Kasalukuyang nasa airport si Andra at ang mga bata. Akala ng mga ito ay susunod ang ama hanggang sa pumasok na sila sa border gate. Habang papasok ng eroplano, palingon-lingon si Arkin. Sa murang edad, mabilis makaunawa ang dalawa sa mga nangyayari. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, labis na naapektuhan ang mga ito. Nang makarating sa America, hindi pa man nailalapat ng mag-iina ang katawan upang magpahinga, sunud-sunod na agad ang naging tanong ng mga bata. “Mommy, where is Daddy? Why is he not coming yet?” curious na tanong ni Akeeva. “He will not come with us at all.” matigas na sagot ni Andra kay Akeeva. Narinig naman ito ni Arkin kaya sumingit ito sa usapan. “What do you mean by that?” Biglang lumapit si Arkin saka tumitig sa ina. Si Arkin ay malapit sa ama. Marahil ay parehong

