Ngunit bigla akong napatingin sa motor na mabilis ang takbo habang papalapit sa akin. AGAD kong kinuha ang batong hindi kalakiha. Pagkatapos ay buong lakas ko itong ibinato sa lalaking sakay ng motor. Nakita kong tumama sa leeg dahilan kaya nagsimplang ito. Dali-dali akong lumapit sa apat na matatanda. Kailangan ko silang dalhin kay boss Zach. Agad ko silang inakay papasakay ng aking kotse. Hanggang sa mabilis ko itong pinatakbo. Panay naman ang tingin ko sa likuran at baka may nakasunod sa akin. Pasimple rin akong tumingin sa mga matatandang kasama ko. Kitang-kita ko ang takot sa mga muka nila. “Mga lola, doon sa kulungan na kung saan kayo nakakulong, puwede ko bang malaman kung ilang kayo roon?” tanong ko sa apat na matanda. “Noong una marami kami. Ngunit halos araw-araw ay may n

