(PAULA’S POV) TULOY-TULOY akong lumabas ng Mall. Mabilis na umikot ang mga mata ko sa buong paligid upang hanapin si Dakido. Agad ko naman itong nakita na naglalakad papunta sa kotse nito. Kahit nakatalikod ang lalaki ay kilalang-kilala.ko pa rin. “Sir, Dakido, sandali lamang po, hintayin mo ako!” Mas lalo kong nilakihan ang paglalakad upang maabutan si Dakido. Kailangan kong magpaliwanag sa lalaki kung bakit kumakain ko sa loob ng restaurant . Agad akong humarang sa daraanan ng lalaki. Bigla tuloy napahinto sa paglalakad si Dakido. Ngunit kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao nito at para bang naiinis ang lalaki. “Sir, Dakido. Pasensya na po talaga, ngunit ginutom lamang po ako, kaya kumain ako!” Hindi nagsalita ang lalaki. Pero nakatingin ito sa plato ko na may pagkain at hawak-hawak k

