One year later… “Hurry up, Saraya! I’ll just wait for you outside…” Nagsalubong kaagad ang mga kilay ni Saraya nang marinig ang boses ni Dwight. Hindi niya maintindihan kung bakit ang init na naman ng ulo nito. Seryosong-seryoso na naman ang mukha at mukhang madaling-madali sa pagsundo sa kanya sa school! Mag-iisang taon na silang kasal ni Dwight pero kahit kailan ay hindi niya maintindihan kung gano’n ba talaga ang buhay mag-asawa. Bukod sa hindi na siya nakakahalik sa asawa niya ay palagi pa itong busy sa trabaho! Kung alam niya lang na hindi na siya makakahalik dito kapag naging mag-asawa na sila edi sana ay hindi siya pumayag nang yayain siya nitong magpakasal! Sinabi lang naman niya na ayaw niya pang mabuntis at magkaroon ng anak ay hindi na siya nito hinalikan pa ulit! Paano nama

