bc

The Story Of Us

book_age18+
396
FOLLOW
4.2K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
drama
no-couple
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ano nga ba ang pakiramdam ng unang bugso ng pag-ibig? Sabi nila kapag inlove ka raw lahat nababago. Ginagawa mo, gusto mo, at pangarap mo. Simple lang naman ang gusto ni Austine Kent Mendoza, ang mag enjoy sa kaniyang pagiging kabataan. Pero, hindi niya inaasahan na sa murang edad makakasumpong na siya ng maituturing niyang totoong pag-ibig nang makakilala si Lorraine Ann Jacinto, na tubong probinsya. Noong una, akala niya lalo laro lang ang lahat pero habang tumatagal lalong lumalim ang feeling niya para sa dalaga, na kahit minsan hindi siya nito magawang bigyan ng pagpapahalaga. Ano ang gagawin ng isang dakilang heartbreaker at campus crush, para mapansin ng isang mailap na probinsyana? Sundan ang story ni Austine Kent Mendoza, at ito ang Story nila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Lumaki si Austine Kent Mendoza, sa isang marangyang pamilya na kinabibilangan ng isa sa mga kilalang tao dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Dalawa lang silang magkapatid ng mag asawang Anastasha at Miguel Mendoza. Dahil sa marangyang pamumuhay, lahat ng kanyang ninanais ay kayang-kaya makuha kahit ano pa man ito. Kahit pa nga babae ay kaya niyang makuha dahil na rin sa kanilang mala anghel na mukha at makisig na pangangatawan. Nasa ikatlong taon na ng koleheyo si Austine Kent, sa kursong business management sa kanilang mismong eskwelahan ang Mendoza University sa lungsod ng Maynila. Beep!!!!! Isang malakas na busina ni Austine sa kanyang kotse ang kanyang nabitawan at agad naapakan ang preno dahil sa babaeng biglang tumawid ng kalsada. "Badtrip!!! Traffic na nga, makaka sagasa pa ng babaeng tatanga tanga na hindi alam paano ang tamang paraan paano tumawid ng kalsada." Napahampas si Austine sa kanyang manibela habang naka tingin sa babaeng nagmamadaling patawid ng kalsada. Nasa kahabaan ng EDSA si Austine, patungo sa University ng mga oras na iyon. Dahil sa late na siyang magising kaya ito, napasubo siya sa traffic dahil rush hour na. Muling pinagmasdan ni Austine ang babaeng muntik na niyang ma bundol dahil sa biglang pagtawid mula sa pagbaba nito sa pampasaherong jeep na kanyang sinusundan. "Tsssk.... Cute mo sana, kaya lang." Hindi na natuloy sa pag sasalita si Austine dahil umusad na ang mga saksakyan sa kanyang harapan. ********* Napahawak si Lorraine sa kanyang dibdib dahil sa isang malakas na busina mula sa kotse na naka sunod sa kanyang sinasakyan na jeep. Dahil nga nakatigil naman ang mga sasakyan lulan ng traffic kaya minabuti ni Lorraine na bumaba at humanap ng paraan upang hindi siya ma late sa unang araw ng kanyang papasukan eskwelahan."Muntik na ako ah, mabuti na lang ginabayan pa rin ako ni Lord na huwag pamahamak. Kasi naman si Krisha, iniwan ako sa unit niya ayan tuloy nagkukumahog ako sa kung paano makapasok ng hindi late sa university na iyon sa unang araw ko." Isang transfer student si Lorraine sa Mendoza university sa ikatlong taon sa kursong business administration, galing siyang probinsya kung saan siya lumaki at naninirahan. Ito rin ang unang pagkakataon niyang makatungtong sa syudad sa lungsod ng Maynila. Hindi niya kabisado ang lugar, at kung paano siya sasakay ng mga sasakyan at ang tanging sandata lang niya upang makarating siya sa university na yoon ay isang note na may kasamang guide ng kaibigang si Krisha na iniwan sa mesa bago ito umalis. Kaya Napabuntong-hininga na lang si Lorraine ng marating niya ang eskwelahan ng nalalabi pa siyang ilang minuto bago mag umpisa ang kanyang unang subject ng umagang iyon. "Teka, saan ba comfort room dito?" tanong ni Lorraine sa kanyang isipan ng makapasok siya sa building. Kanina pa rin kasi siya na iihi, kaya ng nakita niya ang karatulang comfort room agad niya itong patakbong tinungo na walang paki alam sa kanyang nikalakaran. Beep!!!! Muntik na naman makabundol si Austine ng isang babaeng tumatakbo sa parking lot patungo sa comfort room. "Gosh!! Are you out of mind!?" pasigaw na sinilip ni Austine sa sa bintana ng sasakyan ang babae na muntik na n'yang mabundol. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo!? Mag ingat ka naman!" singhal muli ni Austine dito. "Hays ano ba namang babaeng ito napaka tanga," bulong ni Austine sa sarili n'ya. At saglit naman na tumingin sa kanya ang babae at napayuko. "Sorry po, sorry po." Paghingi nito ng paumanhin sabay talikod at tuloy tuloy na ito sa pagtakbo papuntang comfort room. "Aba teka. Ito rin iyong babae kanina ah, tssskk.... Tatanga tanga nga. Bakit kaya siya narito sa university? Baka maid, may kailangang ibigay sa kanyang amo. Ay naku, mabuti na lang kahit na badtrip ako gwapo pa rin at nakarating ng hindi late sa eskwelahan na ito." Napangiti si Austine habang tumingin sa kanyang salamin sa loob ng sasakyan. "Austine!!" Napatigil si Austine sa paglalakad habang patungo sa kanyang silid ng marinig ang kumpol kumpol ng mga kababaihan na mukhang kanina pa s'ya inaabagan. Hindi na bago sa kanya ito, mula pa high school lagi ng ganito ang trato sa kanya na para s'yang isang artista sa kanilang eskwelahan. Minsan nga hindi n'ya alam na may mga naging girlfriend s'yang hindi n'ya nalalaman kung Paanong nangyari. Pero, sa tanang buhay n'ya wala pa s'yang babaeng pinag ukulan ng pansin. Sa madaling salita, niligawan o, totoong naging girlfriend. kusang mga babae lang talaga ang lumalapit sa kanya at nagpapahiwatig ng motibo. Dahil sa lalaki siya, walang mawawala kung pagbibiyan niya ang mga ito sa gustong may mangyari sa kanila. ******* "Muntik na naman ako doon ah. Hays.... Ano ba kasing nakain mo Lorraine, andito ka na sa isang sikat na universidad. Wala ka na probinsya. Unang araw mo pa lang madidisgrasya ka na at makakadisgrasya ka pa saka hindi mo man lang iniisip na pangmayaman ang university na ito, kaya halos ng estudyante dito ay naka kotse. Mukha ngang ako lang ang naka jeep kanina." Tulalang kinakausap ni Lorraine ang sarili sa harap ng salamin sa comfort room dahil katatapos lng niyang umihi. Naghilamos si Lorraine at nagpulbo nang kaunti, nilagyan din niya ng kunting lipsgloss ang kanyang labi bago lumabas ng comfort room. Lakad takbo muli ang kanyang ginawa dahil alam n'yang mala-late na s'ya. Palinga-linga s'ya habang namamangha sa paligid. Ngayon lang kasi s'ya nakakita ng ganitong kagandang eskwelahan sa buong buhay niya. "Wow! Ganito pa la kaganda ang Mendoza university, para kang nasa ibang bansa. Parang katulad ng napapanood ko sa television ang mga korean novela. Ang ganda ganda. Aba teka, nasaan na ba ang building na papasukan ko? Buti naman at hindi kalayuan. Sabi ni Krisha building 2 kami at mukhang ito na nga," sambit ni Lorraine at masayang pumasok ng building. Habang pumapasok si Lorraine ng kanyang silid ng biglang may nag tiliang mga kababaihan na siyang nagulat niya at muntik pa s'yang matumba. Hindi manlang s'ya napansin na nasa may pintuan siya kaya nabungo siya ng mga kababaihang nagpapaunahang Lumabas ng silid upang makasilip sa labas ng building. "Krisha!" sigaw ni Lorraine at hindi s'ya makapaniwala na isa ang kaibigan n'ya sa tumitili sa grupo mga kababaihan. "Ano ba 'tong mga ito? Teka wait, may artista ba dito? At ganun na lamang ang reaksyon nila na parang isang grupong fansclab ng isang celebrity. Hindi magkamayaw kaka sigaw," bulong ni Lorraine sa sarili at diriditso na s'ya sa kanyang upuan kung saan nakita n'ya ang bag ng kaibigan niya. Kaya ng nakita n'ya na may bakanteng upuan na walang bag kaya alam niyang para sa kanya iyon. Mabuti pa rin ang kanyang kaibigan dahil kahit iniwan s'ya nito ay pinag reserve pa rin s'ya ng upuan katabi n'ya. "Krisha!" muli n'yang sigaw sa kaibigan at doon lamang n'ya nakita na patakbong ngiting ngiting ang kaibigan na palapit sa kanya. Maging ang mga babae kanina ay nagsipagbalik na sa kani-kanilang upuan. Na nangangahulugang paparating na ang guro. "Buti hindi ka naligaw B.F?" tanong ni Krisha kay Lorraine. B.F, means Best Friend. Yan ang tawagan nilang magkaibigan sa isat-isa. Hindi nakatugon si Lorraine sa kay Krisha dahil tumili ito ng bahagya. "Waahhhh!! Andiyan na ang 3 Angel of campus. But wait B.F, hindi mo ba sila nakita kanina? I'm sure na kapag nakita mo sila ay malalaglag ang panty mo sa pagkamagha. Para kang makakakita ng tatlong anghel na bumababa sa Lupa grabi.... Sorry B.F ha, naiwan kita, ikaw kasi nakatatlong gising na ako sa iyo ayaw mo pa rin magising. Kaya nauna na ako dito, syempre alam ko naman na alam mo na paano pumunta dito dahil nag iwan ako ng note at guide para sa iyo. Alam mo bang kaya inagapan ko ang pag punta dito para makita ko ang 3 angels lalo na si Austine my loves ko. At ang alam ko kaklase natin sila." Hinampas hampas pa ni Krisha ang balikat ni Lorraine. Pero nanatiling walang kibo si Lorraine na nagkatingin sa kaibigan. "Hmmmp.... Tahimik mo pa rin? Sorry na bestfriend alam ko naman na makakapunta ka dito sa university nang hindi maliligaw." At sa pagkakataong iyon minamasahe ni Krisha ang balikat ni Lorraine upang hindi na ito magalit at magtampo sa kanya. "Hays.. Bestfriend, kung alam mo lang ang pinagdaan ko ngayon, alam mo bang muntik na akong mabang.." Hindi na natuloy ang pagkwento ni Lorraine dahil pumasok na ang guro nila. "Good morning class." bati ng guro sa kanila. "Good morning sir," bati naman ng mga estudyante. "Ako nga pala si Arthur Cuevas, ang inyong guro," pagpapakilala nito. Habang pinapakita ang pangalan niya sa monitor ay sakto namang pumasok ang tatlong kalalakihan na parang may sariling mundo at hindi manlang nahiya dahil late na sila. Tuloy-tuloy lang sa pag pasok ang tatlo at diretso sa kani-kanilang mga kanya kanyang upuan. At parang namalik mata naman si Lorraine sa kanyang nakita nakatulala habang naka nganga ang kanyang mga labi. "Bestfriend i knew it, ganyan na ganyan din ako nang una ko silang makita. Diba makalaglag pati ahehehehee." Ipit na tili ni Krisha na habang kinabig niya si Lorraine sa balikat. At doon lamang nabalik sa ulirat ito. "Wow! Artista ba sila?" tanong ni Lorraine sa kaibigan. "Hindi, 'yang na uuna. Yan si Markus Luis Sevilla, isa sa mga anak ng may ari ng mga malalaking Mall dito sa syudad. Yang pangalawa, si Steven Shy, hindi mahiyain ha. Shy, talaga apelyedo n'ya isang 1/2 chinese. Siya lang naman nag iisang anak ng mga sikat na chinese food restaurants at mga bar dito sa syudad. At 'yang nahuhuli 'yan si Austine Kent Mendoza, siya lang naman ang isa sa mga anak ng Mendoza Airlines Shipping Company, at mga subdivisions at ang mga building na kinabibilangan ng condo unit na tinitirahan natin ngayon. But wait, sila rin ang nag mamay-ari ng Mendoza University kung saan tayo nag aaral ngayon ," paliwanag ni Krisha. "Kaya pa la ganoon na lang sila kung pumasok parang may ari ng sanlibutan at napakayaman pa la nilang tao. Sila rin ba ang tinutukoy mong 3 angels?" tanong naman ni Lorraine. "Yap," mabilis na sagot ni Krisha sa kanya. "Lorraine Anne Jacinto? Andito ba? Lorraine Anne Jacinto, andito ba?" pangalawang tawag ng guro sa pangalan ni Lorraine saka lamang narinig ni Lorraine na tinatawag s'ya nito. Na bigla pang napatayo si Lorraine, at sa gulat ay napasabing,"Ayy kalabaw andito po." Kaya nagtawanan ang buong mag aaral "Lorraine, isa akong guro hindi kalabaw. Puro ka kasi daldal. Kanina pa kita tinatawag hindi mo ba naririnig? Pumunta ka nga dito sa unahan at ipakilala mo ang sarili mo," saad ng guro sa kanya. Nahihiyang pumunta si Lorraine sa unahan habang nakayuko, dahil alam n'yang lahat ng mga kaklase n'ya ay nakatingin sa kanya ngayon. Ang iba naman nakatitig na may halong pandidiri at 'yung iba naman titig na parang may pang bubully. S'ya lang naman kasi ang my outfit na white plain t-s**t, at maong pans na pinarisan ng rubber shoes na puti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook