Episode 2

1613 Words
(Agatha) Pinapanood ko ngayon ang pamangkin ko na nagpapakalasing dahil sa ginawa ng magaling kong sister-in-law at ang adopted nito sa kanya. "Ako ang tunay na anak Tita. Pero bakit yung adopted na yun ang kinakampihan ng mga magulang ko?" puno ng hinanakit na sigaw ng pamangkin ko. hinagod ko naman ang mahaba at makintab niyang buhok. "You want me to answer that question?" "No! alam ko naman ang kasagutan diyan. Malas lang ni Daddiy hindi ako uto uto katulad ng adopted nila!" halos patawa niyang sabi. My niece is the most beautiful and smartest girl in Amsterdam, together with her friends. Pero hindi ko lang alam kung ano ang nakain ng magaling kong kapatid at mas pinapanigan nila yung adopted na yun. "Tita I am not a murderer," mahina niyang sabi sa akin. "Tita pagdating ko lang sa hagdanan nasa baba na si Samantha at walang malay!" tila batang inagawan ng kendi ang pamagkin ko ngayon. I drank my whiskey and look at her, I believe my niece. She may agressive sometimes at ubod ng pagkamaldita ay hindi nito magagawa ang pumatay o manakit ng kapwa niya. Nakuha na naming ang kanyang timplada, kaya kahit anong pagmamaldita niya ay hindi na kami nagagalit or pinapagalitan siya. "I know." tanging sagot ko sa kanya. She lowered her head at doon ko napansin ang pagyugyug ng balikat niya. Hindi ko pa rin maintindihan ang utak nitong babaeng ito. Kanina ang tapang tapang nang harapin niya ang sister-in-law ko at ang magaling niyang fiancee pero ngayon iiyak iyak. naramdaman ko ang pagring ng cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan ang caller. I smirk when I saw my Fool brothers name on screen. "Pag about ito sa adopted mo don't ever think na makikinig ako." seryoso kong salubong sa kanya.  "Ate! pamangkin mo si Samantha how many times do we have to tell you that?!" galit niyang sagot sa akin kaya napatawa ako ng pagak. "Really?! you are consoling that brat while your real daughter is suffering? tell me? ano nanamang kasungalingan ang sinabi sayo ng magaling mong asawa at ang pavictim mong adopted?"  "Ate! Claire need to pay for her crimes! pinatay niya ang apo natin!" napabuga ako sa inis dahil sa sinabi niya. "Apo n'yo lang Paulo! sino ba kasi nagsabi sayo na tanggap namin yang adopted n'yo! at bago ka manghusga dapat alamin mo muna ang totoo!" galit kong sigaw sa kanya. kapatid ko ba talaga ito? nasaan utak nito?! "Nasaan ba kasi ang batang iyon ate? she needs to come home right now! kakausapin lang naming," mahinahon na siya ngayon dahil sa pagsigaw ko kanina. But I laugh very hard, kakausapin? “Hindi ako pinanganak kahapon Paulo,” malamig kong usal sa kanya. “Ate just answer my question? Where is my Daughter?” galitin na niya ang lahat wag lang ako dahil alam na alam niya kung ano ang kaya kong gawin sa mamanahin niya sa mga magulang namin. "Nandito siya sa puder ni mommy. Kunin mo siya dito ngayon din at nang makarinig ka din mula sa kanya." paghahamon ko sa kanya. All of our family doesn't like his adopted dahil sobrang spoiled nila ito. Halos sa akin na lumaki si Hannah at alam na alam ko na kung ano ang mga hinanakit niya sa mga magulang niya, "Sino yan?" isang malumanay na tinig ang narinig ko mula sa likuran. "Ang magaling mong anak na may parasite sa bahay nila." nilakasan ko talaga na sabihin yun dahil para malaman ng lalaking ito na hindi namin matatanggap ang adopted iya. "Give me the phone." malamig niyang sabi. At walang kung ano ano ay binigay ko iyon sa kanya. binalik ko naman ang tingin ko kay Claire na ngayon ay wasted na wasted na. "Try harming my Grand daughter Paulo Buenavista! isang beses pa na makita kong nagkakaganito ang apo ko, Hindi lang ikaw ang pagbubuntunan ko ng galit ko." mahina pero may diin na sabi ni Mommy sa kanya. "Pero mom what about saman-"  "Fck that adopted of yours!" napangiti naman ako sa sinabi ni mommy. "I don't fcking care sa feelings ng adopted mo. I only care sa tunay kong apo, sa apo ko na hindi nakakalimot at tumatanaw ng utang na loob." makahulugang sabi ni Mommy at binaba ang telepono ko. "Call Francisco. I don't want my grandchild to suffer like this. Kailangan nang tuldukan ang kahibangan ng mga magulang niyan" seryoso niyang sabi at pinuntahan si Hannah.  (Claire) nagising ako dahil sa isang nakakasilaw na ilaw. "You are awake!" puno ng pag aalala ang bumungad sa akin mula kay Uwa. "Uwa?" I called her doubtly. Sa pagkakatanda ko ay nasa Luxembourg si Uwa for business purposes. "Yes apo?" nakangiti niyang sabi sa akin. hindi na ako nag atubiling yumakap sa kanya. "Uwa! you are home!" masaya kong sigaw sa kanya. "Yes apo. I am home. We are home." kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya ng puno ng kuryusidad. "What do you mean We?" nagtataka kong tanong sa kanya. She just smile at me at nanlaki ang mata ko sa narealize ko. "All of you are here?!" masaya kong tanong sa kanya. She nodded her head on me at para akong batang tumayo at tumalon talon sa kama ko. "Prepare yourself dahil magkakaroon tayo ngayon ng simple gathering dahil minsan lang tayo kung mabuo," my Uwa said with elegance. "So those monsters as also coming?" tanong ko sa kanya. "Your mom and dad are coming pero kapag sinama nila ang babaeng iyon. Sa gate palang ng estate natin hindi na sila makakapasok." seryoso niyang sagot sa akin. I know na kahit ganito ang trato sa akin ng mga magulang ko ay hindi pa rin nila makuhang itakwil ang tatay ko. "Your Tito's and Tita's are already here, Get dress and bumaba ka na." nakangiting utos sa akin ni Uwa.  Nagprepare agad ako dahil gusto ko nang makita ang mga tito at tita ko. I may be strong outside pero pagdating sa kanila ay lumalabas ang pagkasoft ko.  bumaba na agad ako matapos ang ginawa ko paghahanda. Tumambad sa akin ang malakas na tawanan ng mga tito ko mula sa garden at hagikhik ng mga tita ko mula sa sala. "Tita!" masaya kong tawag sa kanila. "My dearest Claire!" masaya rin nilang salubong sa akin. "Tita Agatha bakit hindi mo naman sinabi sa akin na uuwi silang lahat ngayon," asar kong sabi kay Tita Agatha na ngayon ay cool na umiinom ng wine. Ang aga aga wine agad ang tinungga ng babaeng ito. "Masyado kang wasted kagabi kaya hindi ko na sinabi about ditto," she casually said. "What? uminom ka kagabi Claire? anong nangyari?" nag aalalang tanong sa akin ni Mama Flor. napakamot naman ako sa sunod sunod na tanong ni Mama Flor sa akin. Akmang sasagot naman ako sa kanya. "Mamaya n'yo na yan tanungin pagdating nang magaling niyang tatay." seryosong sagot ni Uwa na ngayon ay kakalabas lang mula sa kusina at nagpapahid pa ng kamay niya. "Ano nanaman ba ang ginawa ng sampid na iyon?" inis na sabi ni Mama  Flor sabay inom ng tubig. "Oh. Claire? naku ang batang ito sobrang laki na!" isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likod ko kaya tinignan ko ito. "Tito Jake!" excited kong tawag sa kanya. Lumapit ako sand I embrace him. "Kumusta kana?"  "I am fine tito" galak kong sagot sa kanya. "Fine ha?" makahulugang sabi ni Tita Agatha kaya tinignan ko ito ng masakit. "What do you mean Agatha?" tanong ni tito Jake sa kanya Hindi ito sinagot ni Tita Agatha at uminom ulit ng wine "Claire?" baling naman sa akin ni Tita Jake. Hindi naman ako makasagot sa kanya dahil baka magwala ito pag nalaman nila ang ginawang eskandalo kahapon ng Nanay ko at ng adopted na iyon. "May ginawa nanaman ba si Paulo?" seryoso niyang tanong sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil ayokong pag usapan iyon. may plano na ako kung paano ko mapapabagsak ang mga magulang ko at ilalabas ko ang baho ng sampid na iyon. "Silence means yes. Ano nanamang kabobohan ang ginawa ng taong iyon?!" he roared. napatahimik naman kami sa galit ni Tito. "Tita calm down. Please." pagmamakaawa ko sa kanya.  "Mamaya mo na ilabas ang iyong galit Jake. Dadating sila dito ngayon." seryosong sabi ni Uwa. Napabuga naman si Tito Jake dahil sa galit. "Wag na wag lang nila isama ang babaeng iyon Mommy. I will raise hell pag sinama pa nila iyon." seryosong sabi ni Tito Jake sa amin. "If naging mabait lang talaga ang adopted na iyon ni Paulo. Probably we will accept her. malas lang ng babaeng iyon nalaman agad natin ang tunay niyang kulay bago pa niya mabully ng tuluyan si Claire." asar na sigaw ni Mama flor. Totoo. noong una ay tanggap ko si Samantha as my sister pero habang tumatagal ay hindi na maganda ang pakikitungo niya sa akin. marami na siyang ginawang pambubully sa akin despite the truth na ako ang tunay na anak ng mommy at daddy and everytime na may ginagawa siya sa akin. She pulled a victim card kung nasa harapan na nang mommy at daddy. Malas lang niya dahil hindi ganun kauto uto ang mga tiyahin at tiyuhin ko both sides. They despise the girl ever since nalaman nila ang pinag gagawa niya sa akin. "Maam? nasa gate na po si Sir Paulo at Maam Evangeline kasama po si Maam Samantha." magalang na sabi ng maid. "Wag mong tawagin na maam ang sampid na iyon, and the nerve na sinama sama pa talaga ng lalaking iyon na dalhin dito ang sampid niya!" galit na usal ni Uwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD