Chapter 8

1673 Words
Monday morning abala ang lahat para sa programa lalo na ang grupo ni Lorraine na nangasiwa para sa mga arts at tarpulen sa paligid. "Lorraine, nag almusal ka na ba?" tanong ni Austine sa katabi nitong dalaga dahil parang kanina pa ito abala sa kaka kabit ng mga welcome banner na sila mismo nag pinta sa path way ng university. "Oo, tapus na ako kanina pa. Tulungan mo na lang akong magkabit ng mga ito, maya maya kasi andito na ang mga estudyante eh ang dami pa nating dapat ikakabit." Aligang aligaga si Lorraine kahit ala singko pa lang ng umaga. "Hindi ka ba nagugutom? Ito oh kumain ka na muna at kanina ka pa d'yan, chill ka lang mahaba pa ang oras." Inabutan ni Austine si Lorraine ng pack of foods ngunit hindi naman iyon pinapansin ni Lorraine at inilagay lang sa isang tabi. "Hays naku Lorraine, tama nga si prof, kung wala kang katulong diyan sa ginagawa mo hindi mo nga kakayanin mag-isa," bulong ni Austine habang nakatitig sa dalaga na pawis na pawis na habang kumakain dahil kakatapos lang nila sa kanilang ginagawa almost 8:00 na in the morning. "Mga bro, tara na mag palit na tayo ng damit at may mga estudyante na at malapit na rin mag umpisa ang program." Yaya ni Markus sa dalawa kay Steven at Austine "Ikaw Lorraine mag palit ka na rin ng damit kanina ka pa pawis na pawis eh, ok na 'yan iwan mo na muna iyan diyan," saad ni Austine kay Lorraine. "Ok sige, salamat sa inyo Austine ha, kung hindi dahil sa inyo hindi ko ito magagawa nang maayos," tugon ni Lorraine. "Ok lang 'yan, malakas si Austine sa iyo eh, diba Austine?" Pang aasar ni Steven sa kaibigan. Ngunit parang hindi naman na gets, o naintindihan ni Lorraine ang pang aasar ni Steven dahil napangiti lang ito. Kaya si Austine napasiko tuloy kay Steven. Habang si Markus napatawa dahil sa reaksyon ni Austine. ----------------------- Nasa university ang family Mendoza, upang dumalo sa programa dahil may kunting speech bilang pa welcome sa mga bagong mag aaral ng university nila. "Look mommy, daddy ang ganda ng pagkaka ayos ng stage at kahit 'yong nasa hallway sadyang pinag isipin ng maayos," puna ni Clarkson na manghang mangha sa nakita niya sa buong paligid ng university. "Oo nga anak, infainess lalong gumanda ang eskwelahan natin diba honey?" saad naman ni Anastasha, na ina ni Austine at Clarkso. "By the way Clarkson, kanina pa wala sa bahay si Austine sabi ni manang Mildred, kuntakakin mo nga at kung saan saan naman iyon nagpupunta." Utos aman ng ama nila. "Yes dad," Agad kinuha ni Clarkson ang kanyang cellphone at tinawagan si Austine ngunit hindi naman ito sumasagot," Wait lang dad, ikot ikot muna ako ha namis ko rin kasi itong paaralan na ito, hanapin ko rin si Austine ayaw sumagot sa tawag ko eh," saad ni Clarkson Tumango naman ang kanyang ama bilang pag sang ayon. ------------- Pumasok si Lorraine sa C.R upang magpalit ng damit, paglabas niya ng C.R at pupunta na sana silid nila pero may napansin s'yang lalaki na nakatalikod parang may kinakausap sa cellphone, Nang binababa na nito ang cellphone nilapitan ni Lorraine ito at kina usap. "Austine, bakit ganyan ang suot mo? Naka formal atire ka ah mag speech ka rin ba?" tanong ni Lorraine sabay hawak nito sa braso. "Huhhh?" tanging naging tugon ni Clarkson. "Ahm.. sorry po sir, akala ko si Austine ka, kamukhang kamukha n'yo po kasi at kasing katawan. Sorry po, sorry po talaga." Napatungo pa si Lorraine sa paghingi ng paumanhin dahil napahiya siya sa lalaking kaharap niya ng napagtanto na hindi si Austine ito. "Ok lang, h'wag ka nang mag sorry at ok lang talaga, kamukha ko ba talaga si Austine, feeling ko kasi mas gwapo ako doon,"Napangiti si Clarkson kay Lorraine," By the way ako nga pala si Clarkson, Clarkson Mendoza, kuya ako ni Austine ibig sabihin kapatid ko siya." Inilahad ni Clarkson ang kanyang kamay kay Lorraine. Napatingin lang si Lorraine sa palad ni Clarkson, at bakas sa mukha nito ang pag aalinlangan. "Don't worry hindi kita kakainin, at hindi ako masamang tao saka tulad ng nasabi ko kanina eh, mas gwapo ako sa kapatid ko." Nanatiling nakalahad ang kamay ni Clarkson habang nakangiti ito. Makikipag shakehand na sana si Lorraine ng biglang may kumabig sa kamay nito. "Austine.... My dear brother, andito ka lang pala gusto ko lang sana makilala iyang babaeng nasa tabi mo, pinagkamalan niya kasi na ako ikaw. New girl, new babe mo ba or, what? Infairness ha nagbago ang taste mo, marunong kanang pumili sa ngayon." Mula ulo hanggang paa ang titig ni Clarkson kay Lorraine na s'ya namang kina ilang ng dalaga. "Pwede ba kuya, bumalik ka na doon," tugon ni Austine sabay turo sa stage na hindi kalayuan sa kanila. "Wait naman kapatid, huwag mo muna ako ipagtabuyan hindi ko pa nga nakikila 'yang new girl mo eh." Napangisi si Clarkson. "Siya si Lorraine hindi ko s'ya new girl, o ano pa man na naiisip mo ok? klasmate ko s'ya," tugon ni Austine. "Hello po sa inyo pasensya na po kayo kanina," muling saad ni Lorraine kay Clarkson. "Pwede ba huwag mo 'yang kausapin Lorraine," baling ni Austine kay Lorraine na salubong ang kilay na hinarangan pa ang dalaga. Napakunot naman ang noo ni Lorraine dahil sa biglang pagbabago ng mood ni Austine na halatang iritable. "Lorraine... Lorraine..." Malakas na tawag ni Krisha kay Lorraine. "Ahm excuse me po sa inyo, aalis na po ako," paalam ni Lorraine sa dalawa at kapwa tumango naman ang mga ito. Kaya agad siyang humakbang paalis. ---------------- "Lorraine, sino 'yong kausap n'yo ni Austine ?" tanong ni Krisha habang nakatingin sa dalawang magkapatid na papunta na ng stage. "Kapatid ni Austine si Clarkson, nakakahiya nga kanina eh, alam mo bang pinagkamalan ko siyang si Austine magkamukha kasi," Siniko ni Lorraine si Krisha dahil napansin niyang hindi ito nakikinig sa kanyang sinasabi," Hoy!! Nakikinig ka ba Krisha? Kung makangiti naman ito akala mo nanalo sa lotto," saad ni Lorraine at napakunot ang noo. "Bestfriend, ang gwapo niya ano? Ano nga ulit ang pangalan n'ya, Clarkson?" Bakas na bakas sa mukha ni Krisha ang paghanga sa binata. Lalong kumunot ang noo ni Lorraine at hindi nito pinansin ang kaibigan. "Bestfriend, sige papayag na ako, sa iyo na si Austine sa akin na si Clarkson ha? Hmmp... Huwag mo na akong tawaging bestfriend or Krisha ha, kasi from now on call me ate," nagpapacute na saad muli ni Krisha. "Hoyyy! Baliw ka ba may makarinig sa iyo akalain nila sinasapian ka ng masamang ispiritu." Hinampas ng malakas ni Lorraine sa balikat si Krisha. "Tssk... Naku Krish, nong nakaraan lang halos bulyawan mo na ako at sabunutan kasi nakakasama ko si Austine tapos ngayon para kang uod na nilagyan ng asin ng makita mo kapatid ni Austine salawahan ka girl?" Natawa si Lorraine dahil sa pabago bagong isip ng kaibigan. "Basta Rain, nag iba ang pakiramdam ko ng makita ko si Clarkson," saad ni Krisha na nanatili ang mata nito sa kinatatayuan ni Clarkson. Natawa na lang at umiling iling si Lorraine dahil sa kaibigan niya. ++++++++++++ "Bro, Kanina ka pa walang imik ah galit ka ba sa akin?" bulong ni Clarkson sa katabi n'yang si Austine na kanina pa tahimik at walang kibo nakatutok lang sa ama nilang kasalukuyang nag e-speach. "Bakit ka ba nandito kuya?" tanging tugon ni Austine. "Natural anak rin ako, Mendoza din ako at isa rin sa nag mamay-ari ng university na ito baka nakakalimutan mo," tugon ni Clarkson. "May naamoy kasi akong hindi maganda, sa tagal ng panahon ngayon ka lang ulit pumunta dito? Tsssk... nakaka panibago ha, anong balak mo?" Nanatiling seryoso ang awra ni Austine. Natawa ng bahagya si Clarkson," Gusto mo talagang malaman? So ito na nga, balita ko kasi may babae kang pinag kakaabalahan sa unang pagkakataon? Kaya gusto ko siyang makita balita ko kasi kamag aral mo. At mukhang nakita ko na kung sino?" Tumalim ang tingin ni Austine sa kapatid,"Huwag mo ngang paki alaman si Lorraine at 'wag mo nga ulit s'yang lalapitan." "Oppss... wala akong sinabi ha ." Sabay taas ng dalawang kamay ni Clarkson na waring sumusuko,"Huwag masyadong halata bro, nagagalit ka agad eh, mukhang inlove na talaga ang kapatid ko." tapik tapik pa ni Clarkson sa balikat si Austine. ------------- Kasulukuyang nasa parking Lot si Lorraine ng my tumawag sa kanyang lalaki sa kanyang likuran. "Hi Lorraine sinong hinihintay mo? Uuwi ka na ba?" "Hi po, kayo po pala sir Clarkson," bati ni Lorraine dito. "Ang pormal mo naman Clarkson na lang, uuwi ka na? Hatid na kita," pag alok ni Clarkson. "Hindi na po, may kasama po ako si Krisha may kinuha lang po siya sa room namin," tugon ni Lorraine. "So hatid ko na kayo?" muling alok ni Clarkson. "Hindi na po sir, mag ta-tax-" Hindi na tuloy ang sasabihin ni Lorraine ng tinakpan ang bibig n'ya ng kaibigan. "Ay ihahatid mo kami? Sige po, sige sakto kasi coding ang sasakyan ko now kaya dapat mag ta-taxi na lang kami. Ok lang po sa amin ni Lorraine," saad ni Krisha. "Okey kung ganoon. Sakay na kayo." Napangiti si Clarkson at agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Hindi na makatanggi si Lorraine dahil sa kaibigan na nauna pa sa loob ng sasakyan at wala na siyang nagawa kundi sumakay na rin. Sa di kalayuan, natanaw naman ng tatlong magkakaibigan sila Lorraine at Clarkson. "Bro, mukhang mauunahan ka ng kapatid mong babaero kay Lorraine ah ayon oh ihahatid na si Lorraine," saad ni Steven sabay turo kay Lorraine na kakasakay lang ng sasakyan. Nakita pa ni Austine na ngising ngisi ang kapatid n'ya bago sumakay ng kotse na lalo n'yang kinagalit parang sinasadyang asarin s'ya. "Gulo 'to," saad naman ni Markus. Nag init ang ulo ni Austine dahil sa ginawa ni Clarkson, alam nitong alam na nito ang kanyang ginagawang paglapit kay Lorraine at siguradong hindi iyon palalampasin ng kanyang kapatid na matagal na niyang kaalitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD