Abala si Mina sa pag-i-inspection sa kanilang mga stocks nang tumunog ang beep tone ng kanyang cell phone. May nagpadala ng mensahe sa kanya. Agad niyang kinuha iyon at tinignan kung sino. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang mabasa ang pangalan ng nagpadala nang message sa kanya—si Clint. Binasa niya ang mensahe nito. Mas lalo pa siyang napangiti nang mabasa niya ang nilalaman niyon. Ngunit bigla rin napawi nang maisip niya ang reaction niya. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang kasiyahan na biglang umusbong nang sabihin nito na makakadalo ito sa araw ng kaarawan ng nanay niya. Noong isang araw ay panay ang tanong ng tatay niya kung nagsabi na raw ba si Clint kung makakadalo ito sa kaarawan ng nanay niya. Wala siyang maisagot dahil bukod sa hindi niya ito nakikita sa school tuwing sinus

