“Dwight, tapos na akong maligo…” Mariing napapikit si Dwight nang marinig ang pagtawag ng asawang si Saraya. Kanina pa siya parang masisiraan ng ulo sa kakaisip kung paanong iiwasan na matulog sila ni Saraya sa isang kwarto at magtabi sa isang kama ngayong gabi. Lalo na at mukhang wala talaga itong balak na hayaan siyang gawin ang gusto dahil wala sila sa condo niya. Kanina ay nagsabi itong maliligo kaya dali-dali siyang humiga sa kama para pilitin ang sarili na mauna nang matulog dito. Pero natapos na si Saraya at lahat sa paliligo pero siya ay hindi pa rin nakakatulog! Bukod sa masyado pang maaga kaya hindi pa siya inaantok ay buhay na buhay ang dugo niya dahil sa nainom na wine kanina. Hindi niya kayang matulog kaagad pero kailangan! Kung hindi siya matutulog ay kung anu-ano na naman

