Ano’ng dahilan at pinadukot kami ni Dakido? Kitang-kita kong ngumisi ang taong nagpadukot sa amin. Kung tama ang aking kutob ay magkakilala sila ni Dakido. Talagang pinaganda pa nito ang paglalakad habang papalapit kay Dakido. At para bang inaakit nito ang lalaki. Madapa sana nito. Naiinis kasi ako sa itsura nito. “Dakido darling, ilang beses na kitang sinabihan, ngunit binaliwala mo lamang ako. Kapag sinabi ko ay gagawin kong talaga. Pasensiyahan na lamang tayo!” galit na sabi ng babaeng dumukot sa amin ni Dakido. Yes, isang babae ang kumuha sa amin ni Dakido. At sa nakikita ko ay patay na patay ito kay Dakido. Hanggang sa bigla itong tumingin sa akin. Dahan-dahan din itong lumapit sa akin at agad na sinuri ang aking mukha. Kitang-kita kong kumunot ang noo nito. “Pamilyar ka sa akin,

