give a round of applause to our Dean na kararating lang. Akala namin hindi s'ya makakarating at 'yong anak lang ang mag-aatend dahil may fever si Mrs. Santiago. But luckily, he made it. Ladies and gentlemen, please welcome our Dean, Mr. John Jherwin Del Carpio Santiago!" Tumayo ang lahat at malakas na pumalakpak. Napatayo din ako agad ng makita ko silang nagsipagtayuan. Hindi tumigil ang palakpakan hanggang sa makarating ang Dean ng school namin sa gitna ng stage. Del...Carpio? Magpinsan si Wayne at Miguel..? Then realization hit me. Unti-unting bumagal ang pagpalakpak ko ng maproseso na ng tuluyan ng utak ko ang buong pangalan ng Dean namin. Hanggang sa huminto ako sa pagpalakpak at nakangangang nakatingin sa lalaking nakangiting nakatayo sa gitna ng stage na old version ng asawa ko. Wala sa sariling napatakip ako ng aking kamay sa bibig ko habang nanlalaki ang aking mga mata. Teka nga... anong... Naguguluhan na napakunot-noo ako at makailang ilang ulit na napakurap-kurap. Sila...? Pag-aari nila 'tong school? Paano nangyari 'yon? Damn... kaya pala no'ng enrollment day pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko sa registrar sinabihan ako agad na naka-enrol na ako! Nakangiting napailing ako sa aking naalala. Make sense... "Thank you, Jade. Good evening everyone. Sorry if I am late. My apologies to all of you. To all faculties and staffs, good evening, dear students, good evening and to our special guest Ms. Stacey Jane Sullivan, good evening and of course to my son, Mr. John Wayne Santiago, will you please come up here in stage." sabi nito habang nakatingin kay Wayne na kaagad tumayo at naglakad papunta ng stage. Ilang sigundo sila nag-usap at kaagad bumaba ng stage ang Dean namin. "On behalf of my father, I want to apologize again if he can't stay longer tonight 'cause my Mom had a fever so will do his part. I would like to acknowledge the presence of each and every beautiful and handsome student's here tonight. I am grateful that you are all attending actively in this kind of event and we are hoping that you all will be participating even more further in our future events and activities here in our school. And to our beautiful emcee, Ms. Jade and to our personnel, thank you so much to each of you." "To all the performer students, WSU band thank you so much. And of course I would like to praise these most talented students with their spectacular and breathtaking dance moves, the WSU Dance Troupe..." huminto s'ya ng magsigawan ang mga tao at paulit-ulit na pangalan ni Monique ang sinisigaw. Nanlalaki pa ang mga mata at nakangangang nagkatinginan kaming magkakaibigan at muling napatingin sa mga babae at lalaking lumabas ng backstage na wala ng suot na maskara. "Si Monique?!" chorus pa naming sabi. "Damn..! Bumalik pala ang tiyanak na 'yon sa WSU Dance Troupe." sabi ni Cait. "Nakakainis, namaos pa ako kakasigaw kanina sa kanya. Kung alam ko lang na s'ya 'yon, nag-cellphone na lang sana ako." sabad naman ni Sheeva. "Tragis... nabudol tayo!" bulalas naman naming apat nina Criezel, Rose at Bea. "Thank you for those unbelievable performances. You are all awesome and best ever dance group of Winx State University has ever had!" Mas lalong naghiyawan ang mga tao sa sinabi n'ya. Pati s'ya nakisali din sa mga pumalakpak. Halos lahat naghihiyawan at pumapalakpak, tanging sa table lang ata namin ang mga bitter at sambakol ang mga mukha. Samantalang kanina... naku, ayaw ko na lang mag-talk. "And last but not the least, to our solo singer performer Mr. Alexis Zayn Luigi Calderon..." pambibitin n'ya pa. Kaagad nagsigawan ang mga tao at kay Luigi na pangalan naman ang paulit-ulit na sinisigaw. Hindi ko alam kung bakit pinahuli n'yang banggitin si Luigi. Nagtatakang nakatitig ako sa kanya at pilit hinuhuli ang kanyang mga mata ngunit hindi s'ya tumitingin sa mesa namin. Hindi ko alam kung saan s'ya nakatingin, baka sa kawalan, iwan. Tuloy hindi na ako mapakali pa sa aking kinauupuan. Kinakabahan ako na iwan. Nakakabwesit ang mga palihim na tingin na pinupukol n'ya sa akin kanina habang nakikipagtawanan s'ya kay Stacey at mga faculty member at staff. Iniirapan ko s'ya na lalong kinadilim ng mukha n'ya lalo na ng kumanta pa si Luigi na puro patama sa akin. Naku... Lagot na..!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD