Agad akong napalunok habang nakatingin kay Xavier. Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko sa lalaki. Hindi man lang namin namalayan ni boss Zach na may nakikkinig na pala sa aming usapan. Parang bigla kong nalunok ang aking dila. Hanggang sa bigla itong lumapit sa akin. Mahigpit nitong hinawakan ang aking pulsuhan. Walang salita na hinila ako ng lalaki papasok sa loob ng hospital. Agad niya akong dila sa hospital bed. Hindi ko alam kung ano’ng nasa isip nito. Pero nag-aalala pa rin sa akin si Xavier, dahil agad na ginamot nito ang mga sugat ko sa katawan. Ngunit naririnig ko ang marahas na paghinga ni Xavier. Saka parang bigla akong nailang sa lalaki dahil kahit salita o pagtawag sa aking pangalan ay wala na akong narinig. Pati ang aking likod ay GINAMOT din nito. Balak ko sanang tini

