Chapter 40

3330 Words
SAMANTHA POV SENIORS NIGHT BALL. "Ano ba kuya...! Sinisira mo ang hairdo ko." inis na bulyaw ni Cait kay Luigi pagkababa nila ng kotse. "Bakit ba kasi sumabay-sabay ka pa sa akin?" Kuya..? Ano... magkapatid ba sila? He chuckled. "Sira ang kotse ko kaya..." "Sino ba kasing may sabi sayong magmaneho ka ng sasakyan na lasing?" nakapamaywang na asik n'ya pa rito. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan sa aking nakikita. Gulong-gulo na nakatitig lang ako sa kanila habang pinapakinggan ang usapan nila. Kararating ko lang din. As usual hinatid ako ni Kuya Damian dahil may lakad rin ang magaling kong asawa. Hindi ko alam kung saan na naman pupunta. Ayaw ko din mag-usisa dahil magkaaway nga kami diba? Tapos hindi man lang nag-abalang sabihin sa akin kung saan din ang punta n'ya. Kaya nainis ako lalo sa kanya. Nagmamadali pa s'yang maligo kanina saka nagbihis ng plain white t-shirt n'ya at maong na pantalon. Nakangisi pa s'ya sa akin habang inaayos ko ang suot kong damit sa harapan ng salamin. Nagpa-parlor pa kaming magkakaibigan para gumanda lang ako sa harapan n'ya tapos sa huli deadma lang pala sa kanya. As in walang expression na paghanga or nagandahan man lang sa akin! Tanging nakakabwesit n'ya lang na ngisi ang nakikita ko sa mukha n'ya habang walang kurap-kurap na nakatitig sa akin. Imbes na matuwa ako, lalo tuloy uminit ang ulo ko sa kanya. Nagdadabog na kaagad ko s'yang nilayasan. Ngunit nakikipag-unahan pa s'ya sa akin kanina palabas ng Unit at sumabay sa loob ng elevator. Pero hindi ko s'ya pinansin. Hindi ko s'ya kinakausap. Panay lang s'yang buntong-hininga habang nakatitig sa akin. Animo'y may gustong sabihin sa akin pero hindi naman makapagsalita. Iniirapan ko s'ya sa tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa sabay layas. S'ya na talaga ang pinakabwesit sa lahat ng bwesit..! Biglang nanlaki ang mga mata ni Luigi pagkakita sa akin at kaagad nag-iwas ng tingin. Binalingan n'ya si Cait at ginulo muli ang buhok nito bago malalaking hakbang na pumasok na sa loob. "Bwesit ka Luigi...!" malakas na habol n'yang sigaw dito ngunit pinagtawanan lang s'ya nito. Napapadyak pa s'ya sa inis habang inaayos ang kanyang buhok na ginulo nito. "S-Sam... kanina ka pa ba d'yan?" bulalas n'yang tanong sa akin ng malingunan n'ya ako sa kanyang likuran. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa dinaanan ni Luigi. Hindi ako makapagsalita sa subrang pagkabigla sa aking nalaman. Kaya pala takot sa kanya si Luigi at mga alipores nito dahil magkapatid sila... 'Lanya talaga! "Sam..." "M-Magkapatid kayo?" takang tanong ko pa rin sa kanya habang tinuturo ang dinaanan ni Luigi. "Hoy, mga bruha... nandito na pala kayo, hindi man lang kayo nagrereply!" sigaw ni Sheeva habang sunod-sunod na nagbusina. Sabay pa kaming napalingon ni Cait sa kanila. Magkakasunod lang ang apat dumating sakay ng kanya-kanya nilang kotse. Kumikending-kending pa ang mga itong naglakad palapit sa amin. Animo'y mga model na rumarampa't abot tainga ang mga ngiti na kaagad din napalis pagkakita sa itsura namin ni Cait. "Anyare? Bakit parang nakakita kayong multo?" sabi ni Bea. "Bwesit kayo, nagpa-parlor pa tayo kung ganyan lang din ang expression ng mukha n'yo pagkasuot ng dress na 'to." sabad ni Criezel. "T'ngna, pigilan n'yo ako at huhubarin ko talaga 'tong damit ko dito." sabi naman ni Rose. Sabay-sabay kaming napabaling kay Rose sa sinabi n'ya at nagkatinginan saka napahagalpak ng malakas ng tawa. Kaagad n'ya kaming sinimangutan. "Mga bwesit na 'to, ano bang nangyari sa inyong dalawa kanina?" nakapamaywang n'ya ng tanong. Kaagad kaming nagkatinginan ni Cait. She sighed. Hinawakan n'ya ang kamay ko. Kaagad kong naramdaman ang nanlalamig n'yang mga kamay. "Let me explain first Sam..." I laughed. "Parang sira, tinanong lang naman kita kung magkapatid kayo ni Luigi. Kung oo, e di wow. Ang galing n'yo magtago." nakairap kong sabi kay Cait. "Sh*t, akala ko..." "'Wag mo ng ituloy, tara na at malapit ng magsimula." sabi ko sabay hatak sa kamay n'ya papasok. Ngunit kaagad din akong tumigil at binalingan sila. Nagulat pa sila sa biglang paghinto ko. "Ang ganda-ganda at sexy n'yo lalo ngayon mga bruha!" tumitili ko pang sabi habang hinahagod ng may paghanga ang kabuuan nila. Bahagya pa akong lumayo sa kanila para mabistahan sila ng maige. Tumirik pa ang mga mata ni Sheeva sa sinabi ko. "Ano 'yon late na na-process ng utak mo 'yong itsura namin, ganun?" Malakas kaming nagtawanan sa sinabi n'ya. Hindi ko akalain na may e-gaganda at ise-sexy pa pala sila. Lumilitaw talaga lalo ang ganda ng isang babae kapag naayusan at nabihisan. Dagdagan pa ng masayang ngiti. Damn... perfect! Umikot-ikot pa sila sa harapan ko. Mga sira talaga. Napangiti ako sa aking naisip. "Teka, wait lang." nagmamadali pang sabi ni Rose at kinuha ang cellphone nito sa loob ng clutch bag n'ya. "Tara, bilis... picture tayo!" excited pang sabi nito. Kaagad naman kaming nagsilapitan at nag-pose sa harap ng camera n'ya. Nakailang pose din ang ginawa namin. Pinagtitinginan na kami ng ibang dumaraan na estudyante sa ingay namin pero 'di kami tumigil. Bakit ba, kanya-kanyang trip.. "Teka sandali lang." sabi pa ni Rose at kaagad akong hinatak sa aking braso saka pinapwesto sa pinalamutian na malaking punong kahoy at napapalibutan ng iba't ibang mga bulaklak sa gilid nito. Pinagtawanan namin s'ya pero hindi s'ya natinag. "Ngayon ko lang si Sam nakita magsuot ng dress, 'wag kayong ano d'yan. 'Yan, smile ka.. dali!" sigaw n'ya pa matapos n'ya makalayo sa akin. Ngumiwi ako. Then click... "Ano ba yang mukha mo, ayusin mo! Isa pa!" Hindi ko alam kung nakailang pose ako sa harapan n'ya. Parang photographer na pinapagalitan pa ako't mali daw 'yong pose ko. Pinagtatawanan lang din ako ng iba kong mga kaibigan. Hinayaan lang si Rose sa trip nito sa akin. Luko talaga... Ilang minuto pa kaming nanatili doon sa labas. Nag-picture-an at nagpurihan ng walang humpay. Naasiwa tuloy ako sa humahangang tingin nila sa akin habang kinukurot ako sa tagiliran ko. Hindi ako sanay pero masayang masaya ako ngayong gabi kasama ang mga naggagandahan at nagse-sexy-han kong mga luka-lukang friends! Pagdating namin sa loob subrang dami na ng tao. Pinagtitinginan pa kami noong ibang estudyante pagbungad namin sa entrance. Nagulat pa ako pagkakita ko kay Monique at sa mga alipores n'ya. Pinasadahan nila kami ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa sabay irap at malalaking hakbang na tinalikuran kami. Kaagad ko naman pinigilan ang braso ni Cait ng maramdaman kong susundan n'ya ang mga ito. "'Wag mo ng ituloy at matutuluyan lang 'yang buhok mo. Sayang, baka ma-turn off sayo si Jake kapag nakita kang..." "Hay naku, tara na nga, upo na lang tayo doon." sabad n'ya habang tinuturo ang bakanteng mga table na malapit sa unahan." Kaagad namin tinungo iyon at naupo doon. Ilang minuto ang lumipas ng may magsalita sa mic, si Jade, 'yong emcee namin. "Good evening ladies and gentlemen! Everybody looks great and wonderful tonight! In a few minutes, the party will start! Kaya Chill muna kayo and enjoy!" sabi n'ya saka pumailanlang ang malakas na tugtog. Now Playing: Where Is The Love? by Black Eyed Peas "Teka, nasaan na si Sheeva?" takang tanong ni Rose habang nagpapalinga-linga. "Ayon o." sabi ni Bea sabay turo sa kanan nito. Kaagad naman namin sinundan ang tinuturo ng kanyang kamay. "Nahatak kaagad ni Ivan ang bruha." nakangisi n'ya pang sabi. "Kayong tatlo sino ka-date n'yo?" tanong ni Cait sa amin habang nagpapalinga-linga rin. Malamang hinahanap rin ang boyfriend nitong si Jake para maka-partner sa sayawan mamaya. Malalim akong napabuntong-hininga. Wala akong ka-partner. "Maghahatak na lang ako sa mga alipores ni Luigi, wala tayong d'yowa e." sabi ni Criezel na ikinatawa naming lahat. Napapalingon pa sa amin ang ibang mga estudyante sa katabi naming upuan. Siguro dahil sa lakas ng boses namin pero wala kaming pakialam. Araw ngayon para mag-celebrate at magsaya. Nagpi-fiesta din ang mga mata namin sa paligid. Subrang daming gwapo! Ang ingay nina Rose at Bea, pati si Criezel, napapahampas pa sa braso ko habang kinikilig kakatingin sa mga grupo ng mga kalalakihan na naupo malapit sa table namin sa kabilang side. Natigil lang ang ingay at tawanan namin ng muling umakyat ng Stage si Jade at nagsalita sa mic. "Again, good evening ladies and gentlemen. Welcome to the one of the school year's most anticipated events. A time of the year when all the students can relax, enjoy each others company, meet new friends, dance, sing, and party the night away!" "Most of all, it is the time for the students, alumni, faculties and staffs to bond each other and become one big WSU family! As expected, students came to the event, dressed to kill with their tight fitted dress, best suit, mesmerizing and killer looks for this wonderful night full of fun and excitement!" "But of course, before we give you the freedom to dance, let us all witness the killer and blistering fast hands moves of our WSU dance troupe!" Kaagad nagsigawan ang mga estudyante matapos mamatay ng ilaw at tanging sa stage lamang ang maliwanag. Now Playing: Booty Music by Deep Side When the beat goin' like that (Boom Boom) Girl, I wanna put you up in my room I wanna put you up against that wall Throw you on the bed and take your clothes off (Clothes off) Everybody don't like it slow (It slow) Consider me one of them folk Let's get to it (Get to it) Do it (Do it) Get to it (Get to it) Get to it Malapit kami sa stage kaya kitang-kita namin ang mga sumasayaw. Ang gagaling nila! Bukod sa mabibilis ang mga kamay at sabay-sabay, ang lalambot pa ng kanilang mga katawan. Mapalalaki man o babae. Pare-pareho pa ang suot na damit kaya ang ganda lalo tingnan. Parang mga jabbawockeez lang! Baby, that's the way I like it (Hey) That's the way you like it (Hey) That's the way we like it Maki'n love to booty music Na-amazed ako ng subra sa galing nila. Mapapanganga ka talaga. Lalo na 'yong sa babaeng nasa gitna, napakagaling. Kinabahan pa ako ng may exhibition silang ginawa. Pumabilog sila at biglang hinagis sa ere 'yong babae, pumaikot-ikot itong parang elise tapos bumagsak ng nakatayo sa ibabaw ng mga balikat ng isang lalaking kasamahan nito na nakatayo sa gitna ng bilog. Saka nag-bend ng isang legs nito, inabot ng daliri sa mga paa ang kanyang ulo. Oh my... ang galing n'ya mag-balance, hindi man lang natakot na baka mahulog! Halos mahigit ko ang aking hininga sa subrang nerbiyos na naramdaman sa ginawa no'ng babae. Subrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, sing lakas ng sigawan ng mga tao pagkatapos no'ng dance number. "More! More! More!" sigaw ng mga tao. Tumatawang kaagad umakyat ng stage si Jade at muling nagsalita sa mic. "Thank you WSU dance troupe for that breathtaking dance moves! Grabe..! Let's give them another round of applause!" malakas na nagpalakpakan ang mga tao, may kasama pang sipol. "Ano nag-enjoy ba kayo sa opening dance number ng WSUDT? Nakakahinga pa ba kayo? Ako muntik ng mahimatay sa nerbiyos!" nagtawanan ang mga tao sa sinabi n'ya. "Umpisa pa lang 'yan! Mas malala ang susunod kaya magsihanda kayo. Magpraktis na kung pa'no humingang malalim!" muling napuno ng malakas na tawanan and buong Stadium. Pambihira, hindi ko akalain na ganun ka-intense ng opening dance number. Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ko sa naging reaksyon at itsura ko. Halos hindi ko na maintindihan pa ang ibang sinasabi ng Emcee sa subrang ingay. Dumagdag pa ang lakas ng t***k ng puso ko na para bang may mga kabayong naghahabulan. Isa pang dance number ang nag-perform sa ibabaw ng stage ngunit hindi na ako nanood. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko at habol ang aking paghinga. Now Playing: Faded by Alan Walker Kaagad kong binalingan ang cellphone ko. Napakunot-noo pa ako ng makita kong ang daming message ni Wayne ang nag-pop-up sa screen pagkabukas ko. Malalim akong napabuntong-hininga at kaagad ko itong binalik sa loob ng clutch bag ko. Hindi ko pinagkaabalahan pang basahin ni isa ang mga pinadala n'yang messages. Bahala s'ya sa buhay n'ya, naiinis pa rin ako sa kanya! "More! More! More!" sigaw ulit ng mga tao. Kaagad akong napabaling sa stage. Tapos na ang pangalawang dance number na nagperfom. Ang iingay nila. Animo'y mga hyper. Kinakalampag pa no'ng iba ang mesa. Tumatawa namang umakyat muli ng stage si Jade. "Ano, nag-enjoy ba kayo?" "Yes!" sigaw ng lahat. "Hindi halata e no? Pati lamesa dinadamay n'yo. Para kayong mga nakawala sa hawla!" sabay tawa ng malakas ni Jade. "But... I'm sorry guys, hindi ko kayo pagbibigyan. Kailangan ko muna kayong bitinin dahil mga singers naman ang bibida ngayon sa stage! Pero bago 'yan, ipapakilala ko muna ang dalawang special guest natin. Handa na ba kayong makilala sila?" "Boo!" "Boo!" "Boo!" Sabay-sabay pang sigaw nila with matching action ng mga kamay. Ang dami tuloy na nagsipagtawanan. "O sige, isa lang muna ang ipakilala ko. Ang dami nilang numbers na nakapila, 'wag kayong mag-alala. Baka nga maumay pa kayo sa subrang dami e." Nagtawanan sila. "So guys, handa na ba kayo sa special guest natin tonight?" "Yes!" "Louder!" sigaw pa ni Jade sa mic. "Handang-handa na! "Atat na atat pa! "'Wag mo ng ibitin pa!" Sigaw pa nila na ikinatawa naming lahat. "Ang lakas ng energy n'yo ha." nakatawang sabi ni Jade saka huminto saglit saka muling nagsalita. "Okey ito na ang pinakahihintay ng lahat. Syempre siniguro namin na hindi kayo madi-disappoint because... we invited a very handsome, sexy and hot guest. At hindi lang 'yan... dati s'yang campus crush dito sa school! Hmmm may hint na ba kayo kung sino si Mr. Hot and yummilicious guest natin?" pambibitin pa ni Jade. "Ayy... baka si Mr. Smith..!" sigaw pa ng mga kababaihan. "Si Mr Santiago..!" sigaw naman ng mga kaibigan ko. Nakangising kaagad akong napabaling sa kanila. Halos hindi na mapakali pa ang mga ito sa kanilang upuan habang kinikilig. Nagkakandahaba na ng mga leeg nito kakasilip sa lalabas galing back stage na guest namin. Kaagad ko rin sinundan ang tinitingnan nila. Doon ba talaga lalabas 'yong guest? I wonder kung sino at nagkakagulo na ang mga tao. "Our special guest is a business tycoon, a most popular car racer in States. Ayy! Kinikilig ako!" sabi n'ya pa sa mic na ikinatawa naming lahat. Tumigil s'ya saglit saka muling nagsalita. "Lady's and gentlemen, let me introduce to you, Mr. John Wayne Smith Santiago!" Kaagad nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pangalan na sinabi ni Jade. Napatakip pa ako sa aking bibig ng umakyat na ng stage si Wayne. Nagpalinga-linga pa s'ya, animo'y may hinahanap, at biglang tumigil ang mga mata n'ya sa akin. Kaagad lumukso ang puso ko ng maghinang ang mga mata namin. Napakurap-kurap pa ako ng bigla s'yang ngumiti. "Oh my goodness...!" "Ang gwapo pa rin..!" "Sh*t... ang hot n'ya lalo..!" Nagtilian lalo ang mga kababaihan at gays. Nagkabukingan tuloy kung sino ang mga may pusong babae tapos ang gaguwapo sa suot na toxedo. "Ayyyyy..! Sabi ko na nga ba s'ya!" kinikilig na sigaw ni Cait, pati ng iba ko pang mga kaibigan. Halos lahat nakatayo na sila ng balingan ko. Samantalang ako, parang naitulos sa aking kinauupuan. Takang-taka kung bakit nandito s'ya. Sh*t... hindi ko akalain na dito rin s'ya nag-aral noon. At hindi lang 'yon, kilalang-kilala pa rin s'ya. Animo'y artista at hindi makalimutan ng mga estudyante. Kaagad akong napabaling muli sa stage ng magsalita s'ya sa mic. Ang ganda ng boses at ang gwapo n'ya lalo sa suot n'ya! Wala naman s'yang bitbit na damit kanina pag-alis n'ya. Saan n'ya kinuha 'yang suot n'ya? Biglang nagrigudon na naman ng puso ko. Animo'y sumasayaw na sa loob. Hindi na rin ako mapakali pa sa kinauupuan ko. Bwesit... lalo s'yang gumuwapo sa paningin ko! Ang dami n'yang sinabi pero wala akong naintindihan kahit isa. Namamalikmatang nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita. Hanggang sa mag-thank you na s'ya at bumaba ng stage nakatulala't nakanganga pa rin na nakasunod ang mga mata ko sa kanya kahit nawala na s'ya sa paningin ko. Nakakabingi lalo ang sigawan ng mga kababaihan, dumagdag pa ang matining na tili ng mga lalaking nakaupo malapit sa table namin ng kumaway pa si Wayne habang nakangiti hanggang tainga bago bumaba ng stage. "Putek na 'yan, na wow mali ako sa mga poging girlalu na mga 'yon." salubong ang mga kilay na bulong sa'kin ni Criezel habang tinuturo ang mga kalalakihan na nakaupo malapit sa table namin. Kaagad akong natauhan sa sinabi n'ya at napahagalpak ng malakas na tawa. Nagtatakang napalingon naman sa amin sina Cait. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Halos umalog pa ang mga balikat ko kakatawa sa sinabi n'ya. Kaya siya na mismo ang nagsabi sa mga ito saka nagsipaghagalpakan na rin ng tawa. Hindi namin alintana ang subrang lakas ng tawa namin. Pakiramdam ko huminto ang mundo at tanging kami lang ang nag-e-exist. Nakakatawa naman kasi. Subrang gwapo nila. As is makalaglag panga. Nagpa-cute pa ng nagpa-cute ang mga kaibigan ko sa kanila kanina tapos ngayon paglabas ng guest namin halos ang tili pa nila ang nangibabaw sa sigawan at tilian ng mga kababaihan. Kaya pala hindi namamansin dahil iba naman ang mga type nila. Pambihira talaga! "Ano may mga hang-over pa kayo sa special guest natin? Nakakahinga pa ba sa subrang kilig? Pwes may after shock tayo para d'yan. Pero kailangan ko kayo ulit bitinin at may isa pa akong guest na ipapakilala mamaya. So, for now, ready na ba kayong makasayaw si Mr. Santiago?" "Oh my... yes na yes!" patiling sigaw ng mga kababaihan at girlalu lalo na 'yong mga nakapwesto malapit sa amin. "Charoot, 'wag muna pala!" nakatawang sigaw ni Jade. "Grab your partners now and bring them to the dance floor! Silaban n'yo na ang dance floor, it's all yours!" Now Playing: Left and Right by Charlie Puth Napatingala kaming magkakaibigan ng magsipagputukan ang mga fireworks. Samantala nagtayuan naman ang mga estudyante at nagkanya-kanyang hatak ng partners saka nagpuntahan sa gitna. "Oh, eto na ang foods n'yo!" nakangiting biglang sulpot ni Ivan at dalawa n'ya pang kaibigan sa table namin. Kaagad nila itong nilagay sa ibabaw ng mesa namin. Marami silang dalang pagkain. May kasama ng drinks at desserts. "Sayaw tayo Sheeva." sabi ni Ivan at kaagad itong hinatak sa braso saka dumeritso sa gitna. Naiiling na lang na nasundan namin sila ng tingin pati ang mga kasama nito. "Sinuhulan lang tayong pagkain ng luko." sabi ni Cait habang nakangising umiiling at sinusundan ang mga ito ng tingin. Maya-maya, nagsipagsulputan naman sa harapan ng mesa namin sina Jake at Justin, saka hinatak sina Cait at Rose. Nakangiting nagkatinginan na lang kaming tatlo nina Criezel at Bea habang sinusundan din sila ng tingin. Now playing: Sugar by Maroon 5 Lalong dumami ang sumasayaw sa gitna. Nilingon ko ang dalawang kasama ko. I shrugged my shoulder while looking at them. "Pa'no 'yan? Kain na lang tayo at wala tayong date ngayon. Lalaki din ang gusto ng mga crush n'yo sa kabilang table e." nakangiting sabi ko sa kanila. "Mamaya yari sakin ang isang 'yon." sabi ni Criezel habang matiim na nakatitig sa lalaking kasama ni Ivan na nakatingin din dito sa mesa namin. "Kung hindi n'ya ako kayang yayain, pwes ako ang magyayaya sa kanya." "Ganun din ang gagawin ko sa isa. Kung natotorpe sila, pwes tayo hindi." sigunda naman ni Bea habang nakatingin naman sa kasama ni Luigi na nakatayo malapit sa pwesto ni Jade at nakatingin dito sa amin. "Sayo si Luigi, Sam." I chuckled. "Sige, kain muna tayo para pagtayo natin dito sa upuan, walang balikan. Bawal magpahinga ah. Ang unang sumuko magbabayad ng 5k. Ano deal?" sabi ko. "Awww-! Aroooy--! Parang pinupulikat ang mga binti ko. Pass na nga muna ako. Sabi ko na nga ba, kaya ayaw ko magsuot ng heels e." nakangiwi pang sabi ni Criezel sa tabi ko habang hinihimas ang mga binti. Kaagad s'yang binatukan ni Bea na ikinatawa naming tatlo. Boang talaga ang bruha na 'to kahit kailan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD