“This is part of our photo shoot, what else?” Nakangiti si Kaleb dahil totoong nasorpresa ang asawa. “Kaleb, photo shoot lang pero bakit ang bongga naman.” Nagtataka siya ngunit may halong pagdududa. Naisip niya, si Kaleb ang klase ng taong hindi nagsasayang ng oras sa mga ganitong event. Hindi rin mahilig ang asawa sa mga pa-surprise. Maging siya man ay hindi mahilig sa mga pakilig moment na nauuso sa social media. Pero inaamin niya na kinilig siya kahit wala namang kumpirmasyon ang nasa utak niya. Aminado siya na walang naganap na pormal na kasalan noon. Nais lang niyang tuparin ang pangako kapalit ng extension ng buhay ng dating katipan at maging legal na isang Sorrento upang matapos na ang laro ng yumaong Pablo sa kanyang mga anak. “Masama bang bigyan ng engrandeng photo shoot

