Story By Emjhey Moran
author-avatar

Emjhey Moran

ABOUTquote
Hello, I\'m Emjhey Moran from the Philippines, I love reading novel since I was in high school, I also tried to write my own story based on my real experienced and observation. Through writing, I have freedom to express my emotion and ideas that comes in my imagination.
bc
Herrera Clan Book 3: When I Met You (Tagalog)
Updated at Jan 17, 2023, 19:51
Pumunta sa Macau si Kiara para maghanap ng trabaho at maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay. Pero dahil pumasok siya sa Macau bilang turista at limitado lang ang pera, kailangan niyang dumiskarte gaya ng pagpunta sa mga casino para patagong mag-take out ng libreng sandwich at bottled water. Malas lang dahil isang guwapong lalaki ang nakahuli sa diskarte niya. He was Brix at gaya niya ay nakikipagsapalaran din ito sa Macau. Tinulungan pa niya ang lalaki at isinama sa paghahanap niya ng trabaho. Nagiging close na sila at malakas itong magpa-fall pero focus niya ang career at wala siyang oras magka-love life. Matapos ang isang linggo, ‘di na nagpakita si Brix. Hanggang matapos ang pananatili niya sa Macau pero ‘di pa rin siya nakakahanap ng trabaho. Umuwi siya sa Pilipinas at naging housekeeper sa isang hotel. Laking gulat niya nang makita ang bagong may-ari niyon—si Brix, ang inakala niyang hampaslupa rin gaya niya.
like
bc
Herrera Clan Book 2: Fated to Love You (Tagalog)
Updated at Jun 14, 2022, 07:23
From princess to pauper ang naging buhay ni Clarise Montana. Parang sunud-sunod ang kamalasan sa buhay niya. Namatay ang mga magulang niya, naghirap, at nabuntis pa siya sa estrangherong naka-one night stand niya. Binuhay niya ang anak niya nang mag-isa at di na niya kailangan pa ng lalaki sa buhay. Hanggang dumating si Marko Herrera sa buhay niya - guwapo, mayaman at minsan na niyang naging crush. He wanted her, pero pinili niyang itaboy ang lalaki dahil di bagay ang single mom na gaya niya dito. At higit sa lahat, 'di niya masabi sa binata ang pagkatao ng tunay na ama ng anak niya.
like
bc
Herrera Clan Book 1: Fixing a Broken Heart ( Tagalog)
Updated at Feb 17, 2022, 20:37
Isang dalagang ina si Mina. Hindi siya pinanindigan ng ama ng anak niya, pero ganoon pa man ay inalagaan at ibinuhos lahat ang pagmamahal niya sa kanyang anak. Sa pamamasyal nilang mag-ina sa Baguio ay may isang pangyayari na hindi inaasahan ni Mina, ang makapulot ng isang batang lalaki. Hindi siya nangimi na ito'y tulungan upang mahanap ang ama nito dahil alam niya ang pakiramdam ang mawalay sa isang anak. Clint Herrera is happened to be Drake's father, ang batang natagpuan ni Mina sa Baguio. Isang mayaman na Businessman ngunit may mapait na karanasan sa pag-ibig. Sa kanilang pagtatagpo ay mababago ang takbo ng kanilang buhay. Dahil sa insidenteng nangyari sa Baguio ay nagkaroon sila ng pagkakataon na mapalapit sa isa't isa. Ngunit paano kung isang araw ay may isang taong nagbabalik mula sa nakaraan ni Clint at bigla na lang siyang ma-left out sa buhay nito? Paano niya kakayanin ulit ang pagkabigo sa pag-ibig sa pangalawang pagkakataon?
like