“Nay, hindi na po ba talaga ako mag aaral?” malungkot na tanong ni Faye sa kanyang ina nang makabalik sila sa kanilang tahanan. Kagagaling lamang nila sa bayan kung saan nagpunta sila sa paaralang pang high school upang itransfer sana siya. Hindi agad nakakibo ang kanyang nanay, naupo ito sa kanilang kawayang upuan na naroon sa maliit nilang kubo. Malungkot na tumingin sa kanya ang ina saka bahagyang umiling. Nakaramdam ng kalungkutan si Faye dahil sa naging tugon ng kanyang ina kahit pa inaasahan na niya iyon sapagkat may kutob na siya kanina pa lamang. Nang oras na makita niya ang malungkot na muka ng kanyang nanay nang matapos itong makipag usap sa school admin ay batid na niyang may hindi magandang balita. Sinubukan niyang magtanong kung pwede na siyang pumasok ngunit isang iling lam

