2 CHAPTER: BOYFRIEND

2166 Words
"I'm really sorry, Jade. Natanggal ka tuloy sa trabaho dahil sa akin. Nawalan ka pa ng scholarship. Kasalanan ko talaga ‘to" Awang-awa si Miradeth sa akin nang malaman niya ang nangyari. Kalahating minuto pa lang ang lumipas mula noong napahiya ako sa harapan ng CEO at harap-harapan na tinanggal sa trabaho agad kumalat sa buong building ang nangyari sa akin. "Okay lang, Mira. Mali ko naman talaga ang nangyari. Ayaw ko rin naman na matanggal ka sa trabaho. Pareho tayong scholar rito at mas kailangan mo ng pera para sa gamot ng nanay mo." "Hindi kaya ng konsensiya ko, Jade na ikaw ang inakusahan. Kakausapin ko ‘yong manager at sasabihin ko sa kanya na ako talaga ang naka destino sa paglilinis doon—" "Huwag na...Okay lang talaga sa akin. Isa pa...Kahit ikaw ang nakatuka na maglinis roon sa may elevator. Ako pa rin ang nagkaroon ng kasalanan dahil natapunan ko ng maduming tubig galing doon sa balde ang may ari ng Company." Wala na ngang nagawa si Miradeth kundi ang ihatid na lang ako palabas ng building na iyon. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Isang taon na akong nagtatrabaho sa Company na ito bilang janitor. Ngunit bago pa ako mapunta rito. Napunta muna ako sa isang Company na ang nagmamay-ari ay ang Daddy raw ni Mr.Arandiego. Saktong ilang beses nasisante ang mga janitor na nagtatrabaho rito dahil raw kay Mr.Arandiego. Isang pagkakamali agad, tinatanggal niya. Hanggang sa pinadala ako rito ng mismong HR doon sa Company ng Dad ni Mr.Arandiego dahil nakulangan na naman ng janitor rito. And I worked here for one year now. And today, I got fired. Unang beses kong na encounter si Mr.Alonzo, napahiya pa ako. Hindi ko lubos akalain na ako naman ngayon ang masisante. Hindi lang iyan, wala na rin akong scholarship. Ang ama pa naman ni Mr.Arandiego ang nag-offer sa akin ng scholarship para makapagtapos ako sa pag-aaral. Pero dahil sa isang pagkakamali. Nawala ang lahat ng iyon kung saan nasa third year college na ako. "Anak...Ang aga mo yatang umuwi ngayon!? Nag half day ka ba?" Sumalubong sa akin si Mama na sobrang eligante ang suot nito. Makapal ang mapula niyang labi, pabilog ang malalaki niyang hikaw. Nakasuot rin siya ng makintab na dress. Kumunot ang noo ko subalit hindi ito ang kadalasan niyang sinusuot patungo sa trabaho. She used to wear a small shorts, a crop top na halos kita na ang dibdib. Mataas rin ang takong nito, minsan naka boots rin siya. Pero sa suot niya ngayon. She looks elegant and formal. "Mama, saan ka pupunta ngayon? Parang pupunta po kayo ng importanteng event sa suot niyo?" I looked at her from head to foot. Malaki ang ngiti niya sa akin. Nagmadali niyang sinuot ang bagong high heels. "Hindi muna ako magtatrabaho ngayon sa club anak...May ka date ako ngayon. Costumer ko sa bar na sobrang yaman, gwapo at hindi lang ‘yan... Mukhang aahon sa atin sa kahirapan." Kumindat si Mommy sa akin. Halatang excited ito. Nakatitig lang ako sa kanya na inaayos pa ang kanyang make up at ang suot nito na bumagay sa kanya. Kahit nasa 40's na si Mama hindi mo akalain na may edad na ito dahil dalaga pa rin kung titingnan. Ilang beses na itong nagkaroon ng live in partner pero lahat ng iyon. Hindi ko nagustuhan dahil sa mga ugali nila at palaging sinasaktan si Mama ang naman walang trabaho, maraming bisyo. Hanggang sa sinabihan ko siya na huwag na itong mag-boyfriend. Magtrabaho na lang ito nang marangal. Dahil isa si Mama sa nagtatrabaho bilang waitress noon sa isang high end bar. Hanggang sa nagustuhan siya ng mga costumer roon at ginawa siyang pool dancer. Iba't-ibang lalaki na rin ang pinakilala niya sa akin pero lahat ng iyon hindi nagtagal. Ayaw ko rin sa kanila. Kahit ang iba may pera naman pero kadalasan matatanda. Alam kong piniperahan lang sila ni Mama, kapag hindi na nagbibigay agad din nitong iniwanan. At mukhang may bagong target na naman si Mama na costumer niya. "Ma, ang sabi ko naman sa inyo. Huwag na kayong mag-boyfriend. Magtrabaho na lang ho kayo...Saka tigilan niyo na rin po ang pagtatrabaho sa bar. Ako na lang po ang hahanap ng paraan para magkapera tayo." Ilang beses ko na itong sinabi kay Mama pero ang palagi niyang sinasabi... "Ano'ng kakainin natin sa kararampot mong sahod, Jade. Nasa minimum wage ka lang naman at itong trabaho ko mataas pa sa sahod mo. Hindi mababayaran ang renta natin sa apartment diyan sa sahod mo." "Pero Ma...Kaya ko naman po. Mag-part-time job po ako." Iniling niya ang ulo saka tinapos na ang ginagawang pag-aayos. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at hinalikan ako sa pisnge. "Ipunin mo nalang iyang pera mo at mag-aral ka ng mabuti para hindi ka gagaya sa akin na patapon ang buhay. Ako na ang bahala sa atin...Siguraduhin ko na sa lalaking pipiliin ko, anak...Mababago na ang buhay natin." Pinisil niya ang pisnge ko at ngumiti. "Nagluto na ako diyan ng tanghalian. Kumain ka na at magpahinga. Babalik ako mamayang gabi." "May sasabihin po sana ako sa'yo tungkol sa traba—" "Wala na akong oras. Pagkauwi ko saka tayo mag-usap." Tumunganga ako sa sofa nang makaalis si Mama. Tiningnan ko ang television sa harapan. Nanlambot ang katawan ko nang maalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga doon sa Company. Alam kong hindi rin gusto ni Mama kapag nalaman niyang natanggal ako sa trabaho ko at mawawala ang scholarship ko. Gusto niyang makatapos ako sa pag-aaral. At nahihirapan akong sabihin sa kanya iyon. Hindi namin kayang ma-afford ang per semester na tuition fee. Bukod sa mahal, wala rin kaming sapat na pera. Nakatira lang din kami sa isang maliit na apartment na meroong isang kwarto, maliit na sala at isang kitchen counter. Kahit paano hindi naman ako pinabayaan ni Mama kahit nahihirapan na din siya sa kanyang trabaho lalo na't may edad na rin ito. Pero dahil bata pa rin siyang tingnan, marami pa rin siyang costumer na naloloko. She looked at her twenties again. Hindi rin niya sinabi sa mga costumer niya na may anak na siya. Napagpasyahan ko na maglinis na lamang ng apartment. Hinanda ko rin ang sarili ko sa sermon ni Mama kung sakali mang sabihin ko sa kanya na tanggal na ako sa trabaho ko at wala na rin akong scholarship. Sumapit ang gabi, naghanda na rin ako ng haponan namin para sabay kaming kakain pagdating niya. Ilang beses akong tumingin sa bintana para tingnan ang pagdating ni Mama. Naka ilang tingin ako sa mga tricycle na dumadaan sa harapan ng gate. Pasado alas nuwebe ng gabi nang makita ko ang isang itim na kotse na pumarada mismo sa harapan ng gate. Balewala lang sa akin iyon dahil akala ko kotse iyon ng kapatbahay namin na may jowang mayaman. May lumabas na lalaki na nakasuot ng itim na suit. Matangkad ito, at kung titingnan mo sa edad niya parang mas matanda ito ka onti ni Mama. Hindi klaro sa akin ang mukha ng lalaki. Umikot ito sa kabilang pintuan ng sasakyan para pagbuksan ang babaeng lumabas roon. Laking gulat ko nang makita ko ang familiar na dress at ang familiar na babae na lumabas doon sa kotse. "M-mama..." bulalas ko sa pagkat hindi ko akalain na siya nga itong dumating sakay ng kotse. Napa-iling ako ng ulo nang kumapit si Mommy sa balikat nung lalaking magkasing edad niya lang pagkatapos hinalikan niya ito sa labi. Hinapit naman ang bewang ni Mommy nu'ng lalaki pagkatapos hinalikan siya pabalik. Ngumiwi ako sa nakitang lampungan ng dalawa. Umalis na ako roon sa bintana at umupo na lang sa hapag kainan. Kahit kanina pa ako gutom, biglang nawala iyon pagkakita ko kay Mama na mukhang masaya sa bagong boyfriend nito. Uminom ako ng tubig. Patiently waiting for my mother to come inside in our apartment. Ilang minuto rin ang hinintay ko bago ko narinig ang pinto na bumukas. Pumasok si Mama na tuwang-tuwa. Marami siyang dalang paper bags na mamahalin ang brands. Pansin ko rin ang mamahalin nitong gold necklace sa kanyang leeg at ang earrings nito na sobrang kintab. Hindi na ito kagaya ng suot niya kaninang umaga na isang fashion jewelry na mabibili lang sa tyangge. This time, totoong mga jewelries na. "Ma..." tawag ko rito. "Kanino galing ang mga ‘yan?" Turo ko sa mga dala niya. Bahagya pa siyang nagulat pagkakita niya sa akin sa hapag kainan. "Anak, kumain ka na ba...Nagdala ako ng masarap na ulam para sa'yo." Nilapag niya ang lahat ng paper bags sa sofa pagkatapos lumapit siya sa akin para ibigay sa akin ang paper bags na may logo pa ng isang Italian cuisine. Kahit hindi ko alam ang mga restaurant pero alam kong hindi basta-basta ang pagkain na dinala niya. "Ma, siya na ba ‘yung boyfriend na peperahan mo lang? Siya ba ang nagbigiy nitong mga dala mo? Nakita kita na kahalikan mo ang lalaking ‘yun sa labas ng gate." Napatayo na ako dahil hindi ko alam kung ano'ng maramdaman ko sa mga panahon na iyon. Masiyadong maraming nangyari at may gusto rin akong sabihin sa kanya pa tungkol sa trabaho at scholarship ko na hindi ko masabi agad. Ngumiti lang si Mama nang matamis pagkatapos kinurot na naman ang pisnge ko. "Ikaw talaga...Bakit galit ka yata? Hindi ba't dapat masaya ka dahil nakahanap na ako ng lalaking mag-aahon sa atin sa kahirapan?" Pinandilatan ko siya ng mata. Ngunit hindi ako pinansin ni Mama. Bagkos hinimas niya ang braso ko pagkatapos kumuha siya ng malinis na plato para ilabas ang mga pagkain na dinala niya. "Hindi ako masiyadong kumain doon sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Enrico...Pinabalot ko iyong iba para makasama kita sa pagkain. Alam kong gutom ka na, iha. Kumain na tayo...huwag nang maraming tanong." Pinanood ko si Mama gamit ang blangko kong ekspresyon. Huminga ako nang malalim at pinikit ang mata. When I opened my eyes, kita ko ang masasarap na pagkain na unang beses ko pa lang yatang matitikman. Lahat ng iyon masasarap, na tanging mayayaman lang ang pwedeng makakain. "Enrico? Iyan ba ang pangalan ng bagong costumer mo?" I asked calmly. Tinigil ni Mama ang ginagawa. Hinarap niya ulit ako. Hindi pa rin nawala ang ngiti niya habang unti-unti siyang tumango. "Enrico is not my customer anymore, iha... I'm his soon to be wife." Pinakita niya sa akin ang singsing na suot. "Nag-propose siya sa akin ngayong araw. As soon as possible...Pwede na kaming ikasal." "Ano? Kasal?" gulantang kong tanong subalit hindi ko inaasahan na sobrang bilis lang nang pangyayari. Tumango siya nang marahan. Hindi pa rin nawala ang kanyang ngiti. "The truth is...Enrico is my regular customer. Limang buwan ko na siyang customer sa club na pinagtatrabahuan ko. Araw-araw, gabi-gabi siya lang ang naging costumer ko sa loob ng limang buwan na iyon. Magkasama kami palagi, at masaya ako kapag kasama ko siya Jade. Iba ang tibók ng puso ko pag magkasama kami....Alam mo ba kung magkano ang singsing na binigay niya sa akin? Milyon lang naman ang halaga nito." Kinurap ko ang mga mata. Hindi lubos akalain na ito na naman kami. My mother fell in love again. Kahit alam mo naman na nasilaw lang ito sa pera. "Ma, sinabi mo rin sa akin ‘yan doon sa huling boyfriend mo...Inlove ka rin nu'n pero ano'ng nangyari, ha? Nagsawa ka rin sa kanya. Hindi ka man lang niya tinulungan para tapusin mo na ‘yang pagtatrabaho mo sa club. Nagplano rin kayong nagpakasal pero sa bandang huli. Umayaw ka. Nagbago ang isip mo." "Wala kasing pera ang lalaking iyon. Walang kwenta...This time, iha...Mayaman ang mapapangasawa ko. For sure, matatapos na ang trabaho ko bilang club dancer. Di ba ’yun naman ang gusto mo?" Tiningnan ako ni Mama nang maigi. "Ma, mayaman iyan. Delikado ang papasukin mong gulo." "Anak...Hindi na tayo maghirap...And I swear to you...Enrico is far from what you expected. Sobrang layo niya sa mga lalaking naka relasyon ko. At mahal ko siya. Everything will be alright, iha." Napasinghap ako dahil wala na akong masabi pa kay Mama. Alam kong hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya. Kahit ano man ang sabihin ko rito, matigas talaga ang kanyang ulo. Gusto niya, siya ang masusunod. "Delikado ang ginagawa mo, Ma... Mahirap kung nagpakasal ka agad. Limang buwan mo pa lang siyang kilala. Baka may asawa 'yan... baka matapobre, o di kaya baka masama ang ugali. Who knows!" "Trust me, iha...Mabait si Enrico....Besides, gusto ka niyang makilala. Gusto ko rin makilala mo ang magiging asawa ko nang sa ganoon makikita mo kung gaano siya kabait, kung gaano ka buti ang puso niya. Nasa kanya na ang hinahanap ko sa isang lalaki." "Hindi pa ako handa na makita siya, Ma." "Naka schedule na ang pagkikita niyo, iha...Magkikita kayo ni Enrico bukas. Ipapakilala niya rin tayo sa anak niya." "Wait...may anak na siya?" "Yes...Gusto niyang personal na makausap ka tungkol sa plano naming magpakasal kaya pupunta tayo sa bahay ni Enrico para makita ka niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD