4 CHAPTER: CLUB

3013 Words
Palamunin? Those words hunt my self-esteem. Kumunot ang noo ko sa narinig mismo sa bibig ng lalaking akala mo kung makainsulto ng tao. Parang wala siyang sinasaktan. Parang walang tinatapakan. Ganito ba talaga ang mga taong nakahiga na sa pera? Masiyadong mapagmataas sa mahihirap na katulad namin. "Alonzo! Hindi kita pinalaki na maging bastos!" sigaw ni Tito Enrico. "Apologize to them." "What, Dad? It's fúcking true...Lahat ng babaeng dinadala niyo rito sa bahay. All of them are gold diggers! The last time I remembered...Ninakawan ka ng huling babae mo. And now you're bringing again some trashy woman in our house?" Napakuyom ang kamao ko sa ilalim ng lamesa. Huminga ako nang malalim, pinigilan ang sarili na huwag mangialam sa usapan ng mag-ama ngunit ang sumunod na mga salita ang mas nakaramdam sa akin ng pagkadismaya. "I heard...This woman is your fúcking costumer in the club?" Tinuro niya si Mama. "Hindi ka ba kinilabutan sa pinili mong babae? She's a slút dirty woman!" Tumayo ako nang mabilis at sinampal ko si Alonzo sa kanyang pisnge. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa mga oras na ‘yun. Parang ang hirap marinig na basta-basta na lang niyang iniinsulto si Mama. All of them were gasping of what I did. Tumabingi ang kanyang mukha. I saw red marks on his cheeks. Tumigas rin ang kanyang panga. Dahan-dahan siyang bumaling sa akin. And I saw a cut on his lips, dumugo iyon ng konti. Nanliit naman ang titig ni Alonzo sa akin. Hindi yata nito inaasahan na sasampalin ko siya sa harapan mismo ng kanyang kapatid at ama. "The f**k is your problem!" sigaw ni Alonzo sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang nangalaiti niyang titig. "Do you wanna die!?" Namula ang kanyang mukha pababa sa kanyang leeg. Parang nagpipigil ito na huwag akong saktan. But I stand firm and tall. Hindi ko kinurap ang mga mata. Hindi rin ako nagpakita ng takot. "Insultuhin mo na ang stado ng buhay namin...Huwag lang ang mama ko...Hindi mo alam kung ano'ng pinagdaanan niyang hirap para lang mabuhay kaming dalawa! Huwag mong husgahan ang babaeng nagpalaki sa akin." Hindi man lang napalitan ng panlalambot ang kanyang ekspresyon. His jaw clenched in anger. Bawat segundo na magkatitig kaming dalawa para na nitong mangangain ng buhay. "That's freaking true, woman...Your mom is a dàmn slút. Walang pili ang ama ko sa mga babae kaya kahit patapon, walang kwenta pupulutin niya!" mariin niyang sabi. He gave me a smirk. Humakbang siya palapit sa akin. Sinuri ako ng tingin. "Just like your mother... She's trash! The dirtiest woman. The slavery of money. Am I fúcking right?" Sasampalin ko sana ulit siya sa pagkat inubos niya ang lahat ng pasensiya sa loob ko. Ang hirap marinig na basta-basta na lang niyang pinamukha sa amin kung saan lang kami lulugar. Nanginginig ako ngayon. It's hard to explain what I felt. Nandilim ang paningin ko. Gusto kong sumigaw. Gusto ko siyang bastusin rin ng mga salita...Pero... "Iho, that's enough!" sigaw ng kanyang ama. "You're being too much of your words!" Napaatras ako. Nanlambot ang buto ko. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin basta narinig ko na lang ang yapak ni Tito Enrico palapit sa amin. Ganoon rin si Mama na dinaluhan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Lahat kami na alerto nang sinuntok ni Mr.Enrico si Alonzo at saka ito kwenelyuhan. "Hindi ko gusto ang pananalita mo, Alonzo! You're too much. Apologize to them!" asik ng kanyang ama. But Alonzo gave his dad a death glare. He smirked insultedly. Nagpumiglas rin ito sa paghawak ng kanyang ama sa kwelyo nito. "We're quits, Dad. Sinampal ako ng anak ng babae mo. Dapat lang sa kanila ‘yan. I don't want to apologize. They don't deserve it." "Huwag mong hintayin na palayasin kita sa pamamahay ko at kukunin ko ang lahat ng meroon ka ngayon!" Tinulak niya ang kanyang ama para bitawan siya ng tuluyan. Doon natahimik si Alonzo. He tilted his head. Huminga siya ng malalim. Nagtama ang mata naming dalawa. Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay habang may matalim pa rin sa kanyang mga titig. He smirked once again. "I think I know you, woman!" Kumunot ang noo ko. Ramdam ko ang kaba sa mga oras na iyon nang bumalik ako sa huwisyo at naalala ko kung sino itong si Alonzo. "Apologize, iho!" sindak na sabi ng kanyang ama. "Don't change the topic!" Pero iniling lang ng lalaki ang kanyang ulo. Namulsa siya. Binalingan ulit ang kanyang ama. "Dad, I can't believe you...Hindi ka talaga marunong pumili ng babaeng papakasalan. Your woman is a dancer in the club, laying a lot of fúcking men. While her daughter is our janitor... A fúcking cleaner in my Company and a scholar girl. Can't you see? They were poor. Pera lang ang habol ng mga ’yan sa'yo!" Nanlaki ang mata ko sa ibinunyag niya. Hindi ko akalain na nakilala niya ako. Bagama't hindi ko nakita ang mukha niya nu'ng araw na iyon dahil sa mga luha. Naramdaman ko ang paghawak ni mama sa akin nang mahigpit. Siguro nag-alala siya dahil kilala ako ng anak ni Tito Enrico. "What do you mean, Alonzo? Isa si Jade sa pasok sa scholarship ng Company?" Bumaling muna si Alonzo sa akin. Mas dumilim ang kanyang pinapakitang ekspresyon. "Yeah...Yesterday I fired her up because of her stupidity and cut off her scholarship. I'm against this...Kung itutuloy mo ang pagpapakasal. Hindi ako pupunta," pinal niyang sabi. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ugaling meroon ka, Alonzo...Of all my son. You are the black sheep. You are always against my decision." "Wala akong problema kung tamang babae lang ang pinili mo...Not some shits! Hindi ko matatanggap na magiging step sister ko ang babaeng empleyado ko lang. Malaking kahihiyan sa pamilyang ito na pupulot tayo ng mga taong hindi kapareho ng pamumuhay natin. It's a shame to you...and to Arandiego's name. Trust me, you will regret marrying a gold digger!" Saglit akong binalingan ni Alonzo ng tingin. Naging blangko ang kanyang ekspresyon bago siya tumalikod at lumabas ng dinning area. Naiwan naman kaming tahimik rito. Sa mga oras na ’yun nanliit ako sa sarili ko. Nahihiya ako para kay mama at para sa akin. Hanggang sa tumayo na rin si Krill at nagpaalam na aalis para ipagpatuloy ang paglalaro niya ng online games sa cellphone. Ganoon rin si Nixon...He also excuses himself. "Kakausapin ko lang si kuya Alonzo," Nixon said. Nagtama ang mata namin. He only gave me a blank stare before he went out. Hindi na sila pinigilan ni Mr.Enrico Arandiego. Hinayaan niyang umalis ang tatlo niyang anak kaya naman naiwan kami ni Mama rito. Tiningnan ko naman si Mama na mukhang frustrated rin sa nangyari. Iniling niya ang ulo. She looked disappointed in me. I saw anger on her stare. Para bang may nagawa akong mali. "I'm really sorry about what happened a while ago," paunang sabi ni Tito Enrico. "It's fine, Enrico...Mukhang malabo na matatanggap kami ng anak mo. Alam nila ang trabaho ko, alam rin nila na isang janitor lang ang anak ko sa Company mo. Actually I didn't know about it...na tinanggal pala si Jade ng anak mo sa scholarship at sa trabaho niya. Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol roon. Ngayon ko lang din nalaman na doon si Jade nagtatrabaho sa Company ng anak mo." "Huwag mo nang isipin ang tungkol sa scholarship ng anak mo, Della. Oras na makasal na tayo. Ako na ang magpapaaral sa kanya. Karga ko na ang tuition fee niya. Huwag niyo ring gawing big deal ang sinasabi ng anak ko. I'm going to talk to him later." Suminghap ako sa narinig galing kay Tito Enrico. Sino'ng mag-aakala na gusto niya pa rin kaming tanggapin. Gusto niya pa ring pakasalan ang mama ko kahit ayaw ng mga anak niya. Kahit siniraan na kami ni Alonzo. "With all due respect Tito Enrico...Mahirap po na pakisamahan ang anak niyo. Tama naman ang sinabi ng panganay niyo. Sobrang layo ng stado ng buhay namin sa inyo...Malaking kahihiyan ‘yun sa apelyido niyo dahil papakasalan niyo si Mama. Mahirap lang ho kami. Wala kaming maayos na trabaho ni mama. Pangit rin ang reputasyon ng ina ko." "Your status is not a problem to me, iha...Kahit ayaw ng mga anak ko sa inyo. Alam kong balang araw tatanggapin niya rin kayong mag-ina. They still hunt by their mother's presence. Ayaw nilang palitan ko ang kanilang ina na namayapa na. Hindi nila ako mapigilan lalo na't mahal na mahal ko ang mama mo. Isa pa, kilala ko na si Della...Naniniwala ako na ibang-iba siya sa mga babaeng nakakasama ko. Alam kong hindi lang pera ko ang habol niya." Dahil sa usapan na iyon...Tila napanatag ako na pagbigyan si Mama sa kagustohan niya na mahalin niya si tito Enrico. Wala rin naman akong magagawa. Anak lang ako at may ibang desisyon si mama. Hindi rin naman niya ako pinakialaman sa lahat ng gusto ko. Mas mabuting susuportahan ko nalang siya kung saan ito masaya. Nakikita ko naman na mabuti ang puso ni Mr.Enrico. Ang Alonzo na ‘yun ang masama ang ugali. Mapanghusga at matapobre. Kasalungat sila ng ugali ng kanyang ama. Hindi ko pa kilala ng lubusan ang magkapatid pero base sa naobserbahan ko. Si Alonzo ang pinakamalala ang trust issues. Sa gabing iyon hinatid ulit kami ng bodyguard ni Mr.Enrico pauwi sa apartment namin. Tahimik si mama sa byahe. Hindi rin niya tinanong ang tungkol sa scholarship at trabaho ko. Pero nu'ng makarating na kami ng apartment agad niyang hinawakan ang braso ko at pagalit niya akong tinitigan. "Bakit mo ‘yun ginawa anak?" Umasim ang kanyang mukha. "Ang alin, Ma?" Hinilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Iniling niya ang ulo. "Sinampal mo ang anak ni Enrico...Mabuti na lang hindi nagalit sa'yo ang boyfriend ko. Dahil kung nagkataon, hindi na matutuloy ang kasal namin. Makipaghiwalay din siya sa akin." Suminghap ako sa pagkat inaasahan ko na magiging kakampi ko siya. Hindi ko naman akalain na mas kakampihan niya pa ang pamilyang Arandiego kay sa akin na anak niya. "Binastos ka niya, Ma...Tinawag ka niya nang kung ano-ano. Ako rin, binastos niya ang stado ng buhay natin. Pinahiya niya tayo." "Ano naman ngayon, Jade. Nagtimpi ka sana ng galit mo. Sanay na ako na tinatawag na malandi, pokpok, walang delikadesa, basura. Manhid na ako sa lahat ng ‘yun. Dahil totoo naman iyon..Mali na pinatulan mo ang anak ni Enrico. Ang gusto ko lang mangyari...Ang umahon na tayo sa kahirapan." Umawang ang labi ko sa narinig. Nanliit ang titig ko sa aking ina. Hindi ako makapaniwala na tanggap niyang ganoon ang tingin ng tao sa kanya. "Ibig sabihin tama si Alonzo? Pera lang ang habol mo sa ama niya?" Doon natigilan si Mama. Namutla siya hanggang ngumiti. "Hindi sa ganoon anak...Mahal ko si Enrico...bonus na lang talaga na mayaman siya. Gusto ko lang magkasundo kayo ng mga anak niya dahil balang araw makikita mo na sila palagi." "Kung ako ang papipiliin, hindi na ako babalik sa bahay na ‘yun. Nakita mo naman kung ano'ng ugali ng mga anak niya...Oo mabait si tito Enrico, pero ang mga anak niya. Ang sama ng ugali. Hindi ko kayang makipagplastikan sa mga ganoong tao." "Huwag ka nang mag-inarte diyan, Jade. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ating dalawa. Gusto mo bang nandito lang tayo sa apartment? At gabi-gabi akong sumasayaw sa mga lalaking halang sa babae. Isa pa, si Enrico pa rin naman ang masusunod. Kahit ayaw nila sa atin, si Enrico tanggap niya tayo. Walang magagawa ang anak niya kung magpapakasal kami ng kanilang ama." Nanlaki ang mata ko. Hinilamos ko ang palad sa mukha subalit hirap akong pagsabihan sa mama para hindi niya ituloy ang kahibangan. "Magdasal ka lang diyan na kontakin pa ako ni Enrico...Baka dahil sa'yo masisira ang plano ko. Baka ayaw na nun sa akin." Iniling niya ang ulo sabay upo sa sofa. Malakas na lang akong nagbuntong hininga. She's being problematic the she sighed heavily. "Kung ganoon peperahan mo talaga ang pamilyang Arandiego? Sabihin mo sa akin ang totoo, Ma? Baka sa bandang huli...mapapahiya lang ako sa pagtanggol sa'yo sa mga anak ni Tito Enrico." Natigilan si mama. Matagal siyang sumagot bago niya ako binalingan. "Mahal ko siya...Mahal ko si Enrico. Hindi lang pera ang habol ko sa kanya. As I have said, bonus lang ‘yun kaya kung may problema ka sa pagpapakasal ko sa kanya. Kung pipigilan mo rin ako..Mas mabuti pang magkanya-kanya na tayo." Saglit rin akong natigilan. Hindi lang isang beses na sinabi ni Mama sa akin ang ganito. Palagi niya akong pinagtatabuyan sa tuwing hindi ko gusto ang mga plano niya. Iyon ang hindi ko makuha. "Ayaw ko lang magkaproblema tayo, Ma...Gusto ko lang kayong protektahan." Naglabas si mama ng sigarilyo at sinindahan iyon. Nang balingan niya ako kumunot ang kanyang noo. "Atupagin mo ‘yang pag-aaral mo. Huwag mo akong alalahanin. Alam ko ang ginagawa ko...Isa pa, bakit hindi mo sinabi sa akin na tinanggal ka sa trabaho? Pati scholarship mo. Nawala na rin? Ano bang ginawa mo, Jade?" Kwenento ko kay Mama ang buong pangyayari kung bakit nawalan ako ng scholarship at natanggal ako sa trabaho. Nakikinig naman ito. Hindi ko siya nakitaan ng galit o iritasyon sa ginawa ko. Tumango-tango lang siya. "Sa totoo lang...Hindi ko alam na anak pala ni Enrico ang may ari ng Company na nagbibigay sa'yo ng scholarship at trabaho. Pero nangyari na ang lahat...Tapusin mo na lang iyang first semester mo at ako na ang hahanap ng paraan kung paano bayaran ‘yang 2nd semester. Ayaw kong umasa kay Enrico sa ngayon lalo na't mainit ang dugo ng mga anak niya sa atin. Baka hindi pa matuloy ang kasal." "Hindi po kayo galit?" "Bakit naman ako magagalit? Hindi mo naman sinadya ‘yun. Isa pa, hindi rin natin alam na anak siya ni Enrico. Kaya naman kitang pag-aralin...Nakapag-ipon ako kahit paano." Napangiti ako sa wika ni Mama. Ramdam ko ang kaginhawaan kahit paano hindi na ako mag-alala. "Maghahanap na lang po ako ng panibagong trabaho." "Huwag ka nang maghanap...Doon ka na magtrabaho sa club na pinagtatrabahuan ko. Tiba-tiba ang sweldo mo doon at hawak mo pa ang oras mo. Mayayaman lahat ng costumer, malaki magbigay ng tip. Pwede kang mag part time doon habang nag-aaral ka pa." Nanlaki ang mata ko. "Ma, ayaw ko po na maging kagaya niyo. Ayaw kong maging dancer sa club." "Hindi ko naman sinabi na ’yun ang papasukin mong trabaho. Magiging waitress ka doon...Ilalakad kita sa boss ko para makapasok ka." "Maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho. Pwede naman ako sa mga office." "Mas malaki ang sahod doon sa club...Huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama sa'yo. Kasama mo ako doon. Walang babastos sa'yo. Mas maganda nga doon magtrabaho, above minimum wage ang pasahod ng boss ko, iba pa iyong tip na binibigay ng mga customer sa mga waiter." Naniwala naman ako kay Mama na hindi niya ako pababayaan kaya pumayag akong maging part time bilang waitress sa club na pinagtatrabahuan niya. Kailangan ko rin naman ng pera lalo na't wala na akong trabaho. Dinala ako ni Mama sa club na pinagtatrabahuan niya kinabukasan ng gabi. Sa totoo lang bago sa akin ang paligid. Maingay, mausok, maraming tao, amoy alak. Ngunit masiyadong ilegante ang bawat tao ng club. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako rito. Ito ang pangalawa. Nu'ng unang dinala ako ni Mama rito dahil walang magbabantay sa akin sa bahay nu'ng bata pa ako. Kaso meroong costumer na gusto akong bayaran para sa isang gabi. Nagalit si mama kaya hindi na niya ako pinapunta sa club. Sa pagkakaalam ko, thirteen years old pa ako nun. "Dito ka lang muna, Jade. Kakausapin ko lang ang boss ko sa loob," sabi ni mama. Tumango ako. Iniwanan niya ako sa isang upuan sa sulok at pumasok na si mama doon sa pulang pintuan na may dalawang bouncer ang nakatayo. Nilibot ko naman ang tingin sa paligid. Maraming upuan rito at halos lahat ng iyon okupado. Iba't-ibang shape ang sofa. Kadalasan puro magbarkada, family ang nandito. Halos lasing na ang lahat. Nakikita ko talaga sa mga stado ng mga ka edad ko lang na magkaiba kami ng buhay. Masaya silang tingnan dahil mapera habang nandito ako para magtrabaho. Lahat sila nagtatawanan. Nagkwentuhan at lasing na. Ang iba sumasayaw na sa mismong sofa. Kahit kita mong pariwara na ang iba sa kanila dahil sa kalasingan ngunit mababakas pa rin ang pagiging class ng mayayaman rito. May celebrities rin akong nakita. Nilibot ko muli ang tingin sa paligid. Umuusok at dark ang paligid dahil sa neon lights. Hanggang sa biglang huminto ang mga mata ko sa pinakasulok na may U-shape na sofa. May mga lalaking maiingay roon at meroon ding mga babae ang humahalo sa kanila. Nasa unahan ko lang sila. Tawag atensyon ang grupong iyon dahil sa kanilang tawanan at asaran. Nakuha rin talaga ang atensyon ko sa kanila. Bukod sa pinag-uusapan ang grupo ng iyon ng mga costumer rito. Malakas rin talaga ang karisma ng mga lalaking nandoon. Naramdaman ko ring may pares na mata ang nakatitig sa akin sa lamesa na ‘yun. Ganoon na lang ang gulantang kong nang paglihis ng mata ko sa bawat nakaupong lalaki. Halos tumigil ang tibók ng puso ko nang magtama ang titigan namin sa isang lalaki na may ka akbay na babae sa sofa habang ang madilim niyang mata ay direkta sa akin. Natatamaan ang kanyang mukha ng neon lights. Kumislot ako sa upuan nang makita ang facial expressions ng mukha ng lalaki. Bahagya niyang tinagilid ang ulo nang may binulong ang babaeng katabi niya sa kanyang tenga. Ngunit ang kanyang atensyon ay nasa akin pa rin. His eyes were sharp. Nanlisik ang titig niya sa gawi ko. Ininom niya ng diretso ang alak niyang hawak na nasa baso pagkatapos tumigas ang kanyang ekspresyon. He suddenly smirked at me na para bang nahuli niya ako sa akto. Nataranta naman ako at agad tumayo roon para umalis sa inuupuan. Ramdam ko ang takot dahil nandito ang anak ni Mr.Enrico Arandiego...Nandito ang boss ko. Nandito si Alonzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD