SUBALIT napansin kong balak na baril ng kalaban ko si Mr. Acortol Jopok. Agad kong inangat ang aking paa papunta sa lumang flower vase. Pagkatapos ay buong lakas kong sinipa ang vase papunta sa hayop na kalaban ko. Kitang-kita kong tumama sa noo nito. Maliksi naman akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa sahig . Agad kong kinuha ang aking baril na silencer gun. Tama lang na ito ang gamitin ko upang hindi marinig. Saka sa hita ko lang sila binaril. May pakay pa ako sa mga ito kaya hindi pa nila oras mamatay. Agad akong lumapit sa isang lalaki. Gigil ko ring inapakan ang sugat nito sa kanyang hita. “Hindi kita papatayin. Pero ito ang iparating mo sa amo mo. Huwag siyang dugaw at lumaban ng patas!” Sabay suntok sa sikmura nito. Pinagsisipa ko rin ang isang lalaki. MAYAMAYA PA’Y agad na

