Zaina Jhin
“Hays! Sabi na nga ba, it’s not worth it!” Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang inis at gigil na boses ni Jovann. Abala ako sa pag babasa dahil vacant namin kayat hindi ko namalayan na narito na pala sa tabi ko ang isang to. Dahil nga sa magkatabi kami ay ako agad anng unang nakakakita at nakakarinig ng lahat. Mula sa pag pagkabagot niya, pang bababae, pang aasar, at pag iinarte. Ano naman kaya ang pinag iinarte ng mokong na ito at may nalalaman pang malalim na buntong hininga.
“Problema mo?” yamot kong tanong sa kanya. Napatingin naman agad siya sa akin at nagtaas pa talaga ng kilay saka ako pinagmasdang mabuti.
“Bakit parang okay lang sayo ang lahat? Hindi kaba naiinis sa ginawa ng school sa atin?” iritang tanong niya kayat napaisip naman tuloy ako.
Pagkatapos ng ilang saglit na pag iisip tiningnan na niya ako ng tinging ano na. Ngunit umiling lamang ako kayat napabuntong hininga na naman siya.
“Nag invest tayo ng oras at pagod sa pag rereview for that stupid contest, pero ano nangyare, wala lang!” naiinis na wika niya. Doon ay hindi ko na naiwasan ang matawa hindi lang dahil sa reaksyon niya kundi maging sa dahilan ng panggigigil niya.
“Seriously Jovann, iyan ang kanina mo pa kinaiinis?” natatawa kong tanong, nagtaas siya ng kilay na lalo kong kinatawa. Tingnan mo nga naman ang supladong ito, bagay pala magtaas ng kilay, ang cute pala tingnan ng siraulo.
“Hindi naman tayo nanalo, bakit nag eexpect ka nang malaki from school?” wika ko habang naiiling iling. Pinagpatuloy ko na muli ang pagbabasa ko habang natatawa parin sa kanya.
“So dapat pag nanalo lang? Dapat magbigay din sila ng mga exception sa atin for some quizzes or maybe in our project. Para naman sulit ang pagpapakahirap natin, aba hindi naman biro ang pagsali sa contest na yun, sumakit kaya ulo ko don. Saka mataas naman ang nakuha nating score ah,”
Napapailing na lamang ako habang panay sa kakareklamo si Jovann. Well may point naman siya kaso lang ganon talaga ang patakaran sa mga school, wala naman kaming ibang magagawa tungkol doon. Hindi naman iyo gaya sa school namin sa probinsya na binibigyan kahit simpleng bagay lang ang nagawa mo para sa school.
Kakatapos lang kase ng contest na ilang buwan din naming pinagpaguran sa kakareview. Hindi kami pinalad na manalo dahil isa lamang ang siyang pwedeng magwagi. Subalit napasama naman kami sa top 10 kayat hindi ako masyadong nalungkot. Isa pa ay sanay na ako sa mga ganitong contest dahil hindi naman talaga sa lahat ng pagkakataon ay nanalo. Kailangan tanggapin ng bukal sa loob manalo man o matalo.
“Oh bakit na naman?” takang tanong ko nang manahimik siya at humarap talaga mismo sa pagmumuka ko.
“Bakit parang okay lang sayo?” tanong niya matapos niyang yamot na dumukdok sa kanyang desk ngunit nakaharap parin sa akin ang kanyang muka.
Muli kong binaba ang pocketbook na binabasa ko saka dumukdok din at humarap sa kanya, kapwa na kami nakadukdok habang magkaharap na nakatingin sa isat isa.
“Ganon kase talaga Jovann, hindi lahat ng gagawin natin ay may kapalit. Kailangan mong tanggapin na ganon ang lipunan natin. Isa pa contest lang yan, hindi man nila nasuklian ang paghihirap natin atleast ginawa natin ang best natin,” pahayag ko na kinatahimik niya.
Ayo slang talaga sa akin, dahil sa mga ganitong pagkakataon ay lalo akong nagmo-motivate na magsumikap. Ang totoo ay tila bumalik sa sistema ko ang pagsusumikap ko noong elementary ako. Lahat ng mga hinahangad ko noon ay tila nais kong ipagpatuloy ngayon. Nais kong muling sumubok, nais kong muli ay pagsikapan na makuha ang 1st.
“Pero kaya nagiging ganyan ang sistema kase sa palagi nalang napagbibigyan. Wala nang libre sa panahon ngayon aba,”sambit niya, tama naman siya kaya nga madami ang namimihasa.
“Pero iba naman ito. Depende na sa sitwasyon yun sa sitwasyon. Yung sa atin naman, may dagdag grades naman tayo, ayaw mo pa ba non?” sambit ko.
Napabangon ako mula sa pagkakadukduk ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko iyon at isang mensahe ang siyang pumukaw ng atensyon ko.
“Mas masaya sana kung sinulit na nila, sana nag bigay man lang sila kahit 1day rest pero may attendance parin tayo,”
“bakait nag enjoy ka naman ah, anong saya pa ba ang gusto mo,” Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Jovann dahil naagaw ng mensaheng nareceive ko ang atensyon ko.
Nakatanggap ako ng mensahe sa hindi ko kilalang number at hindi lamang isang mensahe dahil sunod sunod iyon at may mahaba pa. Sa una ay simpleng Hi, Kamusta, hanggang sa….
“Sorry kung nagtext parin ako sayo kahit hindi naman ikaw ang nagbigay ng number mo. But I just want to say na I’m so blessed to meet you that day,”
Napakunot noo ako matapos basahin ng loko lokong si Jovann ang message na para sa akin. Nang tingnan ko siya ay nakadikit na pala siya sa akin at nakasilip na sa cellphone ko.
“Ginagawa mo?” mataray kong tanong sa kanya. Napatingin naman siya sa akin saka mabilis na lumayo. Umakto na kunwari ay wala siyang nagawa at nag iwas pa ng tingin.
Tinitigan ko siya ng masama at wala akong balak tanggalin ang masamang tingin ko sa kanya hanggang hindi siya nagsasalita.
“Fine, suko nako. Sorry okay! Kase naman nawawala ka sa sarili mo, iba iba sinasagot mo sa akin,” wika niya kayat naalala ko ang sinagot ko sa kanya.
“Sabi ko mas masaya sana kung nagbigay sila ng rest day,” wika niya kayat napagtanto ko na nagkamali nga ako ng sagot.
“Pero hindi yun counted para magbasa ka ng message ng iba,” pagsusungit ko sa kanya. Nakakahiya naman kase, nabasa pa niya. Teka siya ang dahilan kung bakit nagtext sakin yun eh.
“Sorry na nga,”
“Kasalanan mo to eh,”
Sabay pa kaming napatingin sa cellphone ko nang muli itong mag vibrate mula sa armchair ko. Kiniuha ko iyo hindi dahil excited akong mabasa kundi nais kong replayan upang tumigil na.
“I’m Christian nga pala, Zaina Jhin right? Alam mo ba na pagdating nyo palang nakita na kita, doon palang ibang ngiti na ang sumilay sa labi ko dahil sayo,”
Hindi ako natutuwa sa mensaheng iyon, ano naman paki alam ko sa kanya. Sa inis ko ay nagreply ako agad.
“Wala akong paki, wag kana magtext sa akin,”
Binalik ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko matapos kong burahin lahat ng messages sa akin nung lalaking iyon. Ngayon ay alam ko na kung sino ang Christian na yun, siya yung lalaking nanghihingi ng number ko sa contest, na si Jovann naman ang nagbigay dahil ayaw ko nga ibigay.
“Oh bakit mo naman nireplayan ng ganon, napaka sungit mo naman. Paano ka magkakaboyfriend nyan?” sambit ni Jovann kayat napasama ang tingin ko sa kanya.
“Hindi ko kailangan ng boyfriend Jovann, hindi ko nais matulad sa mga babaeng napaiyak mo,” sambit ko dahil naalala ko naman ang mga babaaeng pinaglalaruan lang niya.
“Og bakit ako nasali? Fling lang kase iyon, hindi seryoso, wala sanang iiyak kung hindi nila sineryoso,” Grabe wala akong masabi sa lalaking ito, lahat ay may lusot.
“Wala sanang iiyak kung walang nagpapaiyak,” wika ko sa kanya saka siya tinaasan ng kilay. Ha akala mo ah ikaw lang kayang lumusot.
Ngunit sa halip na batuhin niya ako ng mga palusot niya ay nanahimik siya saka lumapit sa akin. Nailang ako sa paraan ng pagtingin niya sa mga mata ko, lalo na ang biglang pagbabago ng mga mata niya. Kadalasan ay pang asar at masaya iyon, ngunit bigla ay napalitan na sa pakiwari ko ay tila lungkot at pag aalala.
“Pinaiyak kaba niya?” mahina ngunit buong buo niyang tanong bagay na hindi ko agad nasagot.
“Si JM, siya ba ang dahilan ng pag iyak mo?”
Agad akong natigilan dahil sa katanungan na iyon ni Jovann. Hindi ko nagawang kumilos lalo na ang sumagot na sa wari ko’y umurong ata ang aking dila. Sinubukan kong halugarin ang aking isipan kung tama ba ang narinig ko. JM nga ba ang salitang namutawi sa bibig ni Jovann? Kailanman ay hindi ko naisip na maririnig ko mula sa kanya ang pangalan ng lalaking pilit kong tinatago sa aking nakaraan.
Bukod sa hindi ko alam ang isasagot ay hindi ko nais na pag usapan pa namin si JM kayat minabuti kong tumalikod na agad. Alam kong hindi tama ang aking inasal ngunit iyon lamang ang nakikita kong paraan upang matakasan ang sitwasyong iyon. Magkaibigan kami ni Jovann subalit ang tungkol kay JM ay hindi ko kayang basta na lamang pag usapan lalo at hindi pa sa lahat ng oras ay handa akong balikan ang aming nakaraan.
“I’m sorry, wag mo sanang isipin na nakikialam ako. I just want to know you better, and I think JM has a big part on your life, kayat ninais kong malaman kung sino sya sa buhay mo,” Sa pangalawang pagkakataon ay natigilan ako ng muling magsalita si Jovann. Hindi na iyon muling nasundan ngunit alam kong naghihintay siya ng kasagutan mula sa akin. Mariin kong pinikit ang mga mata ko bago ako tuluyang humarap pabalik sa kanya saka nagwika.
“Yes he has a big part of my life, ngunit Jovann pasensya na. It’s not time and I can’t tell you, sana ay maunawaan mo,”
Tila nagulat si Jovann sa sinabi ko, subalit agad ding nagliwanag ang muka niya at sa tingin ko ay naiintindihan naman niya ang nais ko. Hindi madaling balikan ang nakaraan ko lalo at may masasakit na naganap. Dati ay kaysarap balikan ng aming alaala, ngunit narealize ko na kakambal ng masasayang alaala ang masasakit na pangyayare sa aking nakaraan.