bc

MY STEP-BROTHER IS MY SECRET OBSESSION

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
family
HE
forced
opposites attract
pregnant
arranged marriage
dominant
single mother
heir/heiress
bxg
single daddy
office/work place
musclebear
affair
friends with benefits
assistant
actor
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng janitor at scholar si Jade Salvierra sa isang malaking Company na pagmamay-ari ng Arandiego. Hanggang sa isang aksidente ang nagdala sa kanya sa galit ng isang lalaki na masungit, strikto at makapangyarihang CEO na si Alonzo Arandiego. Sa isang iglap, nawalan siya ng trabaho at scholarship.Ngunit mas lalo pang gugulo ang kanyang buhay nang pakasalan ng kanyang ina ang ama ni Alonzo.Bigla na lang, ang lalaking galit sa kanya… ay magiging step-brother niya.

chap-preview
Free preview
1 CHAPTER: SCHOLARSHIP
"Nasa labas na raw ng building si Mr.Alonzo Arandiego...." Tumingin ako sa mga taong dumadaan sa nililinisan kong lugar. Nataranta ang bawat empleyado at wala akong ibang narinig kundi ang kanilang kaba na boses. Ang ilan sa kanila makikita mo ang takot. Hindi na bago sa akin ang ganito. Natigil tuloy ako sa pagmo-mop dahil sa tuwing naririnig ko ang buong pangalan na iyon. Kinilabutan ako sa hindi ko malamang dahilan. Mr.Arandiego is known as a heartless CEO in this Company. Hindi raw ito marunong maawa. He is known as an arrogant heartless man. Ayaw niya rin sa mga taong palaging nagkakamali. One mistake is enough. No wonder, many employees get fired in this Company. Marami din ang nag-iingat na hindi sila matanggal sa trabaho. "Bakit tumunganga ka pa diyan babae! Bilisan niyo sa paglilinis diyan bago pa kayo maabutan ni Mr.Arandiego! Baka malintikan kayo ng boss natin! Bilis na!" Pareho kaming tumingin sa babaeng head manager ng Company na pinagtatrabahuan ko dahil pinandilatan niya ako ng mata. Her wavy hair was swaying through the air. Mapansin mo talaga ang pagkataranta niya habang pinagsasabihan kaming nasa ground floor na tapusin na ang paglilinis ng tiles. She made sure everything was under control. Alam niya kasing mapapagalitan siya ng boss namin. "Patapos na kami, Mada'm!" sabi naman ng kasama ko na si Miradeth. Pareho kami ng trabaho, isang janitor sa malaking oil Company. Isa ito sa pinakamalaking Company sa buong Pilipinas. "Jade, tapos ka na ba?" Nagkatinginan kaming dalawa. Tinaas niya ang kilay sabay nguso sa ginagawa ko. Nakuha ko naman ang pahiwatig niya na bilisan na namin sa paglinis, pagkatapos hinawakan ko ng maayos ang hawakan ng mop. Nilagay ko sa lalagyan ng balde. Nagmadali kong nilagay ang balde sa ilalim ng push cart para umalis na kami doon sa ground floor bago pa kami maabutan ni Mr.Arandiego. They say he was very strict. Hindi ko pa siya nakita nang harap-harapan pero base sa naririnig ko. Hindi mo raw magugustuhan kapag nakasalamuha mo ito. "Aalis na po kami," sabi ulit ni Miradeth. Umasim ang mukha ng manager. Pagkatapos nilibot niya ang tingin sa paligid. She checked every tile using her fingers. She made sure there were, no stains everywhere. Nang mapansin niyang may dumi pa rin sa tiles. Agad lumaki ang mata niya sa galit. "Sino ang naglilinis sa banda rito?" turo niya sa isang sulok na kadalasan dinaraanaanan ng boss namin. Malapit iyon sa elevator. "Hindi malinis...May dumi pang natira galing sa mop! Ilang buwan na kayo rito hindi pa rin kayo marunong sa trabaho!" strikta niyang sigaw. Tiningnan ko ang kasama ko sa pagkat siya ang naka-assigned doon. Pansin ko na nanginginig ito at natatakot na umamin. Huminga ako nang malalim nang maglakad sa amin ang head manager. Ilang beses na nitong pinag-iinitan si Miradeth dahil ilang beses na itong nagkamali sa trabaho lalo na't baguhan pa lang. "Ikaw ba ang naglinis sa bandang ito, Miradeth!" Turo niya sa parteng madumi. Umuusok pa rin ang ilong niya sa galit. "Ako!" Agad akong pumagitna sa dalawa bago pa sumagot si Miradeth. Alam ko na kasi ang mangyayari kapag nagkamali ang isa sa amin. For sure, paparusahan niya ng suspension ng dalawang araw na walang trabaho at walang sweldo. "Jade!" bulong ni Miradeth sa akin dahil sa pag-alala na baka ako ang pagalitan. "Ikaw!? Nakikita mo ba na sobrang dumi pa ng pwestong nilinis mo, babae! Alam mo naman kung gaano ka strikto ang boss natin...Gusto mo yatang ako ang pagalitan sa kagagahan mo!" sabi ng manager. "Lilinisin ko ho, Ma'am. Pasensiya na po. Nagmamadali kasi ako kanina. Hindi ko na pansin—" "Huwag ka nang magbigay ng rason. Ilang minuto na lang, dadaan na si Mr.Arandiego sa lugar na ‘yan. Linisin mo iyan sa loob ng isang minuto. At pagkatapos pumunta ka sa office ko. We need to discuss your suspension." Tumingin siya sa ibang kasamahan ko na janitor. "The rest of you...Umalis na kayo bago pa kayo makita ng boss natin! Alis na!" She waved her hand. Pinisil ako ni Miradeth sa aking braso pagkatapos umalis na ito. Hindi ko na siya nilingon at dumiretso na ako sa pwesto kung saan may madumi sa tiles. Kung minamalas ka nga naman. Malapit iyon sa bandang elevator na kadalasan tinatayuan ni Mr.Arandiego sa tuwing papasok ito ng elevator. "Bilisan mo diyan, Jade! Lalabas lang ako para salubungin ang boss!" sigaw ng manager na agad ko lang tinanguan. "Dapat pagbalik ko...Wala ka na riyan! Huwag kang humarang sa elevator kapag nandiyan si Mr.Alonzo. Maliwanag!" "Opo Ma'am Greta!" Nang masiguro kong naka alis na ang head manager. Nilabas ko ang baldeng may mop sa ilalim ng push cart. Paulit-ulit kong dinaanan ng mop itong tiles na meroong dumikit na dumi pero pansin kong hindi natanggal ang dumi roon. Para itong sulat ng isang permanent marker at meroon ding dumikit na tinta ng ballpen. Napakunot ang noo ko at sinubukan ko itong kaskasin gamit ang kuko pero talagang naka mantsa na ito roon. Pinahid ko ang noo gamit ang likod ng braso. Bigla akong pinagpawisan dahil alam kong malapit ng bumalik ang manager kasama ang CEO ng Company pati secretary ni Mr.Arandiego. Halos maubos na ang isang minuto na binigay sa akin ni Ma'am Greta sa paglilinis nitong madumi na naka dikit sa marmol tiles. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nilabas ko ang isang liquid na pangtanggal mantsa. Binuhusan ko ang parteng iyon pero alam kong matatagalan pa ako rito dahil matagal mag absorb ang liquid sa mantsa. Kinagat ko muli ang pang-ibabang labi nang makarinig ako ng yabag ng sapatos na paparating dito sa pinaglinisan ko. Narinig ko rin ang boses ng secretary ng CEO na may sinasabi na schedule doon sa kasama niya. "As I have said Mr.Alonzo. May meeting kayo sa pamilya ni Ms.Ariella Rafaela Calderon tonight po. Pupunta po ba kayo para masabihan ko na po ang pamilya ni Ms.Calderon." "Alright," sabi ng boses ng isang lalaki sa malamig na tono. Kahit segundo pa lang ang lumipas mula noong nalagay ko ang liquid sa tiles. Agad ko na itong pinasadahan ng mop dahil palapit nang palapit ang boses ng mga taong nag-uusap. "Mr. Alonzo...Pwede ko ba kayong makausap sa office niyo sandali?" Mas nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ng head manager na kausap na ngayon ang CEO. "I have many things to do right now. We can talk during the afternoon," sagot naman ng isang lalaki na sa pagkakaalam ko ang boss ng Company. Kahit boses niya lang ang naririnig ko...Pagpawisan ka talaga sa kaba. Totoo nga ang sabi-sabi. Hindi mo magugustuhan na makita ang may ari ng Oil Company. Kahit isang beses hindi ko pa nakaharap ang Mr.Alonzo na ‘yan dahil kapag tapos na ang trabaho namin agad na akong umaalis rito at pumunta kami sa ibang department para maglinis. Kung nakikita ko man ito palaging nasa malayo at hindi klaro ang kanyang mukha sa malapitan. Maski boses niya hindi ko naririnig. Ngunit habang naririnig ko ang boses niya ngayon. Halo-halo ang kaba ko. Ayaw kong magkamali sa trabaho ko at mas lalong ayaw kong matanggal sa pagiging janitor. "Sir this way..." sa boses ng secretary mas lalong nanginginig ang damdamin ko sa kaba. Kahit hindi pa tuluyang malinis ang tiles agad ko nang tinapos iyon. Nilagay ko ang mop sa balde na may maduming tubig. Binuhat ko ito. Ilalagay ko na sana sa ibabaw ng push cart ngunit hindi ko namalayan na nakarating na pala ang secretary at si Mr.Arandiego sa aking likuran. Saktong pagharap ko sa kanila. Nasagi ko ang bandang torso pants na suot ng lalaki. Tumalsik ang maraming tubig sa kanya. "Damn it!" bulyaw ng lalaki na ika-igtad ko sa sobrang takot. Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim. Nabitawan ko pa ang balde dahil sa panginginig dahilan para mas lalong mabasa ang suot ng lalaking nasa harapan ko, pati na rin ang secretary na kasama nito at ang head manager. Silang tatlo, nadumihan at nabasa rin ang suot dahil sa malakas na pagkabagsak. "Ew! Kabibili ko lang nitong suot ko ngayon!" reklamo ng secretary. "Jade! Ano'ng ginagawa mo! Di ba ang sabi ko sa'yo tapusin mo ang trabaho mo ng maayos. You should make it on time. Bakit nandito ka pa rin! Burara ka talagang babae ka!" sabi naman ng manager sabay hawak sa braso ko ng mahigpit. "P-pasensiya na po! Hindi ko sinasadya!" My lips were trembled in fear. I bowed my head down. Nangilid ang luha ko. Nanlabo ang mata ko at hindi direkta ang tingin ko sa mukha ng CEO pagkakita ko sa maduming tubig na natapon sa suot nitong mamahaling pants at puting long sleeves. Saktong bumukas ang elevator sa tabi ko at may mga empleyado ang nagsilabasan roon at nakita nila ang nangyari. Nagbulungan sila sa paligid ko. Pinalibutan rin nila ako. "Umalis ka na rito...Si Mr.Alonzo pa talaga ang natamaan mo ng balde. Hindi lang ‘yan. Basang-basa pa ang damit ni sir at sobrang dumi! Hindi ka na nahiya sa ginawa mo!" Hinila ako ng head manager palayo sa mga empleyado at doon sa CEO. Kahit nasaktan ako sa paraan nang paghawak niya sa akin. Hindi ko inalintana ang sakit dahil mas iniisip ko ngayon ang kahihiyan at mawawalan din ako ng trabaho dahil sa nangyari. I started panicking. Hindi ako pwedeng mawala sa trabahong ito. "Sandali lang po, Ma'am Greta!" sabi ko saka tinanggal ang braso sa pagkakahawak niya. Ang ginawa ko. Hinarap ko iyong CEO habang nakayuko pa rin. Bigla akong lumuhod sa harapan niya kung saan basang-basa pa ang tiles. Pikit mata ang ginawa ko. "Pasensiya na po sir...Pasensiya na po talaga sa nagawa ko. Hindi ko po sinadya! H-huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho ko....Ayaw ko po mawala ang scholarship ko!" Lahat ng hiya ko sa katawan noong mga oras na iyon, nilamon ko ang pride ko. This is the reason why I wanted to work bilang janitor sa Company na ito. Dahil gusto kong tapusin ang pag-aaral ko bilang isang scholar. "Gagawin ko lahat ng utos niyo sir...Huwag niyo lang akong tanggalin. Kung gusto niyo po akong bigyan ng suspension. Okay lang po sa akin...Kailangan ko po ang trabahong ito." Hindi ko magawang i-angat ang ulo dahil maraming mga mata ang nakamasid sa akin. Including the CEO. Sobrang lakas ng tibók ng puso ko sa mga oras na iyon. Nahihirapan din akong huminga. "Jade, ano'ng ginagawa mo! Tumayo ka nga diyan...Mawawalan ka talaga ng trabaho sa ginagawa mo! Nakakahiya ka!" mariin na sabi ng manager. Hinihila niya rin ang braso ko patayo pero hindi ako nakinig. Nagpumilit pa rin akong lumuhod sa mismong harapan ni Mr.Arandiego. "What's your name, woman?" Parang may nanuot na kilabot sa buong katawan ko nang marinig ko ang boses nito na halos lamunin ako sa takot. "Jade po..." maikli kong sagot. Mariin kong pinikit ang mata dahil tanging nakikita ko ang makintab na marmol tiles at ang itim na sapatos ng lalaki. Sobrang kintab nun, halatang mamahalin. "Pasensiya na po talaga sa nangyari—" "Did you know...How important does this suit to me." "Lalabhan ko na lang po. Ibalik ko po agad kapag malinis na." Napakagat labi ako sa naisip na idea sa utak ko. I don't really have any choice. "It won't help... You've already ruined my day." "Magbabayad po ako sa damages sir—" "What I wear right now is my mom's gift to me before she died. Because of your stupid act, you fúcking stained and wet my fúcking suit. This is worth more than your scholarship, woman." Sa bawat katagang binitawan niya bigla akong naparalisado. Halata ang gigil niya sa akin. "B-babayaran ko na lang po sir. Huwag niyo po akong tanggalin bilang scholar—" "I don't want to see your face again...I will cut off your scholarship and you are fired!" Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. Biglang nag-echo sa utak ko ang paulit-ulit niyang sinasabi... Fired? I'm fired? Wala na rin akong scholarship? Paano na ang pag-aaral ko? Tumulo ang luha ko. Inangat ko ang tingin kay Mr.Arandiego na pumasok na ngayon sa loob ng elevator kasama ang kanyang secretary na mukhang irita din sa akin. "Mr.Arandiego, p-parang awa niyo na." I said softly. Tinupi niya ang suot na white long sleeve hanggang siko habang nakatingin ng diretso sa unahan. Maski tingnan niya ako, hindi niya ginawa. Inayos niya ang neck tie. Hindi pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Hindi na klaro sa akin ang mukha nito sa pagkat malabo na sa mga luhang nagbagsakan sa mga mata ko. Gusto kong magmakaawa na ibalik ang scholarship ko. Gusto kong magmakaawa na huwag akong tanggalin sa trabaho pero wala na akong lakas...Ubos na ang pride ko. Ang tanging nakikita na lang ng vision ng mata ko ang pagsarado ng elevator at naiwan ako kasama ang mga empleyadong halata ang pagkaawa sa akin. "Narinig mo iyon, babae! Umalis ka na rito...Tanggal ka na sa trabaho! Wala ka na ring scholarship!" iyon ang huling dinig ko sa manager bago niya ako iniwanan. "Buti nga sa'yo, tatanga-tanga kasi!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook