bc

Herrera Clan Book 1: Fixing a Broken Heart ( Tagalog)

book_age18+
2.1K
FOLLOW
10.1K
READ
family
fated
friends to lovers
goodgirl
independent
confident
drama
friendship
discipline
passionate
like
intro-logo
Blurb

Isang dalagang ina si Mina. Hindi siya pinanindigan ng ama ng anak niya, pero ganoon pa man ay inalagaan at ibinuhos lahat ang pagmamahal niya sa kanyang anak.

Sa pamamasyal nilang mag-ina sa Baguio ay may isang pangyayari na hindi inaasahan ni Mina, ang makapulot ng isang batang lalaki. Hindi siya nangimi na ito'y tulungan upang mahanap ang ama nito dahil alam niya ang pakiramdam ang mawalay sa isang anak.

Clint Herrera is happened to be Drake's father, ang batang natagpuan ni Mina sa Baguio. Isang mayaman na Businessman ngunit may mapait na karanasan sa pag-ibig.

Sa kanilang pagtatagpo ay mababago ang takbo ng kanilang buhay. Dahil sa insidenteng nangyari sa Baguio ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mapalapit sa isa't isa.

Ngunit paano kung isang araw ay may isang taong nagbabalik mula sa nakaraan ni Clint at bigla na lang siyang ma-left out sa buhay nito? Paano niya kakayanin ulit ang pagkabigo sa pag-ibig sa pangalawang pagkakataon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKANGITI siya habang pinagmamasdan ang anak, parang kailan lang nang ito’y sanggol pa, ngayon ay walong taong gulang na ito. Sadyang napakabilis ng panahon. Si Mina ay isang dalagang ina, kahit mahirap ang pagiging single parent ay sinikap niyang mapunan ang kakulangan ng ama sa anak, sa tulong at suporta na rin ng kanyang pamilya. Aaminin niya na sobrang hirap ng pagiging single parent pero kinakaya niya lahat para sa anak. “Ma, ang ganda-ganda po dito sa Baguio, saka ang lamig,” tuwang-tuwa na sambit ng kanyang anak. Kararating lang nila sa hotel kung saan sila naka-check in at pangalawang araw na nila ngayon. “Oo nga, anak. Alam mo ba na ngayon lang din ako nakapasyal dito?” parang nahihiya pang amin niya sa anak. “Bakit naman po, Ma? Hindi ka ba namamasyal noon?” “Hmmm... Kasi, anak, pag-aaral lang ang inaatupag ko noon, saka walang budget para sa pamamasyal,” sagot niya rito. “Saan ka lang po nakakapasyal no’n, Ma?” “Hanggang sa Manila lang, anak, at sa atin.” “Eh, ‘di ngayon po may maidadagdag na po kayo sa listahan n’yo sa mga lugar na napasyalan n’yo na po, Mama,” nakangiting sabi ng anak niya. Ginulo niya ang buhok nito saka hinalikan sa noo. “Saan mo ba gusto mamasyal bukas?” “Hmm... Gusto ko sa may mga bangka, Ma. Gusto ko subukan sumakay do’n,” excited na sagot nito sa kanya. “Oo sige, ’yon ang pupuntahan natin bukas. Kaya magpahinga na tayo ng maaga ngayon para may lakas tayo mamasyal bukas, okay? Magpalit ka na ng damit,” sabi niya sa anak. Tapos na rin silang kumain ng dinner dahil bago sila bumalik sa tinutuluyan nila ay kumain na sila sa labas. KINABUKASAN ay sa Burnharm Park sila namasyal ng anak niya at tulad ng request ng kanyang anak ay sumakay sila ng bangka. Iyon na rin ang huling araw nila sa Bagiuo. “Ma, nakakahilo po pala sumakay ng bangka,” sabi ng anak na hawak-hawak pa ang noo. “Kaya mo pa ba? Sabihin mo lang, anak, at bababa na tayo. Hindi ka ba nasusuka?” nag-aalalang tanong niya. Nang paluwas nga sila ng Baguio ay sumuka ito. Hindi kasi ito sanay sa biyahe lalo na at zigzag ang daan paakyat. “Sige, Ma. Baba na po tayo. Baka sumuka na naman ako, eh. Nakakahiya. Magkakalat ako dito,” bulong ng anak niya saka ngumiwi sa sinabi. Bumaba na lamang sila sa bangka. Naglakad-lakad na lamang sila at kumuha ng mga pictures para may remembrance silang mag-ina. Ito kasi ang unang out of town nilang mag-ina dahil naging busy siya sa trabaho at wala pa siyang sapat na ipon noon upang maipasyal ang anak. “Anak, baka nagugutom ka na?” tanong niya sa anak. “Gusto mo ba kumain muna?” “Hindi pa po. Mamaya na lang, Ma. Pa-picture po muna tayo doon, ang ganda po ng view,” yaya ng kanyang anak na ang tinutukoy ay sa may maraming bulaklak na iba-iba ang kulay. Habang naglalakad sila papunta sa isang park na puno ng mga bulaklak ay may nakita siyang isang batang lalaki na umiiyak, sa tantya niya ay nasa apat o limang taong gulang ito. Nilapitan nila ito at kinausap. “Bata, nawawala ka ba?” tanong niya sa bata na patuloy pa rin sa pag-iyak. Pero hindi sumagot ang bata bagkus ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Kaya kinarga niya ito at inalo-alo. “I-I can’t find my Daddy,” sabi ng bata nang sa wakas ay medyo tumahan na ito sa pag iyak. “Diyos ko! Inglesero ang bata, masasabak pa yata ako nito sa pag-English, ah,” gulat na bulong niya sa sarili. “Where’s your Daddy?” tanong niya sa bata. “And what happened?” Kumunot ang noo niya kasi parang may naririnig siyang humahagikhik sa tagaliran niya. Nang tingnan niya kung sino, nakita niyang tumatawa ang anak niya. Napataas ang isa niyang kilay at tinanong ito. “Bakit ka tumatawa riyan, anak?” nagtatakang tanong niya. “Ma, magsabi lang po kayo, ha? May dala po akong panyo dito, baka dumugo po ‘yong ilong n’yo,” pabulong na sabi ng anak niya sa kanya. Kahit siya ay natawa sa sinabi nito dahil iyon din ang naisip niya. “’Wag ka mag-alala, Anak, laging handa si Mama. Marami akong baon na English,” pagsakay niya sa biro nito saka bumaling sa batang umiiyak. “Hush! Stop crying, baby! Don’t worry, we will help you find your Daddy. Okay?” pagbibigay assurance niya sa bata para tumigil na ito sa pag-iyak, saka niya pinunasan ang mga luha nito sa pisngi. “By the way, what’s your name?” tanong niya. Hindi pa pala niya naitatanong kung ano ang pangalan ng bata. “Drake,” pahikbi-hikbing sagot ng bata. “How old are you, Drake?” Hinahagod-hagod niya ito sa likod upang iparamdam dito na wala na itong dapat ipag-alala. “I’m five years old,” sagot nito. Tama ang sapantaha niya na nasa apat o limang taong gulang ang bata. “Hello, Drake! My name is Mina and this is my son JB,” pagpapakilala niya sa kanila ng anak sa bata. Ngumiti naman ang anak niya dito bilang pagbati. Ngunit hindi ito sumagot, nakamasid lang ito sa kanilang mag-ina. “Are you hungry?” tanong niya ulit dito. “You want something to eat?” “Opo,” napa-letrang O ang bibig niya dahil sa pagsalita nito ng Tagalog. “Marunong ka pala mag-Tagalog? Akala ko hindi ka nakakaintindi, eh.” “Yes po. Marunong po ako mag-Tagalog, tinuruan po ako ng daddy ko at dating yaya ko po,” magalang na sagot ng bata. Mukhang naging panatag na ito sa kanila kahit papaano. “Mabuti naman kung gano’n,” tanging nasambit niya. Atleast, hindi na siya mahihirapan makipag-usap dito. Marunong naman siya magsalita ng English, kaya lang hindi siya sanay dahil hindi naman iyon ang palagi niyang ginagamit. Mayamaya ay bumaling siya sa kanyang anak. “Anak, okay lang ba sa’yo na maglakad-lakad muna tayo para hanapin ang daddy niya?” Alam niya na nagpunta sila doon para mamasyal pero kailangan din nilang tulungan ang bata dahil nawawala ito. Kargo de konsensya pa niya kung pababayaan niya lang ang bata. “Ok lang po, Ma. Kawawa naman po siya, eh,” nakakaunawang sagot ng anak. “Salamat, anak,” nakangiting sabi niya sa anak sabay halik sa noo nito. “Tara na,” yaya niya sa bata saka hinawakan sa kamay ang anak at nagsimula ng maglakad. Binilhan niya muna ito ng pagkain bago nila sinimulan maglibot baka sakali makita nila ang daddy o ang yaya ng bata. Habang naglalakad ay inusisa niya ito kung paano ba napawalay sa mga kasama. “May kausap po kasi sa cell phone si Daddy. Iniwan po ako kasama ng yaya ko pero si Yaya may kausap din po sa cell phone tapos po may nakita po akong nagtitinda ng balloons. Gusto ko sana magpabili pero hindi po ako pinapansin ni Yaya kaya sinundan ko po,” mahabang paliwanag ng bata. Medyo nakaramdam siya ng inis sa daddy at yaya ng bata. Sa edad nito dapat ay hindi nilulubayan ng tingin o ‘di kaya’y laging hawak sa kamay para hindi mapawalay sa kasama. Napakadelikado pa naman ng panahon ngayon. Maraming masasamang tao ang mapagsamantala. KATATAPOS lang makipag-usap ni Clint sa isang importanteng kliyente ng kompanya nila. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ng anak at yaya nito ay biglang rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya makita ang anak sa tabi ng yaya na abala sa pakikipag-usap sa telepono nito. “Yaya, where’s Drake?!” nababahalang tanong niya sa yaya ng anak. “Sir, ‘andito lang po—" sagot nito ngunit hindi na natapos ang sasabihin nang mapansin na wala na ang alagang bata sa tabi nito. Biglang nag-init ang pakiramdam ni Clint at kumabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa reaksyon ng yaya ng kanyang anak. “Nasaan? Bakit hindi mo siya binantayan ng mabuti?!” kinakabahan na sita niya. Gustong pagalitan at sigawan ni Clint ang yaya ng anak dahil sa pagpapabaya nito ngunit nagtimpi siya dahil kahit pagalitan niya ang yaya ay wala na siyang magagawa pa. Kinakailangan na niyang kumilos agad para hanapin ang anak. Baka kung ano pa ang masamang mangyari o kaya’y baka masasamang tao ang makapulot dito. Kasalukuyan silang namamasyal sa Burnharm Park ng mga oras na iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa importanteng kliyente nila. Hindi niya p’wedeng hindi ito sagutin dahil urgent daw ang sasabihin ng tumawag tungkol sa Business proposal nila. Dahil kasama naman nila ang yaya ay kampante siya na walang masamang mangyayari sa pinakamamahal niyang anak. Pero nagkamali pala siya dahil kabago-bago palang ng yayang kinuha niya ay nagpabaya na agad ito sa trabaho. Nakasanayan na ni Clint na tuwing maluwag ang schedule niya sa trabaho ay pinapasyal niya ang anak. Gusto niyang iparamdam sa anak na punong-puno ito ng pagmamahal kahit na wala itong ina. NALIBOT na nina Mina ang buong paligid malapit kung saan nila nakita ang bata pero hindi pa rin nila makita ang ama nito. Marami pa namang tao na namamasyal dahil school break at weekend nang araw na iyon kaya medyo nahihirapan sila makapaglibot-libot. Nakakaramdam na rin siya ng pagod at gutom. Sigurado siyang pati rin ang dalawang batang kasama niya ay pagod at gutom na rin. “Kumain na muna tayo?” yaya niya sa dalawang bata saka nagpalinga-linga para maghanap ng puwedeng maupuan dahil sumasakit na rin ang mga binti niya kalalakad. “Saka natin ituloy ang paghahanap sa daddy mo, Drake, pagkatapos natin kumain.” “Sige po, Ma. Nagugutom na rin po ako,” pagsang-ayon ng kanyang anak saka sila naghanap ng makakainan. Habang kumakain ay panay ang pagtitig niya sa bata. Napansin niya kasi na guwapo ito at mestisuhin ang itsura, makapal ang buhok at ganoon din ang kilay, mahahaba rin ang mga pilik mata nito. Siguro gwapo at maganda ang mga magulang nito, naisip niya habang sinusubuan ito ng pagkain.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
461.6K
bc

The Ex-wife

read
234.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
46.9K
bc

Wandering One

read
23.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

NINONG

read
393.0K
bc

Worth The Wait

read
203.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook