Mabilis akong tumihaya at gigil na gigil kong pinagbabaril ang mga hayop kong kalaban. Isa-isa naman silang bumagsak sa lupa. Mabilis akong bumangon at agad na inalalayan ang lalaki para makatayo. Kahit masakit ang tagiliran ni Dakido at nagpilit pa rin itong maglakad ng mabilis para lang makaalis kami rito. Sa kakahuyan kami dumaan dahil ito lang ang puwedeng madaanan namin! Malayo pa lang kami ay naririnig ko na ang lagaslas ng tubig. Mayamaya pa’y natanaw ko ang sapa na malakas ang agos ng tubig. May tulay naman na puwedeng madaanan kaya roon kamin dumaan ni Dakido. Sana lang ay wala nang sumunod sa amin, kawawa naman si Dakido kung magtatagal pa kami rito at hindi ka agad nagamot ang sugat nito. Saka baka maubusan ito ng dugo sa katawan. Nang makalabas kami ng kakahuyan ay agad kamin

