Huminga ng malalim si Andra. Napakadali na alamin kung gusto niyang hulihin ang asawa kung ano ang ginagawa nito. Nangako sina Andra at Kaleb sa isa't. Hindi nila gagamitin ang skills lalo na sa personal na buhay. Mamumuhay ng normal at bibigyan ng privacy ang bawat isa, irerespeto nila ang desisyon at magtitiwala lamang dapat. Pero nagdadalawang isip siya na kung sakaling magtanong, masamain lamang ni Kaleb. “Hmm, wanna eat some sweets, kids?” Masayang tanong ni Andra sa mga anak habang inaayos ang buhok. Inabot naman ni Kaleb ang napulot ng anak at binalik ito sa holder. “Your Mom and the baby in her tummy wants some spicy foods. How is that?” bulong ni Kaleb sa dalawa. “I like spicy noodles." masayang sagot ni Akeeva, pumalakpak pa ito dahil nagustuhan ang alok ng ama. “Me too, me

