Masaya ang naging pre-honeymoon nina Andra at Kaleb kahit na nagkaroon sila ng pangit na karanasan. Para sa dalawa, kaakibat na talaga ang gulo at mas iniisip na lang ang magagandang experience. Safe silang nakarating ng Spain. Sa airport pa lamang ay sambakol na ang mukha ni Akeeva habang magkasalikop ang mga kamay sa dibdib. “Mom, Dad. I am so mad at you.” agad na salubong na sabi ni Akeeva, inikot pa ng bata ang mga mata habang naka-nguso ito. “Eeva, they are here already. Cut that crap, will you?” Sita ni Arkin sa kapatid, agad na niyakap ang magulang isa-isa. “We missed you so much, that's why.” humalik din si Arkin sa pisngi ng magulang. Nakasimangot pa rin si Akeeva habang pinapanood ang kapatid. Labis na nagdamdam si Akeeva dahil imbes na dalawang linggo lamang sila na naghih

