Bigla akong napangiwi habang nakatingin kay Mr. Pahel. Oo nga, bakit hindi ko naisip na puwede nga pa lang malugi si Dakido. Ngunit hindi ko na ito problema. Hanggang sa biglang nagsalita ang lalaking kaharap ko. “Bibigyan pa kita ng ikalawang pagkakataon, Paula!” Mariing sabi ni Mr. Pahel. Hindi ako nagsalita. Ngunit agad nitong tinawag ang next kliyente ko. “Ayosin mo Paula!” pagbabanta sa akin ng lalaki. Hindi ako nagsalita. AGAD namang naupo sa bakanteng silya ng babae at lalaki na may edad na rin. Agad akong tumingin kay Mr. Pahel na nandito pa rin ang binabatayan ako. Oras na magkamali ako ay katakot-takot na sermon ang aking abutin kay Mr. Pahel. Umiwas na lamang ako sa mukha nitong mapatang kung tumingin. Agad akong tumingin sa dalawang tao na kaharap ko. Agad kong tinanong k

