Bumalik bigla sa alaala ni Andra ang lahat-lahat ng pagtatalo nila ni Kaleb kagabi. “I'm sorry, Kaleb. Ayaw kong pumayag. Siguro naman may karapatan akong pigilan ka.” serysong turan ni Andra. Matigas ang boses at nakakuyom ang mga palad. “Of course, you are my wife,” mahinahong sagot ni Kaleb, pilit inuunawa ang bawat salitang binibitowan ng kausap. “Mamili ka. Patunayan mong mas matimbang kami ng mga anak mo kesa sa Zenia na iyan!” dagdag pa niya, galit na ang boses ni Andra ngunit sa kaibuturan ng puso ay labag din sa kanya ang papiliin ang asawa. Tiim-bagang si Kaleb, napasabunot sa sariling buhok. Hindi mahagilap kung paano mangangatwiran sa asawa. Sa tuwing masasambit niya ang Zenia na pangalan ay tila nagliliyab ang mga mata nito sa galit. Ngayon lang, ngayon lang ako magiging

