(XAVIER'S POV) TULOY-TULOY akong pumasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtanong sa mga kasambahay ko kung dumating na ba si Helena. Ngunit nalaman kong hindi pa raw ito umuuwi. Malakas ko tuloy sinipa ang pinaglalagyan ng basura. Talagang gigil na gigil ako ng mga oras na. Agad kong kinuha ang aking cellphone upang tawag ang pinsan kong si Dakido. Agad ko naman itong na-kontak. “Dakido, alamin mo kung saan naroon si Helena. Baka may alam si Paula. Kausapin ko siya. Gumawa ka ng paraan!” agad na utos ko sa aking pinsan. . “Sige ako na ang bahala, Doctor Xavier,” sagot ni Dakido. Matapos kong makausap ang pinsan ko ay dali-dali akong pumunta sa kwarto ng mga anak ko. Nakita kong busy sa pinapanood nila. “Daddy!” Dali-daling lumapit sa akin si Hope at agad nagmano. Tumingin ako kay

