Chapter 37

3403 Words
Samantha "Babe." mahinang tawag n'ya sa akin habang nilalaro-laro ang kaliwang kamay ko ng kanyang kamay at panaka-nakang hinahalik-halikan ng kanyang mainit na mga labi. Nakaunan ako sa ibabaw ng kanyang dibdib habang yakap-yakap ako ng mahigpit ng isa n'ya namang kamay. Animo'y gusto n'ya na akong ikadena sa kanyang katawan. Kung hindi ko nga pinigilan, halos gusto n'ya na akong patulugin sa ibabaw ng katawan n'ya. Parang sira na iwan. Ayaw akong pakawalan! Ang aga-aga nanggigising. Tuloy hindi na ako makatulog pa kahit quarter to five pa lang. Pero masaya ako. Masayang-masaya na halos hindi ko s'ya tinantanan kakatanong kung kailan n'ya ako minahal. Kung nagbibiro lang ba s'ya or ano. Ngunit paulit-ulit n'ya rin akong sinasagot na mahal n'ya nga ako at matagal na. Hindi n'ya daw alam kung kailan nagsimula basta na-realized n'ya na lang na mahal n'ya ako ng malaman n'yang may ibang lalaking pumuporma sa akin noong first day of school ko. Halos mabaliw daw s'ya sa subrang selos. Akalain mo 'yon? Mahal namin ang isa't isa! 'Yong tatlong salitang matagal ko ng inaasam-asam na marinig sa isang iglap biglang nangyari. Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya ang mga katagang 'yon. Akala ko matagal pa or baka hindi nga e. Hindi kasi s'ya very vocal sa feelings n'ya sa akin at hindi rin s'ya mahilig gumamit ng matatamis na mga salita, pero sa mga actions n'ya na pinapakita sa akin ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n'ya sa akin. Though hindi ko man alam at hindi ako sigurado sa tamang definition ng pagmamahal, still ang puso ko mismo ang sumasagot sa naguguluhan kong utak, na wagas ang pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya. Kung dati hindi ko mabigyan ng tamang sagot at kahulugan ang bawat kilos na pinapakita n'ya sa akin na naging dahilan kung bakit lalo nahulog ang loob ko sa kanya ng tuluyan, ngayon malinaw pa sa bolang kristal ang sagot na natanggap ko mula sa kanya. Nagsimula lang naman ang agam-agam ko sa totoong nararamdaman n'ya sa akin ng simulang magsipagsulputan ng mga babae n'ya. Lalo't sinabi n'ya pa sa akin na 'wag kong seryosohin ang kasal namin. Tapos magkaiba pa ang mga kilos n'ya sa mga sinasabi n'ya. Minsan napapaisip din ako kung totoo kayang nabuntis n'ya ang mga babaeng 'yon. Simula kasi ng incidents na 'yon ay hindi na sila nagparamdam pa. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero ayaw ko na ring alamin pa at wala akong pakialam sa mga buhay nila. Kahit magsabunutan pa silang lahat, ako pa rin ang legal wife at mas may karapatan sa asawa ko. Mga kabet lang sila at 'wag silang magmalaki sa akin. Sila pa ang mga matapang. Tapos napagkamalan pa akong katulong ni Wayne. Anong gusto nila mag gown ako dito sa loob ng Unit? Mga echoserang palaka at mapanghusga..! Hindi ko ma-explain ang subrang tuwa na lumukob sa buong pagkatao ko sa aking nalaman. Halos paulit-ulit ko 'yon kwinento sa mga kaibigan ko. Nagtititili pa ang mga bruha sa kilig pero ayaw ko pa rin sabihin sa kanila ang tungkol kay Wayne at kung sino s'ya. Hindi ko alam kung bakit. Parang natatakot ako na iwan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi rin ganun karami ang alam ko sa kanya. Pakiramdam ko marami pa s'yang lihim na 'di pa sinasabi sa akin. Okey lang din naman 'yon sa akin, ang importante mahal namin ang isa't isa. Handa akong maghintay kung kailan s'ya mag-o-open up sa akin ng tungkol sa buong pagkatao n'ya. Kung hindi, okey lang din naman, basta ba 'wag na 'wag n'ya na akong lulukuhin pa at hindi ako magdadalawang isip na layasan na talaga s'ya. Mahal ko s'ya kaya nagtitiis ako... "Hmmm." "Kung magkakaanak tayo ilan ba ang gusto mo?" tanong n'ya sa akin. Nakakunot-noo'ng kaagad ko s'yang tiningala. "Bakit mo naman naitanong?" Kaagad s'yang dumilat at sinalubong ang aking nagtatakang mga matang nakatitig sa kanya. Kahit saang anggulo ang gwapo talaga..! "Gusto ko kasi mara--." "'Wag mo ng ituloy at dalawa lang ang gusto kong anak. Babae at lalaki. 'Yon lang. 'Wag ka ng humirit pa." kaagad kong putol sa sasabihin n'ya. Naisip n'ya pa talagang magkaroon ng maraming anak? Sa hirap ng buhay ngayon, dalawa lang tama na. Kung gusto n'ya ng marami, magbuntis s'ya mag-isa n'ya at ayaw ko. He chuckled. "Pa'no kung gusto ko magkaroon ng maraming anak? Gusto kong bumuo ng mini basketball team player at cheering squad group." "What...?! Seryoso ka ba?" bulalas ko sa kanya. He nodded while grinning ear to ear to me. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Anong akala mo sa akin, paanaking baboy?" Malakas s'yang napahagalpak ng tawa sa sinabi ko. Siraulo talaga... Pinagkukurot ko s'ya sa kanyang dibdib. Napapaigtad pa s'ya sa bawat mga kurot ko sa kanya. Kaagad n'ya akong binitawan at lumayo sa akin. "Awww--! Ang sakit ng pinong kurot mo babe. Wala ka namang kuko." nagpapalipat-lipat pa ang tingin n'ya sa kuko ko at sa dibdib n'ya. Sinisipat n'ya pa ang dibdib at tagiliran n'yang dinapuan ng kurot ko. "Naku, kung kuko baka tanggal 'yang balat mo. Ang dami mong nalalaman." nakairap kong sabi sa kanya. Tinawanan n'ya lang ako. Umusod s'ya palapit sa akin at muli akong inabot. Kinulong n'ya ako sa kanyang mga bisig habang mahigpit na pinigil ang dalawang kamay ko. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Nanatili kaming magkayakap sa higaan hanggang sa sumapit ang alas-sais at sabay bumangon saka naligo. May pasok s'ya ngayon ngunit parang nagustuhan n'ya ng dito na lang sa bahay magtrabaho at hindi na pumupunta pa ng opisina. Narinig ko pa noong nakaraang araw, makailang ulit s'yang tinawagan ng kanyang secretary, ng Daddy n'ya, pati ng pinagtataguan n'yang mga kaibigan. Hinahanap na s'ya sa opisina ngunit hinayaan n'ya lang ang mga ito. Nagkibit-balikat na lang din ako tutal s'ya naman ang magtatrabaho at hindi ako. Saka kahit sa akin ayaw n'ya ring makinig. Kahit pinagtutulakan ko na s'yang pumasok ng opisina. Inaamin ko na gusto ko rin na nandito s'ya at kinukulit ako. Nami-miss ko s'ya lagi at ngayon lang din kami naging okey at naging masaya. I mean, 'yong walang away, walang gulo, walang sama ng loob at iyakan, walang babae. Kaya sinamantala na naming dalawa. Pinasyal n'ya rin ako sa Resort ng kaibigan n'yang si James kung saan daw s'ya nagtrabaho noon ng mag-away sila ng Daddy n'ya dahil ayaw n'yang tanggapin ang pwesto as CEO sa kompanya nila at lumayas siya ng kanilang bahay. Nalaman ko rin na car racer pala s'ya dati. Kaya pala noon bago kami ikasal pinagtawanan n'ya lang ako ng magtititili ako sa subrang takot at nerbiyos sa bilis ng pagpatakbo n'ya ng sasakyan papunta sa bahay ni Uncle Robert. Tapos ang dami n'ya pang collections na DVD disc na pang racing. Pinagtawanan ko pa nga s'ya dati e at pinag-isipan na parang bata. Nagkamali ako sa naisip ko tungkol sa kanya. 'Yon pala parte ang lahat ng mga 'yon ng buhay n'ya. Habang tumatagal lalo akong naa-amazed sa mga nalalaman ko tungkol sa buhay n'ya, sa pagkatao n'ya. Akala ko puro kalukuhan lang ang kanyang alam. Dumeritso ako ng kusina at nagluto ng agahan namin. Pagkatapos ko magluto at maihanda ang pagkain sa mesa ay tinawag ko na s'ya para makakain na kami. Lumabas s'ya ng kwarto bitbit ang laptop n'ya at cellphone. Pinatong n'ya ang mga ito sa ibabaw ng glass center table sa sala at dumeritso ng kusina. Nakatayo ako sa b****a ng pintuan ng kusina habang inaantay s'ya. Inakbayan n'ya ako pagdaan n'ya sa harapan ko kaya kaagad naman akong napasunod sa lakad n'ya papunta sa upuan n'yang inuukupa sa harap ng mesa. Hinatak n'ya ito habang hindi ako binibitawan. Kahit anong tanggal ko ng braso n'ya na nakapatong sa mga balikat ko ay hindi ko ito matanggal-tanggal. Hinihigpitan n'ya pa lalo. Kaagad s'yang naupo sa hinatak n'yang upuan. Nagulat pa ako ng paupuin n'ya akong patagilid sa kandungang n'ya. Kaagad nagsalubong ang mga kilay ko sa ginawa n'ya. "Nasa lamesa tayo at kakain." sabi ko at kaagad ng tumayo ngunit napaupo din akong muli ng hatakin n'ya ako pabalik. He chuckled. Dumukwang s'ya sa harapan ng mesa at nilagyan ng kanin at ulam ang plato n'ya. Nakakunot-noong nakasunod lang ang mga mata ko sa bawat galaw n'ya habang nakangisi sa akin. Ang daming nalalaman ng lalakig 'to. Masyado ng OA. Nagsimula s'yang kumain samantalang ako nakatagilid na nakaupo lang sa kandungan n'ya at pinapanood s'ya. Nagrarambulan na ang mga alaga ko sa tiyan sa amoy ng pagkain na nasa harapan ko ngunit hindi n'ya ako pinapaalis para lumipat sa upuan ko sa kabilang ibayo ng mesa. Umiiling na inabot ko na lang ang plato ko at nilagyan ito ng kanin at ulam. Nabubwesit ako sa kamay n'yang naglulumikot sa mga hita ko habang kumukuha akong pagkain. Nililingon ko s'ya at tinitingnan ng masama sa ginagawa n'ya ngunit tinatawanan n'ya lang ako. Sige lang ang kain samantalang bwesit na bwesit na ako sa pang-aasar n'ya. Bumuntong-hininga ako at nagsimula ng kumain. Ngunit ng isusubo ko na ang pagkain ko, kaagad hinawakan ng kanyang kamay ang aking braso at sa bibig n'ya sinubo ang kutsara kong may laman ng pagkain. Dismayadong tiningnan ko s'ya. Ngunit nginisian n'ya lang ako. Nakatitig pa s'ya sa akin habang ngumunguya. Parang bata... pinagtitripan n'ya na naman ako..! "Ano, ikaw lang ang kakain hindi mo ako pakakainin?" inis kong sabi sa kanya. Pero hindi s'ya natinag at nanatiling nakangisi sa akin. Kinuha n'ya ang kutsara sa kamay ko at nagsandok ng pagkain saka iniumang sa bibig ko. Nagpalipat-lipat pa ang mga mata ko sa kutsarang may pagkain na nasa harapan ko at sa nakangisi n'ya pa ring mukha. "Say, ah..." sabi n'ya at ngumanga pa. "'Wag mo akong pinaglululuko d'yan Wayne at nagugutom na talaga ako." "Ibuka mo na 'yang bibig mo at sinusubuan na nga kita. Nag-iinarte..." Kaagad kong sinubo ang kutsarang may lamang pagkain at matalim na tinitigan s'ya habang ngumunguya. Ako pa talaga 'tong maarte? Ang daming nalalaman sa buhay ng lalaking 'to, sarap tirisin... Hanggang sa tuluyan na akong nainis sa kanya at nabibitin ako sa paisa-isang kutsara n'ya. Susubo sa akin tapos sa kanya naman. Hanggang sa sarili n'ya na lang ang sinusubuan at 'di na ako pinansin pa. Malakas s'yang napahagalpak ng tawa ng padabog akong kaagad na tumayo at umalis sa pagkakaupo sa kandungan n'ya. Pinakawalan n'ya naman ako at hinayaang lumipat sa kaibayo ng mesa at naupo sa upuan doon paharap sa kanya. Halos umalog pa ang mga balikat n'ya kakatawa sa akin. Inirapan ko s'ya at kaagad din akong napangisi ng masamid s'ya. Nagmamadali pa n'yang inabot ang baso n'ya ngunit kaagad ko s'yang inunahan. Hindi ko sa kanya binigay pati ang pitsel na may lamang tubig. Salubong ang mga kilay na kaagad s'yang tumayo at lumapit sa akin. Malaki s'yang tao at mahahaba ang mga braso n'ya kaya talo n'ya ako. Kaagad n'yang kinuha ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa kamay ko at doon na mismo uminom. Halos mangalahati n'ya ang laman niyon. Umiiling na binalingan ko na lang ang pagkain ko at sinimulang kumain. Napapitlag pa ako ng humalik s'ya sa pisngi ko. Nilingon ko s'ya habang ngumunguya. Magkapantay ang mga mukha namin. He smirked while staring at me. "Sa balcony lang ako. Will do some work. Puntahan mo na lang ako do'n pagkatapos mong kumain, hmmm." "Tapos ka na bang kumain?" nagtatakang tanong ko at kaagad nilingon ang plato n'yang ubos na pala ang laman. He nodded. Umayos s'ya ng tayo at lumabas ng kusina. Nasundan ko na lamang s'ya ng tingin. I just shrugged my shoulder at pinagpatuloy na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain, niligpit ko ang mga pinagkainan. Hindi ako dumeritso ng balcony. Pumasok ako ng kwarto at kinuha ang phone ko. Muli akong lumabas at naupo sa sofa sa may sala. Binuksan ko ang messenger ko at nag-video call sa GC namin. Kaagad sumagot si Sheeva. Naglalakad ito papasok ng banyo. Ang gulo pa ng buhok at humihikab. Mukhang kakagising lang ng bruha. Napangiti ako. "Tinanghali ka ata ng gising? Hindi ka ba pinatulog ni Ivan?" lumapad lalo ang ngisi ko ng irapan n'ya ako. Hmmmm.. masama ata ang gising.. Nilagay n'ya ang phone sa gilid ng lababo sa loob ng banyo at inabot ang toothbrush. "Bwesit ang lalaking 'yon. Naka-block na nga ang number n'ya sa akin, pumapalit naman ng bagong number. Iwan ko kung nakailan na ba 'yong palit. Tapos alam n'ya pa ang telephone number namin dito sa bahay. Nagpaalam pa kay Dad kung pwede ba daw akong ligawan. Bwesit...araw-araw akong pinipeste." nakasimangot n'yang sabi habang nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush n'ya. Binasa n'ya ito ng tubig at nagsimulang magsipilyo. Malakas akong napahalakhak sa sinabi n'ya. Sunod-sunod naman nagsipag-join sa video call ko ang apat. Napangisi ako lalo ng makita kong nasa higaan pa sina Rose at Bea. Nakatakip ng kumot hanggang bibig si Rose, samantalang kumukusot naman ng mga mata si Bea habang humihikab. Si Caitlin naman nasa kusina kumukuha ng pagkain. Si Creziel parang nasa garden. Nagdidilig ng mga halaman. "Bakit ang aga mo mambulabog bruha?" nakasimangot na sabi ni Rose. I chuckled. "E maaga akong nagising e. Kaya nambulabog ako at namimiss ko kayo." sabi ko. "Asus, maniwala sayo. Hindi ka nga pumupunta do'n sa Restaurant ilang araw na. Sabihin mo, maaga kang ginising ng asawa mo kaya ganun. Pinagpalit mo na kami d'yan sa asawa mo ah." sabad naman ni Criezel. Kaagad namula ang mukha ko sa sinabi n'ya. Sabay-sabay pa silang naghagalpakan ng tawa at pinagkakantiyawan ako. "Ninang ako kapag nagka-baby na kayo ah." tudyo pa sa akin ni Sheeva. "Anong ikaw lang? Lahat tayo noh." sabad naman ni Cait. "Kapag hindi mo kami sinama sa ninang list mo, magkalimutan na tayo." nakasimangot n'yang sabi habang kumakain. Parang sa labas ng bahay s'yang kumakain dahil kita ko sa background n'ya sa likod ang asul na langit. "Oo nga." "Yes tama." "Korek at 'wag ka ng makatawag-tawag pa sa amin." Sabay-sabay namang sabad nina Rose, Bea at Criezel na ikinatawa naming lahat. "May isusuot na pala kayo sa Seniors Night Ball natin bukas?" maya-maya tanong ni Cait. "Wala pa ako e." sabi agad ni Sheeva. "Wala din ako." sigunda naman ni Rose. "Ako rin." sabi ni Bea. "Ako rin wala. Ikaw ba Sam, meron ka na?" sabi ni Criezel. I rolled my eyes. "Maniwala sa inyong wala. Meron kayo kaso ayaw n'yo lang gamitin dahil gusto n'yo bago." Sabay-sabay na naman silang naghagalpakan ng tawa sa sinabi ko at nagkanya-kanya ng dahilan. Napailing na lang ako. Iba talaga kapag anak mayaman. Sunod sa layaw. "Shopping tayo ngayon." nakangiting sabi bi Cait. "Sige ba... basta libre mo kami." chorus pang sabi namin sa kanya. Biglang nag-freeze sa ere ang kamay nitong akmang isusubo sa kanyang bibig ang pancake na nasa tinidor. Nakanganga pa ito habang natitigilan na tinitigan kami sa screen. "Sure kayong pupunta lahat?" seryoso n'yang tanong sa amin. "Oh yes!" "Syempre naman!" "Aba oo!" "Yes na yes!" "Gora din ako!" Sabay-sabay ulit naming sagot sa kanya. Nakangisi s'yang ngumunguya habang nakatingin sa amin sa screen ng phone n'ya. Para naman kaming mga timang na nag-aantay ng kanyang sasabihin. "Sige--" Kaagad kaming naghiyawan sa sagot n'ya at hindi na s'ya pinatapos pa ngunit kaagad din kaming nagsitigil sa pag-iingay namin ng sumigaw s'ya sa kabilang linya. "Hindi pa nga ako tapos. Excited naman kayo masyado!" nakairap n'ya pang sabi sa amin. Tinawanan lang namin s'ya at inantay muli kung ano pa ang sasabihin n'ya. "Pabitin naman 'tong si Cait. Sabihin mo na kasi agad." kumakamot pa sa leeg na reklamo ni Sheeva ng hindi magsalita si Cait sa kabilang linya at patuloy lang itong kumakain. She smirked. "Ang sasabihin ko sana is, sige ako ang bibili pero..." "Pero..." sabay-sabay ulit na sabi namin. "Pero kayo ang magbabayad. Ako lang ang bibili." sabi n'ya. Malakas itong napahalakhak ng magsipag reklamo kami. Biglang nawala sa screen si Sheeva. Iwan kung saan pumunta. Kaagad ko rin nilagay sa mute ang tawag ng makita kong dumaan si Wayne sa harapan ko. Nakangiti s'ya habang nakatingin sa akin at naglalakad papunta ng kusina. I smiled back at him. Sinundan ko s'ya ng tingin. Pagbalik n'ya may bitbit na s'yang isang baso at petsil na may lamang tubig. Kaagad akong tumayo at hinarang s'ya. Yumakap ako sa kanyang baywang at nakangiting tiningala s'ya. Nakataas naman ang dalawang braso n'yang may hawak ng petsil at baso. Nakangiting nakatunghay s'ya sa akin. "Pwede ba akong lumabas ngayon?" paalam ko sa kanya. Biglang naglaho ang ngiti n'ya sa kanyang mga labi at nakakunot-noong tinitigan ako. "At bakit, saan ka pupunta?" "Makikipagkita ako sa mga friends ko. Bibili--" "Samantha..! Nasaan ka na..?!" kaagad akong napalingon sa sofa ng marinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko sa phone ko na nakaloud speaker. Tiningnan ko s'ya muli. "Magpapaalam muna ako sa kanila ha. Pupuntahan na lang kita sa balcony, okey?" sabi ko. He nodded. Kaagad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at nagmamadaling naglakad pabalik sa sofa at naupong muli doon. Hinarap ko ang mga kaibigan ko na nasa kabilang linya. Natawa pa ako sa mga itsura nila. Ngunit kaagad rin akong napalingon ng makita ko sa peripheral vision kong nanatili lang s'yang nakatayo doon habang nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat s'ya at umiiling na naglakad na palabas ng balcony. I unmute the call at matamis ko silang nginitian. "Ikaw na bruha ka ang dami mo talagang lihim sa amin. Bakit ba ayaw mong ipakilala 'yang asawa mo sa amin ah? Mukha bang uranggutan 'yan at tinatago mo?" sabi ni Rose. I laughed. "Alam kong uungkatin n'yo lang ang mga ginawa n'ya sa akin dati kaya saka na lang. Kilala ko kayo." sabi ko na ikinatawa nilang lahat. Sabi ko na nga ba. Mga sira talaga.. Ilang minuto pa kaming nag-usap-usap sa plano namin ngayong araw bago nagpaalam sa isa't isa. Nakangiting nilapag ko sa center table ang cellphone ko at kaagad ng tumayo. Dumeritso ako ng balcony. Naabutan ko si Wayne na nakaupo sa upuan sa sulok ng balcony malapit sa pool. Nasa ibabaw ng mesa sa harapan n'ya ang kanyang laptop. Matamang nakatitig doon. Hmmmm, busy...? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumayo sa likuran n'ya. Nagulat pa ako ng pagsilip ko mukha ko ang nakita kong nasa screen ng laptop. Napangiti ako. Kaagad kong pinulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg and kissed his cheeks. Nagulat pa s'ya sa ginawa ko at bahagya akong nilingon. Napahawak s'ya sa mga braso kong nakapulupot sa leeg n'ya. "So tell me Mister, bakit tinititigan mo ang picture ko, hmmm? Akala ko ba nagtatrabaho ka?" He chuckled. "Saan ba kayo pupunta ng mga kaibigan mo?" "Umiiwas ka lang sa tanong ko e." "Pwede ba akong sumama..." "'Wag na, bibili lang naman kami ng susuutin namin na damit para sa Seniors Night Ball namin bukas." "Oh, that... damn, I forgot." sabi n'ya at nilingon ako. Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa leeg n'ya. Halos maduling pa ako sa subrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Tumatama sa mukha ko ang mabango at mainit n'yang hininga. "Ako na lang ang bibili..." "'Wag na nga kasi. Ililibre daw kami ni Cait." kaagad nagsalubong ang mga kilay n'ya sa sinabi ko. Napangiti ako at kaagad hinawakan ang mga kilay n'ya. "Alam ko naman na kaya mo akong bilhan ng damit na susuutin ko. But Cait insisted. Biniro lang namin s'ya kanina. Akala ko nga pinagluluko n'ya lang din kami e, pero seryoso s'ya at dadaanan nila ako dito. Sila na din maghahatid sa akin pabalik kaya..." napatigil ako sa pagsasalita ng sunod-sunod na malakas na tunog ng doorbell ang umalingawngaw sa kabahayan. Nagtatakang napalingon pa kaming dalawa sa loob at muling nagkatinginan. Salubong ang kanyang mga kilay. Animo'y nagtataka kung sino ang panauhin namin sa labas ng Unit n'ya. "May inaasahan ka bang panauhin?" tanong ko sa kanya. "Wala naman. Kausap ko 'yong mga kaibigan ko kanina wala namang sinabi na pupunta dito. Teka at titingnan ko kung sino." sabi n'ya at tumayo. Kaagad ko s'yang pinigilan. "Ako na lang ang titingin kung sino." He sighed. "Sige, tapos bumalik ka agad dito at hindi pa tayo tapos mag-usap." I smiled at him at kaagad ng lumabas ng balcony. Tinungo ko ang Main door. Pareho pa kaming nagkagulatan at napanganga ng babaeng nakatayo sa labas ng Unit ni Wayne na aking nabungaran pagkabukas ko ng pintuan. Damn... anong... ginagawa n'ya rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD