Wayne
Walang pag lagyan ang aking tuwa ng pumayag si Sam sa gusto ko. Halos gusto kong magtatalon sa 'di maipaliwanag na masarap na pakiramdam na bigla na lang pumulupot sa puso ko. Na sa isang kisap mata biglang nabura ang lahat ng sakit, frustrations at lahat-lahat ng samot- saring emosyon na kinimkim ko sa mga nakalipas na araw at buwan na ayaw n'yang pakinggan ang mga gusto kong sabihin at ipaliwanag sa kanya.
Matapos kong magpakasasa sa alak noon ng walang humpay sa bahay ko sa Tagaytay, humagulhol sa harapan ni Dad at payuhan n'ya tungkol sa problema ko kay Sam, kaagad akong nagplano kung paano makakabawi sa kanya at surprisahin sa birthday n'ya. Hindi ko man nagawa noong una, pero ngayon siniguro kong mapapasaya ko s'ya.
Halos magkumahog pa ako no'n pauwi ng Condo ko. Ngunit kaagad din akong natigilan ng subrang katahimikan ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Hindi ako sanay. Nagtataka ako bakit walang ingay. Walang malakas na tugtog na dati ko s'yang palaging naaabutan na ganun at nagluluto sa kusina.
Noong una natutuwa ako dahil nagkaroon ng ingay ang dating tahimik kong lungga. Pero habang tumatagal nagtataka na ako sa mga kilos n'ya. Pakiramdam ko may tinatago s'ya sa akin na hindi ko mawari.
Oo nakangiti s'ya lagi at masaya sa harapan ko na ikinalulugod ko lalo dahil nawawala ang stress at pagod ko sa trabaho dahil sa kanya. Makita ko pa lang ang matamis n'yang mga ngiti sa akin buo na agad ang araw ko. Ang isipin ko pa lang na may babaeng nag-aantay sa aking pag-uwi at asawa ko pa ay halos sinisilihan lagi ang pang-upo ko at hilahin ang mga oras kahit kararating ko pa lang sa opisina. Gusto ko ng dumating kaagad ang hapon para makauwi na ako sa kanya. Hindi ako mapakali at halos hindi ako makapagtrabaho ng matino kakaisip sa kanya. Dinaig ko pa ang teenager na first time ma-in love.
Naabutan ko s'ya noon na gumagawa ng Mango Grahams sa kusina. Tahimik ko s'yang pinanood muna bago ako lumapit at niyakap s'ya ng mahigpit. Halos durugin ko s'ya sa higpit ng yakap ko ngunit kaagad n'yang pinagkakalas ang mga braso ko. Biglang binundol ng takot ang puso ko lalo na ng makita kong mugto at namumula ang kanyang mga mata.
Pakiramdam ko may nangyari bago ako dumating pero pilit n'yang tinatago sa akin at nagkukunwaring okey lang. Kaagad ko s'yang hinatak palapit sa akin at tinanong kung anong nangyari ngunit todo s'ya deny. Hanggang sa niyakap n'ya ako ng mahigpit at umamin ng nararamdaman n'ya sa akin.
Halos gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader at tadtarin ng pinong-pino ng marinig ko ang tahimik na pag-iyak ni Sam habang sinasabi n'ya sa akin kung gaano n'ya ako kamahal. Inaamin ko subra-subra ang galak na naramdaman ko ng malaman kong mahal namin ang isa't isa. Ngunit nililigalig ako ng konsensya ko kaya s'ya nagkakaganito at biglang umamin sa akin. Tapos ang masaklap imbes na aamin na rin ako bigla naman tumawag ang mga kaibigan n'ya at iniwan ako.
Gusto kong magwala pagkaalis n'ya ngunit pinigilan ko ang sarili ko at sinimulang gawin ang niluluto kong balak sa kaarawan n'ya. Halos kapusin ako ng oras sa pagmamadali kong e-set up ang sala para 'di n'ya ako maabutan sa ginagawa kong surprisa sa kanya. Ngunit sumapit na ang gabi ay hindi s'ya dumating. Muli akong nagpakalasing hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-aantay sa kanya.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog ng mapabalikwas ako sa pagkakahiga ng pagtanggal ko ng braso na nakatakip sa aking mga mata ay ang namumulang mukha at mapupungay n'yang mga mata ang aking nabungaran. Ngunit 'yong tuwang naramdaman ko pagkakita sa kanya ay kaagad napalitan ng selos at galit ng mapadako ang paningin ko sa dilaw na bulaklak na hawak n'ya. Kaagad nagdilim ang paningin ko.
Si Luigi ang unang pumasok sa utak ko dahil s'ya lang naman ang bukod tanging bwesit na lalaking nagkalakas loob na pormahan ang asawa ko pero tinanong ko pa rin s'ya. Nanlaki pa ang mga mata ko ng hindi n'ya itanggi na si Luigi nga ang nagbigay sa kanya.
Hanggang sa nangyari ang kinatatakutan ko. Ang isumbat n'ya sa akin ang lahat na kag*guhan ko. Halos madurog ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig n'ya at sakit na nakikita ko sa kanyang mga mata.
Mabilis ko s'yang hinatak palapit sa akin at kinulong sa mga bisig ko. Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko ng pinong-pino. Mas pino pa sa harina sa subrang sakit na dinulot ko sa kanya. Nasasaktan ako ng subra-subra sa tuwing nakikita ko ang bawat luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Para akong unti-unting sinasakal, pinapatay, dinudurog. Kung nasasaktan s'ya, mas doble o triple o makasampung beses pa ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong nasasaktan ko s'ya.
Pinagsusuntok n'ya ako sa aking dibdib. Hinayaan ko lang s'ya. Kung makakatulong 'yon para maibsan ang subrang sakit na naidulot ko sa kanya, sige lang. Okey lang sa akin dahil kasalanan ko naman ang lahat. Deserve ko at tanggap ko. Kung kinakailangan kong lumuhod sa kanya para mapatawad n'ya ako gagawin ko. 'Wag lang s'ya mismo ang mawala sa akin.
Sinikap kong magpaliwanag sa kanya kinabukasan ngunit hindi pa nga ako nakakapagsalita umaarangkada na s'ya agad. Animo'y may nakakahawa akong sakit at nilalayuan n'ya kaagad, iniiwasan n'ya.
Sumasakit na ang ulo ko kakaisip na paraan kung pa'no ba ako makakapagsalita ng hindi s'ya umaalis sa harapan ko at pakinggan n'ya ang mga paliwanag ko, ngunit isa lang ang bukod tanging lumalabas sa utak ko, ang angkinin s'ya. Tumatahimik s'ya sa tuwing nasa ilalim ko s'ya.
Baliw na ako kung baliw, wala na akong pakialam pa. She's mine to begin with. And will always be mine alone. No one will ever steal her from me. Even that damn girl... Stacey. I found out that she's dating Luigi and Doctor Thompson, ang Doctor na gumamot kay Sam no'ng nasaksak s'ya dahil sa pagtulong kay Stacey.
Hindi ko alam kung bakit nakikipaglapit s'ya kay Sam. I know I had given her an idea na may ugnayan kami ni Sam the night that I confronted her. And f*ck..! I was so stupid that I did that in my impulse. Hindi man lang muna ako nag-isip or sadyang nawalan na ako ng utak dahil sa takot ko sa multo ng gabing nangyari sa aming dalawa. But damn it..! Pinagsisisihan kong ginawa ko 'yon pero huli na ang lahat!
'Yong feeling na akala ko'y katapusan na ng lahat tapos bigla na lang may darating na sagot. Dahil sa ginawa ni Sam mas nagka-idea tuloy ako kung pa'no ko s'ya mapapanatili sa buhay ko. That is... to get her pregnant. Kung kinakailangan taon-taon bubuntisin ko s'ya para wala na s'yang kawala pa sa akin gagawin ko.
Then boom..! Everything went alright!
Halos lamukusin ko s'ya sa bathtub noong nakaraang linggo sa nag-uumapaw na hindi ko maipaliwanag na saya. Hanggang ngayon pakiramdam ko nasa cloud nine pa rin ako. Daig pa namin ang bagong lovebirds na halos hindi mapaghiwalay sa isa't isa. Hindi rin ako pumasok ng trabaho, iniuwi ko lahat ng gawain ko sa opisina dito sa Condo just to be with her, have quality time with her. Since tapos na ang finals nila at nagpe-prepare na lang sa na move nilang Seniors Night Ball para bakasyon na agad after graduation nila, so we have so much time together.
Araw ng linggo at napagkasunduan naming dalawa ngayon mag seafood mukbang kaya hindi ako magkandaugaga sa pagluluto ng pagkain. Nagpresinta na akong magluluto lahat. I know she loves hipon kaya dinamihan ko na para sa kanya.
Nakipagmatigasan pa s'ya sa akin kanina na s'ya na lang magluluto pero hindi s'ya nanalo sa akin. Ang kaso ang gulo naman sa likuran ko at mahigpit pang nakayakap sa baywang ko habang nagluluto ako.
Pasaway talaga but... I loved it.
"Ang tagal mo naman magluto, Wayne. Kung ako pinaluto mo n'yan kanina pa tayo kumakain." reklamo n'ya pa sa akin habang nakahilig ang ulo sa likod ko.
"E subrang dami ng pinaluto mo sa akin, malamang matagal talaga magluto lalo't dalawa lang naman ang lutuan ko. Malay ko bang darating ka bigla sa buhay ko. Kulang ang gamit ko dito dahil sa labas naman ako laging kumakain."
"Asus, sisihin mo pa talaga ako. Bilisan mo na kasi."
I chuckled. "Oo na... malapit na. Marami naman na kasi akong naluto pwede ka ng kumain kung nagugutom ka na. Ang gulo mo pa d'yan sa likod ko."
She laughed. "Bilisan mo na. Ang dami mo pang sinasabi d'yan. Sabay na lang tayo. Mukbang nga diba?"
"Yes boss, nanginginig pa." sabay pa kaming malakas na napahagalpak ng tawa sa sinabi ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos ko na rin lutuin ang lahat. As she requested, I cooked grilled shrimp boil in foil packets consisted of 1 pound baby potatoes, (cut into 1.5-inch cubes), 2 ears corn on the cob, (cleaned and each ear cut into 5 to 6 rounds), 3 pound raw shrimp, (thawed, peeled, and deveined), 12 ounces Andouille smoked sausage, (cut into 2-inch pieces), 1 small yellow onion, (thinly sliced). Then, boiled whole king crab, lobster, crawfish and scallops.
Nakangiti ko s'yang hinarap and kissed her forehead at sinabihan s'yang maupo na do'n sa harapan ng mesa at aayusin ko na ang pagkain namin. Kaagad naman s'yang tumalima. Nakangiti n'ya pa akong tinititigan at sinusundan ang bawat galaw ko.
Sh*t... lalo s'yang gumaganda sa paningin ko!
"Have you ever fell in love before?" nakangiting tanong n'ya sa akin.
Kasalukuyan kaming kumakain ng sabihin n'yang maglalaro kami ng truth and sequence. Pinagtawanan ko s'ya pero sadyang ang kulit-kulit n'ya at ayaw akong tigilan. Dinaan n'ya ako sa lambing at pangiti-ngiti n'ya sa akin kaya ayon, I'm in a hot seat now.
I sighed. "Bakit ba kasi kailangan pang may ganito? Hindi ba pwedeng kumain na lang tayo?" tampo-tampuhan kong tanong sa kanya.
Ngunit lumapad pa lalo ang ngiti n'ya sa akin. Animo'y nang-aasar na iwan. Pero imbes na mainis ako sa kakulitan n'ya lalo tuloy tumalbog ng pagkabilis-bilis ng puso ko habang nakatitig sa masaya n'yang mukha and I don't have a heart to spoil her day.
"Sige na, sagutin mo na ang tanong ko. Ang dami mo ng pass kanina pa e. Para kang umiiwas... may tinatago ka ba sa akin?" pinanliitan n'ya ako ng kanyang mga mata.
Umiiling ako habang mahinang tumatawa sa sinabi n'ya. Though kinakabahan ako sa iba pang mga itatanong n'ya sa akin, still pilit pumapasok sa utak ko na maybe it's time to tell her everything. Kasama na ang ginawa kong panluluko sa kanya. Ngunit ayaw kong mauwi sa gyera ang masayang araw naming dalawa.
Damn... ang dali gumawa ng mali pero ang hirap itama!
"I was once fell in love way back high school."
"Anong nangyari? Ikwento mo, bilis.." nakangiti n'ya pang sabi sa akin na para bang excited marinig ang katangahan ko noon.
Ang kulit talaga... Napailing ako. "As usual naghiwalay kami. Kaya nga tayo mag-asawa ngayon diba?" sarkastikong sabi ko sa kanya.
She rolled her eyes. "Sungit." nakasimangot n'yang sabi sa akin at muling binalingan ang hipon na nasa harapan n'ya. "Imposible naman na noong high school ka lang na in love."
"I was a womanizer back then. You know... young, wild and free." natawa ako ng samaan n'ya ako ng tingin sa sinabi ko. "Maraming babaeng dumaan sa buhay ko Sam, pero it's just a one night for a cost. Sinabi ko naman na 'yon sayo dati pa, diba? They come today and gone tomorrow. And I never look back after that."
"So, after mo ma-broken heart sa high school sweetheart mo wala ka ng sineryoso pang iba? I don't believe."
"I've met Jelyn way back college. We studied in same school and same course. We became friends at first and end up in a serious relationship. But then she choose her modeling career over family that I'm aching to have. After that, I don't have any serious relationship to any other girl, till you accidentally stumble into my life and became my wife."
"S-She don't want to have a family with you?"
I nodded. "She don't want to have a child. You know, because of her..."
"None sense." putol n'ya sa sinasabi ko. "If she really loves you, gugustuhin n'ya pa rin magkaanak sayo. Hindi man agad-agad..."
"Bakit ba sila pinag-uusapin natin? Gusto mo bang ipamigay ako sa kanila?" putol ko sa sasabihin pa n'ya.
"Hell no..! Of course not."
I smirked. "Ikaw ba, have you ever fell in love before?" balik tanong ko sa kanya.
She smiled sweetly at me. "No... never ever." sabi n'ya habang paulit-ulit na umiling habang nakatitig sa aking mga mata. "You are my first love, my everything. Ang una at... huli."
"I am damn lucky to have you, babe. Sh*t, I can't believe it!" bulalas ko sa kanya.
Kaagad akong tumayo at nilapitan s'ya. Pinupog ko s'ya ng halik sa kanyang mukha. Huli na ng ma-realized ko na nakakamay pala ako habang kumakain.
"Ano ba Wayne, ang lansa ng kamay at nguso mo! Kinalat mo pa sa buong mukha ko. Pati sa buhok ko hinimas mo pa 'yang kamay mo. Pambihira ka talaga!" inis n'yang reklamo sa akin.
I laughed. "Sorry, nakalimutan ko. Nadala lang ako sa emosyon ko dahil sa sinabi mo."
"'Hay naku, ang dami mo pang sinasabi!" asik n'ya sa akin habang pinupunasan ng likod ng kamay n'ya ang kanyang mukha.
Lalong lumakas ang tawa ko sa sinabi n'ya at kanyang itsura. Ngunit kaagad din akong napatigil sa pagtawa at mulagat na tiningnan s'ya ng walang ano-ano't nasa mukha ko na ang mga kamay n'ya at bumaba pa sa hubad kong dibdib.
"Nasubrahan ka na sa pagtawa, pinagpapawisan ka tuloy, kaya kailangan punasan ko ng mga kamay ko. Ubos na 'yong wash cloth natin e. Diba ang sweet ko?" nakangisi n'ya pang sabi sa akin habang paulit-ulit na pinupunas sa buong mukha ko at dibdib ang kanyang kamay na ginamit sa pagkain n'yang seafood.
'Langya talagang babae na 'to, masyadong mautak!
Kaagad kong hinuli ang kanyang mga kamay at ganun din ang ginawa ko sa mukha n'ya, dinamay ko na pati buhok n'ya. Nagtititili s'ya sa ginagawa ko sa kanya at pilit nagpupumiglas sa mahigpit na yakap ko ngunit hindi ko s'ya binibitawan.
"Ano ba Wayne, pati buhok ko talaga?! Walanghiya ka, bitawan mo ako!"
I laughed wholeheartedly. "Ubos na pala 'yong wash cloth ah... Ang sweet ko rin diba? Pinunasan ko rin 'yong mukha mo. Bihira ka makahanap ng lalaking ganun babe." tudyo ko pa sa kanya.
"Utang na loob, bwesit ka..! Bitawan mo ako!"
"Ayoko." nakangising sabi ko sa kanya and shower her face a shallow kisses.
Kaagad n'yang pinagsasapak ang mukha ko ng makaalpas ang mga kamay n'ya sa kamay ko. Pinulupot ko ang dalawang braso ko sa maliit n'yang baywang and pulled her body even closer against me.
Tumigil s'ya sa pagtili at pagsapak sa akin. We stared at each other. I smiled at her when I saw a glint of spark in her eyes, telling me how much she loves me. She smiled back at me.
Ah... heaven...
"Thank you so much Sam." sabi ko.
"Para saan naman?"
"Sa pagtanggap mo sa akin. Alam mo ba sabi ni Dad sa akin, wala daw na babaeng magkakagusto sa akin dahil g*go ako. Kahit aso isusuka ako dahil wala akong kwenta."
"Totoo, sinabi n'ya 'yon sayo?" nagtataka pa n'yang tanong sa akin.
I nodded.
"Parang... I like your Dad na. Tama naman kasi s'ya. Siguro ginayuma mo lang ako kaya nagkagusto ako sayo. Hindi kaya...?"
"Samantha..."
Malakas itong napahagalpak ng tawa. Pinanliitan ko s'ya ng aking mga mata ngunit lalong lumakas lang ang tawa n'ya sa akin.
Pakiramdam ko unti-unti akong umaangat sa alapaap sa sarap ng tawa n'ya sa pandinig ko. Walang kurap-kurap na nakangiting nakatitig lang ako sa kanya.
Hanggang sa maasiwa s'ya sa titig ko. Unti-unting humina ang pagtawa n'ya. Namula bigla ang kanyang mga pisngi.
"B-Bakit ganyan ka makatingin? Subrang dami ba ng dumi na nilagay mo sa mukha ko?"
Damn this woman... I chuckled. "I love you so much, Sam." sabi ko sa kanya.
Lumapad lalo ang ngisi ko ng matigilan s'ya sa sinabi ko. Napanganga s'ya at nanlalaki pa ang maganda n'yang mga matang nakatitig sa akin.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at siniil ko s'ya ng halik. Parang tuod at hindi pa rin s'ya makagalaw sa sinabi ko. Pinalalim ko pa lalo ang paghalik ko sa kanya. Ginalugad ko ang loob ng kanyang bibig. Nalasahan ko pa ang hipon na kinain n'ya sa bibig n'ya.
I smirked and let go her lips. Tulala pa rin s'yang nakatitig sa akin. Animo'y nakakita s'ya ng dalawang halo sa ibabaw ng ulo ko. Nakangiting marahan kong tinapik ang pisngi n'ya. Kaagad s'yang napakurap-kurap.
"W-What did you... anong... pakiulit nga ng sinabi mo kanina." bulalas n'ya sa akin.
I chuckled again. "I love you so much wifey. Mrs. Samantha Faye Ramos Santiago." sabi ko. Ngunit bigla akong nataranta ng sunod-sunod na pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Damn... what's wrong babe?"
She smiled at me while crying and hug me tight. Subrang higpit na halos hindi ako makahinga. Naririnig ko pa rin ang hikbi n'ya at nararamdaman ang luha n'yang pumapatak sa aking hubad na likod.
"Mahal na mahal na mahal din kita Wayne." narinig kong sabi n'ya.
Damn... tears of Joy!
Nakangiting tinumbasan ko rin ang mahigpit n'yang yakap sa akin. Ilang minutong nanatili kami ng ganung posisyon sa kusina. Exchanging our I love yous' to each other.
Then I scooped her up and wrapped her legs around my waist. Lumabas kami ng kusina habang buhat-buhat ko s'ya at dumeritso ng banyo para maligo.