Awang na awang ang aking bibig habang nakatingin kay Xavier. Tainga naman, oh! Siya si Mr. Owtoker? Paano nangyari ‘yon? Hayop talaga! “Ikaw si Mr. Owtoker? Siraulo ka, ah! Talagang niloko mo ako?!” Gigil na gigil kong sabi sa lalaki. Ngunit parang mas galit yata ito sa akin. Hanggang sa dahan-dahang humakbang si Xavier papalapit sa akin. Bigla naman akong napaurong ng wala sa oras. “Huwag kang lalapit! Animal kang peste ka!” Ngunit agad niya akong sinandal sa pader. Kinuha ang dalawang pulsuhan ko at mahigpit na hinawakan. “Asawa pa rin kita, Helena. Tama lang ang aking ginawa. May karapatan ako sa mga bata! Matagal na pahanon mong inilihim na anak ko sina Hope, Harvel at Xylone. Gusto ko silang makasama!” Mariing sabi ni Xavier. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa lalaki

