Hindi matapos tapos ang pagtawa at pag ngiti ni Saraya nang sa wakas ay makilala niya ang pamilya ni Dwight. Ibang-iba ang impresyon niya sa mga ito kumpara sa mga sinasabi ng mga kaibigan niyang sina Holy at Mary. Ang sabi ng mga ito ay masusungit ang mga biyenan at mahihirapan siyang pakisamahan ang mga ito. Ang sabi naman ng kaklase niyang sina Eva at Daisy ay depende raw iyon sa biyenan. May mga biyenan daw na mabait at may mga biyenan na hindi niya gugustuhin na kamustahin at dalawin. Mabuti na lang at mali ang impresyon nina Holy at Mary sa mga magulang at iba pang ka-pamilya ni Dwight. Nang makilala niya ang mga ito ay parang mas gusto niya pang kwestyunin kung ka-pamilya ba ng mga ito ang asawa niya. Masyadong palasermon at palagi na lang tahimik! Simula noong kinasal sila ay i

